Amnah Sol's POV
"Wala naman e." Nasabi ko pagtingin ko kay Alden na wala na ngayon sa pwesto niya. Waaaaaah, where is he? Tsk, tumakas nanaman yun parang dati yung ginawa niya nung may party sa school. Badtrip bat kasi ako naniwala naman e ang uto-uto ko talaga. Asa namang nandito sa Dance Ball si Seungri at Daesung *pout* Nag-umpisa na kong maglakad ng mabilis siyempre di pwedeng tumakbo naka-heels at gown ako mahirap na. Siguro di pa naman nakakalayo yung si Alden kailangan ko siyang mahanap agad. Dapat ako ang maging first dance niya. Palabas na sana ako ng Venue ng biglang may humila sakin at sinandal ako sa pader.
"Hey, bakit mo ko hinila? Teka? ?"
"Ow. Amnah ikaw pala yung nahila ko, joesonghabnida." Sabi niya. Ji-yong is my classmate sa lahat ng subjects pure Korean pero fluent na fluent sa tagalog.
A/N: joesonghabnida - sorry
"Bat ka ba kasi nanghihila dyan?" Tanong ko.
"Pano kasi hinahabol ako nung dambuhalang babae na patay na patay sakin."
"Wow ha? E ano naman?"
"Mag-sayaw pa daw kami."
"Bat di mo isayaw?"
"Sinayaw ko na nga. Pagod na ko noh. Atsaka mukhang walang balak yung pakawalan ako magdamag." Reklamo niya.
"Hahaha."
"Bat ka tumatawa dyan?"
"Kasi Ji-yong ayan ba yung tinutukoy mo?" Lumingon naman si Ji-yong sa likod at nanlaki ang mga mata niya ng makita yung babaeng di naman sa nanglalait a, dambuhala talaga na papalapit samin.
"Waaaah. Amnah anong gagawin ko?"
"Ewan ko sayo dyan ka na. May hahanapin pa ko." Aalis na sana ako ng hilahin ulit ako ni Ji-yong at sinandal sa pader. And he start kissing me. Gosh I don't know what to do? Di po ako marunong humalik, ay ano ba yan bat yan ang iniisip ko. Parang nanigas ang buong katawan ko gustuhin ko man siyang itulak di ko naman magalawa yung mga kamay ko. Naramdaman kong tumigil na siya sa paghalik sakin at lumingon ulit sa likod.
"Nakahinga din ng maluwag." Sabi niya.
"Tha..that was my fi..first kiss." Sabi ko habang nakahawak sa labi ko. Napatingin naman siya sakin.
"Hala. Sorry Amnah di ko alam sorry talaga." Nagpa-panicked niyang sabi. Ako naman di talaga makapag-salita. Biglang hinawakan ni Ji-yong ang kamay ko, at naglakad palabas ng Venue. Biglang tumibok ng sobrang bilis yung puso ko. Di ko namalayan nakarating na pala kami sa 7Eleven pagpasok namin pinagtinginan kami ng mga tao sino ba namang hindi titingin samin e ako naka-gow tas siya naka-tuxedo pa. Bumili siya ng Chuckie oo Chuckie talaga yung binili niya waaaaah favorite ko yun. At nakuha ko pa talagang maggaganyan-ganyan ngayon? Inabot sakin ni Ji-yong yung Chuckie.
"Inumin mo muna yan." Tulad nga ng sinabi niya ininom ko na yung Chuckie.
"Uhm. A..amnah so..sorry." Sabi niya habang nakatungo.
"Ah, wala yun. Nabigla lang ako." Sabi ko.
"Di ka talaga galit?"
"Oo." At uminom ulit ako. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Shete ano ba toh?
"Alam ko wala sa lugar tong pagtatapat ko." Lumingon ako sakanya nakita kong nakatingin na pala siya sakin kaya agad naman akong nag-iba ng tingin.
"Pero kasi ngayon lang tayo nagkaron ng time na tayong dalawa lang talaga. Nung una pa lang kitang nakita nagustuhan na kita."
Nagco-confess ba siya sakin?
"Pero patagal ng patagal nawala din ang pagka-gusto ko sayo."
Assuming lang pala ako tss.
" Natuwa ako ng malamang ako yung First Kiss mo." Hinawakan niya yung kamay ko magkatitigan na kami ngayon.
"Gusto ko sanang sabihin sayo na, nawala na yung nararamdaman kong gusto kita kasi."
"Saranghae." Dagdag niya. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko kesa sa kanina ngayon parang sasabog na talaga. Di naman ganto yung nararamdaman ko sakanya dati kahit pa sabihin nating gusto ko rin siya oo may gusto ako kay Ji-yong pero mas gusto ko si Alden. Pero bakit ngayon sinasabi ng puso ko na mas gusto ko na si Ji-yong?
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Ficção AdolescenteStory na walang maayos na plot. Pero mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V
