Chapter 34

1.2K 22 4
                                    

Mae's POV

“Sorry, na Apo.” Sabi sakin ng Lolo ko. Oo Lolo ko his name is Robert De Vera.

“Pano kayo nakapasok ni Lola Tina?” Tanong ko. Lola Tina, Lola naman ni Knight her name is Tina Grace Ocampo talagang sinauna yung Tina e noh? Ssssssh, secret natin  yun ha.

“Oo nga Lola pano kayo nakapasok ni Lolo Robert?” Tanong ni Knight.

“At bakit niyo kami tinakot?” Sabay naming tanong ni Knight.

Flashback

Lolo Robert’s POV

Nag-mall ako ngayong araw. Kung bakit? Wala trip ko lang, boring sa bahay e. Nagulat ako ng may humampas sa likod ko. At dahil matanda na ko nasaktan talaga ako dun sa hampas kaya napa-upo ako buti na lang may malapit na upuan.

“Sorry Roberto napa-lakas ba?” Pag-lingon ko.

“Sinasabi ko na nga ba ikaw yan Tinapay e.” Sabi ko kay Tina na ang tawag ko ay Tinapay kasi yun yung asar namin sakanya ni Elwood ang yumao na niyang asawa, nung mga bata pa kami kaya nasanay na ko.

“Roberto, long time no see.” Tas umupo siya upuan.

“Ikaw din Tinapay di ka pa nagbabago, malaki pa rin mata mo Hahaha.” Binatukan ako ni Tinapay.

“Sumbong kita ay Elwood at Linda dyan e para multuhin ka.” Sabi niya sakin.

“Naku pabor na pabor sakin yun para naman makapling ko na ulit si Linda Ko.” Yumao na rin kasi ang asawa ko.

“Nga pala, nabisita mo na ba sila Mae at Knight. Ang balita ko ay nandun sila sa Condo nakatira ngayon.”

“Hindi pa. Busy ako, san bang Condo sila nakatira ngayon? Yung Apo kong yun di man lang nagsabi na naka-uwia na pala ang kanyang asawa.” Malihim talaga yang si Mae, kokotongan ko yan pag nakita ko. Sinabi naman sakin ni tinapay kung sang Condo yun. Dun pala siya papunta ngayon at dumaan siya dito sa Mall para bumili ng ipapasalubong dun sa dalawa.

“Ano sasama ka ba?” Tanong sakin ni Tinapay.

“Pag-iisipan ko pa. Balak ko sanang manuod nung The Conjuring ba yun? Yung trending na trending sa facebook na horror movie.” Isa din yun sa dahilan kung bat ako nag-mall.

“Talaga? Kadalasan ko nga ring nakikita yan sa Twitter kada nagti-tweet yung mga Amiga ko at yung Apo ko pang si Lemon.”

“O, kamusta na nga pala yung batang yun? Kaganda at katalino pang bata.”

“Siyempre mana sa Lola.”

*ehem*

“Bakit totoo-“

Back to reality.

“Lo, wag niyo ng ikwento lahat ng nangyari. Ang tinatanong lang namin kung pano kayo naka-pasok dito.” Sabi ko kay Lolo balak pa atang i-summary lahat e -______-

“Ok, ok.” Sabi naman ni Lolo.

Back to Lolo Robert’s POV

Napagkasunduan namin ni Tinapay na manuod ng The Conjuring kaso ayaw kaming pag-bilhan ng ticket kasi matanda na daw kami at baka atakihin daw kami sa puso pag-nagulat kami. Pinilit man namin sila kaso ayaw talaga kahit ipag-pilitan naming wala kaming sakit sa puso o history sa mga nerbiyos. Dun ako nalungkot L Bumili na lang kami ng Cd nung The Conjuring at nagpunta na dito sa Condo.

Back Off He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon