Mae’s POV
Ilang minuto ang lumipas bumukas na yung pinto.
“Mine.” Tas niyakap niya ko mula sa likod.
“Sorry.” Sabi ko.
“No, ako dapat ang mag-sorry Mine kasi hindi ko inisip yung mararamdaman mo kung di ako makaka-attend sa party mo tapos nasigawan pa kita kanina.” Pinatong niya yung baba niya sa balikat ko.
“Dapat din naman akong mag-sorry kasi nag padala ako sa init ng ulo, kaya hindi tayo nakapag usap ng maayos.” Humarap ako sakanya at niyakap siya.
“Sorry talaga Mine, I’ll make it up to you.” Tas kiniss niya ko.
“Nakaka-inis ka Knight Ocampo, hindi talaga kita matiis.”
“Ang pangit ng mata mo Mine.”
“Nang-asar pa toh. Kasalanan mo kung bakit naging ganyan yan kasi pina-iyak mo ko.” Kiniss naman niya yung mata ko.
“Sorry talaga Mine, di man lang ako naka-sulyap sayo habang naka-gown ka.” Nag-pout lang ako.
Pumasok naman siya sa kwarto at pag-labas niya suot-suot na niya yung tuxedo na dapat suot niya kanina. Nilapag niya sa gilid yung iPad niya at nag play ng kanta.”
Now Playing: Back At One
By: Brian McKnight
“Hindi man ako yung pang 18 roses mo.” Sabi niya at nag-lakad siya palapit sakin.
“Ako naman yung pang 19.” Batukan ko nga akala ko pa naman babanat ng sweet -.- Nilagay ni Knight yung kamay ko palibot sa leeg niya, nilagay naman niya yung kamay niya sa waist ko. At hinila ako palapit sakanya.
“Mine, sorry talaga kung alam mo lang kung gano ako naiinis sa sarili ko ngayon kasi hindi ako naka-punta sa debut mo. Sorry ulit kung nasigawan kita ikaw naman kasi.”
“Ako pa talaga sinisi mo?” Tanong ko.
“Patapusin mo muna ako pwede? Nebeyen Mine singit naman kasi ng singit e. As I was saying ikaw naman kasi tinakot mo ko first time mo kaya akong sinigawan *pout* Nataranta na ko noh hindi ko lang pinahalata sayo kanina. Mine ko mahal na mahal kita tandaan mo yan. Ganun ka na ba nagse-selos kay Cass?” Huminga muna siya ng malalim.
“Okay, iiwasan ko na si Cass. PARA SAYO. Salamat ka ang pogi ko talaga.” Dagdag niya.
“Okay n asana kaso yang kayabangan mo eksena e.”
“Totoo naman kasi.” Tas niyakap niya ko.
“Sorry talaga Mine, akala ko di mo na ko kaka-usapin e.”
“Bwiset ka matitiis ba kita?”
“Alam ko naman na hindi mo ko matitiis noh.” Batukan ko nga ulit.
“Nakakarami ka na.” Hindi na lang ulit ako nag-salita at niyakap ko na lang din siya.
“Happy 18th birthday Mine.” Tas inabot niya sakin yung boquet of roses.
A/N: Song ends here.
“Mine ko wag na tayo pumasok ha.” Sabin i Knight habang naka-upo kami sa sofa.
“Ano pa bang magagawa ko? E hindi mo ko ginising.” Pasaway kasi kahit maaga naman siyang nagising di man lang ako ginising -.- 10 am na kaya.
“Ise-celebrate natin yung birthday mo.”
“Wag na tinatamad akong umalis, dito na lang tayo sa bahay.” Nag-nod lang si Knight at nag patuloy na sa panunood.
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Подростковая литератураStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V