Mae's POV
"Knight?" Tawag ko pag-bukas ko ng pinto. Pumasok ako sa kwarto pero wala naman siya.
Umupo ako sa sofa. Namiss ko dito.
"Hello Alden?"
"Ma..Mae."
"Ano?" Iritang tanong ko.
"Mae si Knight." Napa-tayo naman ako.
"Anong nangyari kay Knight?!"
"Di..dito ko na lang ipapaliwanag Mae. Pumunta ka na agad dito sa ospital." Tinext naman sakin ni Alden kung sang ospital.
Ano bang nangyari?
"Papa nasan si Knight?" Lumapit sakin si Papa Joseph at niyakap ako ng mahigpit.
"Te..teka Pa, si Knight po?"
"Mae." Tawag sakin ni Papa habang umiiyak.
"Pa a..ano po nangyari kay Knight?" Umalis na sa pagkaka-yakap sakin si Papa Joseph.
"Nasa E.R malubha ang lagay niya Mae." Napahagulgol naman si Papa Joseph.
"Nakakainis yang si Knight. Bakit nag-lihim siya sakin tungkol sa sakit niya."
"May sakit po si Knight?"
"Hindi mo rin alam? Mae ipag-dasal na lang natin na hindi bumigay ang puso niya sa operation na ginagawa ngayon."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
Bigla namang bumukas ang pinto sa E.R at agad naming nilapitan ang doktor.
Tinanggal nito ang face mask niya at huminga ng malalim.
"I have good news and bad news. Sir the operation was successful, but his body is getting weaker and his heartbeat is not the in the normal heartbeat of an individual due to his heart disease." Huminga ng malalim si Dok. "He needs an heart transplant as soon as possible para maagapan ang paglala ng sakit niya. You can't go to the room of the patient for now. But you can see him through the glass mirror. If you want to discuss more let's talk to my office." Sumilip muna si Papa kay Knight bago sumunod kay Dok.
Lumapit na ko sa glass mirror.
Napa-takip na lang ako ng bibig ng makita ko si Knight.
May mga ilang benda siya at may naka-lagay na oxygen sa bibig niya.
Naramdaman ko namang may umakbay sakin.
"Magiging okay din ang lahat." Sabi ni Joshua.
"Tama siya Mae, wag kang mag-alala si Knight pa." Dagdag naman ni Alden.
"Pe..pero pano yung heart transplant? Sabi kailangan daw siyang ma-operahan sa lalong madaling panahon kasi mahina na ang katawan niya. Pano pag wala tayong nahanap na donor? Pano na si Knight."

BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Novela JuvenilStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V