Mae's POV
Kinabukasan.
Nakakainis si Knight parang abnormal. Hindi ako kinakausap ng maayos what I mean is kung kakausapin man niya ako laging nakatalikod o di kaya nakapikit tas natakatungo, hays hindi ko na alam gagawin ko.
"Knight, next week na pasukan san ka nga pala nakapag enroll?" Tanong ko habang kumakain kami ng lunch.
"Sa tingin mo?" Sarcastic na sabi niya habang NAKATUNGO tas kumakain.
"Sabi ko nga hehe." Putek sige lang Mae pag pasensiyahan mo lang ikaw naman ang may kasalanan eh. After naming kumain ako ang nag hugas ng pinggan walanghiyang Knight yun diretso agad sa c.r para maligo.
"Mae gagabihin ako ng uwi, wag mo na kong hintayin." Sabi niya habang NAKATALIKOD. At bakit Mae ang tawag niya sakin? Bakit hindi Mine? Oy hindi ako nalulungkot ha hindi lang kasi ako sanay.
"Feeling mo naman hihintayin kita." Sabi ko sakanya.
"Ok." Sagot niya tas lumabas na siya. Ako nga-nga, joke. After kong maligo nag punta ako sa park na malapit sa condo na tinitirahan ko. Umupo ako sa bench tas naglagay ng headet. Habang pinagmamasdan ko yung mga batang naglalaro hindi ko maiwasang mapangiti ang cute kasi nila tignan.
"Uy Mae." Tawag sakin ni
"Alden?" Oo Si Alden Cruz, remember nung Chapter 4 nung dumating si Bessy yung sinasabi niyang Alden siya yun.
"Long time no see." sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"Grabe laki ng pinagbago mo. Bad boy turn to Good boy, ano nakain mo?" Tanong ko. Tsk, ok naman sana toh kaya lang mahangin.
"Bagay ba sakin pag ganto?" Tanong niya.
"Oo naman." Sagot ko.
"Uhm Mae tara mall tayo." Yaya niya.
"Sige ba basta libre mo ko." Sabi ko, 50 lang kasi dala kong pera.
"Sure." So yun nag punta na kaming mall.
"Mae bagay ba sakin toh?" Tanong niya habang pinapakita yung polo shirt na blue.
"Yup." Ako.
"Talaga? Sige bibilhin ko na toh." Tas nagpunta na siya sa counter at nagbayad.
"Ang laki talaga ng pinag bago mo." -Ako.
"Hehe. Ganun talaga, people do change." -Alden.
"Tsk, nakakapanibago ka talaga. Hindi ka ata nagyayabang ngayon." -Ako.
"Haha, good boy na toh." -Alden.
"Uy kain na tayo." -Ako.
"Ok lang ba kung sa McDo?" Tanong niya.
"Oo naman, favorite ko kaya yun." Sabi ko.
"Ako din haha parehas tayo." Sabi niya tas nag apir kami. Akalain mo yun kumakain pala toh sa McDo. Kahit kasi nililigawan niya ko dati hindi ako pumapayag maki pag date sakanya, kung bakit? Ayoko lang talaga. After naming kumain naglibot ulit kami sa mall tas nag laro sa Timezone.
"Para sayo." Sabi niya sabay abot nung bracelet na silver simple lang siya pero maganda.
"Ay nako wag na, nakakahiya naman." Kahit papano may hiya pa rin naman ako noh.
"Sige na tanggapin mo na para parehas tayo." Tas pinakita niya yung bracelet niya na na-suot na niya.
"Ok, akina na." Pero kinuha niya yung kamay ko tas sinuot yung bracelet.
"Thank you Mae, first time nating nag kasundo ngayon haha." Oo nga noh? Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko sakanya kasi hindi kami nagkakasundo niyan kaya nga nagtaka talaga ako kung bakit ako niligawan niyan eh. Nagkwentuhan kami tas hinatid niya ko sa condo. Si Knight? Ayun nanunuod ng t.v.
"Akala ko ba gagabihin ka?" Tanong ko.
"Bakit ka nagtatanong?" Sagot niya habang nakatingin sa pinapanuod niya.
"Masama ba mag tanong?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya, aba ang loko tumayo.
"Oo masama." Sagot niya habang nakatayo naman.
"Hoy Knight tumingin ka nga sakin pag kinakausap kita." -Ako.
"Bakit kailangan pang tumingin?" -Knight.
"Para mas maayos tayong makapag usap." -Ako.
"Bakit nag uusap naman tayo ng maayos ah." -Knight.
"Nakakainis ka talaga, bakit ba ayaw mo kong tignan?" -Ako.
"Wala lang." -Knight.
"Ano ba kasi talagang problema mo? Mag usap nga tayo ng maayos." Tas hinila ko siya paharap sakin, kaso tumalikod ulit siya.
"Kanina pa tayo nag uusap ng maayos." -Knight.
"Nakakainis ka talaga, oo nga kinakausap mo nga ako nakatalikod ka naman o di kaya nakatungo tas nakapikit pa. Ano ba." -Ako.
"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ayaw kitang tignan." Sabi niya sakin habang kaharap na siya. Sa wakas.
"Oo." -Ako.
"Simple lang kasi baka mamaya pag tinignan kita makalimutan ko na nag tatampo pala ako sayo. At baka mayakap kita ng di oras at masabing 'Mine Ko, sorry kung nag tampo ako sayo ha at kung iniwan kita kanina' Gets mo." Sabi niya. Kinikilig ako. Yun pala yun.
"Sorry ha kung hindi kita pina tulog sa kuwarto, peace?" Sabi ko.
"Ok pero bago kita mapatawad." -Knight.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Mag-gwiyomi ka muna." Sabi ni Knight.
Hala GWIYOMI daw?
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V