Chapter 35

1.2K 21 5
                                    

Mae's POV

Paggising ko wala na si Knight sa tabi ko. Sakto namang pagkatok ni Lolo Robert.

"Apo, luto na yung almusal. Tara na."

"Sige po Lo susunod na lang po ako." Lumapit naman sakin si Lolo at umupo sa kama.

"Apo akala ko talaga hindi na kayo magkakasundo ni Knight." Sasagot pa lang sana ako ng biglang mag salita ulit si Lolo.

"Kasi alam naman na sa simula hindi talaga siya yun-" Pinutol ko na kung ano man yung sasabihin ni Lolo.

"Masaya na po kami ni Knight at mahal ko na po siya Lolo kaya wag na po kayo masyadong mag-isip ng kung anu-ano." Sabi ko.

"Sigurado ka na ba dyan Apo? Hindi naman sa pinagdududahan ko yang nararamdaman mo kay Knight kitang-kita naman kung gano mo na siya kamahal. Ang akin lang wala na ba talaga si Jo-" Pinutol ko ulit yung sasabihin ni Lolo.

"Opo naman Lo sure na sure na ko dun. Atsaka yung samin ni ano puppy love lang po yun di ganong kaseryoso."

"Ikaw lang naman ang iniisip ko Apo, diba nga kaya naiinis ka kay Knight dati kasi dahil sakanya pinaghiwalay kayo n-" Pinutol ko nanaman yung sasabihin ni Lolo. Sabihin niyo ng bastos ako pero ayoko lang talaga marinig kung ano man yung mga susunod na sasabihin ni Lolo.

"Lo hindi naman po dahil kay Knight yun ako po ang pumili nun. Atsaka hindi naman ako naiinis kay Knight dati dahil dun mapang-asar kasi siya Lo yun lang yun."

"Ikaw ba ang pumili kay Knight o ang mga magulang mo?" Natigilan naman ako dun.

"Apo sana lang hindi mo niloloko yung sarili mo kasi sa huli ikaw rin ang masasaktan. Sumunod ka na lang sa baba ha." Umalis na si Lolo ako naiwang speechless ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. At bago pa ko tuluyang maguluhan e nag-ayos na ko at bumaba. Nadatnan ko naman si Lola Tina na tinuturuan si Knight mag-luto. Ang cute nila tignan.

"Ano ba yan, sobra-sobra na yung toyong nilagay mo Apo."

"Sorry naman La." Sabi ni Knight.

"Pano na lang magugustuhan ni Mae yan kung hindi mo sasarapan ang luto mo."

"Lola, tiwala lang." Napalingon naman sa pwseto ko si Lola Tina.

"O Mae nandyan ka na pala." Nakangiting sabi sakin ni Lola lumapit ako sakanya at kiniss siya sa cheeks.

"Mine ako wala?" Tanong ni Knight. Binatukan naman siya ni Lola.

"Aga-aga Apo ha."

"Joke lang Lola."

"O sya-sya kumain na tayo." At kumain na kami. Ok naman yung luto ni Knight proud na proud nga siya e Adobo yung niluto niya.

"Mga Apo gusto niyo bang mag-punta sa Perya." Tanong ni Lola.

"Opo La miss na namin dun diba Mine?" Nginitian ko lang si Knight. Isa yung Perya dito sa mga dinadayo namin ni Knight nung bata pa kami kasama dun s- Ay wag nang ituloy magugulo nanaman ako.

"Sama ako." Sabi ni Lolo.

"Siyempre naman Lo." Sabi ko.

"Hindi Roberto hindi tayo sasama, bisitahin natin ang puntod ng mga asawa natin." Sabi naman ni Lola Tina.

"Pwede po ba kaming sumama?" Tanong ko.

"Oo naman." At yun nag-ayos na kami ni Knight.

Back Off He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon