Alden's POV
2nd week of school, ang boring. Araw-araw kong hinahanap si Mae kaso hindi ko makita :( Absent ako lagi sa last subject nakakatamad naman kasi pumasok buti ba kung classmate ko si Mae dun.
"Hi Alden." Bati ni Aya. I really hate this girl sa lahat ng babaeng nakilala ko siya na ang pinaka-nakakainis ang landi niya. Tinignan ko lang siya.
"You're so sungit talaga." Sabi niya.
"Oo lalo na sa mga katulad mo." Tumayo ako sa upuan at lumabas ng room, makapag cutting na nga lang. Habang naglalakad ako napadaan ako sa faculty room napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Mae na kausap ni Sir Art yung prof ko sa last subject na hindi ko pinapasukan nagtatago nga ako dyan eh.
"Ms. de Vera hindi na kita pwedeng ilagay sa ibang group kaya nga dalawahan ang ginawa ko para sakto sa bilang ng estudyante sa room niyo." -Sir Art.
"Sir buwiset naman kasi yang Cruz na yan bakit ba hindi yan pumapasok, nako pag nakita ko talaga yun Ma'am siya lahat pagagawin ko ng report." Teka ako ba yung Cruz na sinasabi ni Mae?
"I already talk to Alden, ang sabi niya ayaw niya daw talagang pumasok sa klase ko at sabi pa niya wala daw siyang pakielam kahit ibagsak ko pa siya." Ako nga, grabe lapad ng ngiti ko yan oh --> ^________________^
"Sinong may sabi na ayaw kong pumasok sa klase mo." Sabi ko habang nakapamulsa at nakasandal sa pinto. Para cool tignan di ba *wink*
"Mr. Cruz sa wakas nag pakita ka na ulit sakin, mabuti at napadpad ka dito Mae siya yu-" Hindi pinatapos ni Mae magsalita yung prof namin at lumapit siya sakin sabay batok. Medyo bastos din siya noh?
"Buwiset kang Alden ka, ikaw lang pala yung epal kong ka-partner walanghiya ka kung alam mo lang kung gano ako na stress kakaisip kung sino ba yung walanghiya kong partner na hindi pumasok ng 2 weeks at pinahirapan ako sa kakaisip sa report na gagawin." Sorry naman kung alam ko lang na classmate kita edi sana pumasok na ko lagi, pero siyempre hindi ko sasabihin kay Mae yun.
"Kesa kung anu-ano mga pinagsasabi mo dyan bat hindi mo na lang ako turuan sa mga lessons na namiss ko, Sir. Art kukuhanin ko muna tong si Mae ah." Hinila ko na si Mae palabas ng faculty room.
"Oy, lalaki sa mo ko dadalin?" Tanong niya.
"Sa mundong mahiwaga." Sagot ko habang nakangisi.
"Alden, hindi ako nakikipag biruan. San mo ba kasi ako dadalhin." Iritang sabi niya. Grabe namiss ko pagtataray ng babaeng toh.
"Did I already answer your question?" Sabi ko.
"Heh, manahimik ka. Buwiset kang tamad ka." -Mae.
"Shut up, ang ingay mo." -Ako.
"Talaga mag-iingay ako. LA! LA! LA! LAAAAAA~!" -Mae.
"Tsk, sakit sa tainga ano ba." -Ako.
"Eh kasi ikaw, san ba tayo pupunta?" -Mae.
"Sa library." -Ako.
"K, hindi mo naman kasi sinabi agad. Sakto dun din talaga ako dapat sunod na pupunta." At yun nanahimik din si Mae. Salamat siya MAHAL ko siya XD
Library.
"Ayoko na mag-aral." Sabi ko sabay yuko sa table.
"Kasalanan mo yan, sagutin mo tong equation dali." Takte, isa din sa dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa klase ni Sir Art kasi Math yun nakakadugo ng utak, kaya naiintindihan ko si Mae kung bakit buwiset na buwiset siya sakin haha ikaw kaya mag isip kung panong report gagawin mo tas math pa.
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Novela JuvenilStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V