A/N: Sorry kung natagal ang pag-update. N'way malapit na matapos ang BOHM. Haay akala ko nga di nanaman ako makakapag-update nag-loloko kasi yung "My Works" eh. Sorry talaga kung natagalan. Enjoy.
-Elle Crespo.
Mae's POV
Kanina pa ko naiinis dito sa Condo. Anong oras na wala pa rin si Knight? Kung kailan naman kailangan talaga naming mag-usap.
"O? Hello Joshua? Please lang wal-" Pero bago ko pa matapos yung sasabihin ko.
"Mae, naka-uwi na ba si Knight? Antanga niya kasi sumama siya kay Cass wa-" Hindi ko na pinatapos pa si Joshua sa pagsasalita at inend ko na yung call. Nag-flashback naman sa isip ko yung sinabi ni Cass kanina.
"Di ba sinabi mong iwasan niya ko? Sa tingin mo ba sinunod ka niya?"
Napaluha na lang ako.
Bat nga ba hindi ko naisip na baka pag kasama lang ako ni Knight dun lang niya pinapankita na iniiwasan niya si Cass. Malay ko bang pag nakatalikod ako tuloy pa rin ang 'friendship' nila.
"Sht, ang tanga ko." Sabi ko sa sarili ko.
Kinaumagahan..
Hindi ko alam kung anong oras na ko nakatulog basta alam ko iyak lang ako ng iyak buong gabi habang mukhang tanga na hinihintay si Knight.
Nag-ring naman yung cellphone ko. Akala ko si Knight na pero si Mama pala.
"Hello Anak, ano? Sasama ka ba samin sa Korea this christmas?"
"I'm looking forward to it Ma."
"Sana naman makasama ka? Teka, okay ka lang ba?"
"Opo okay lang ako, I have to go Ma ibaba ko na toh."
"Sige. Ingat, I love you Angel."
"Love you too Mama."
Pag-end nung call may 1 new message.
Mine sorry hindi ako naka-uwi, pumunta ka dito *address here*
-
Kaya agad-agad akong naligo at pumunta nga sa lugar na yun. Dun ko lang napagtanto bahay pala nila Cass yun.
"Mag kasama nga pala sila." Sarcastic na sabi ko sa isip ko.
Pinapasok naman ako nung mga maid at sinabing nasa kwarto daw si Cass at may kasama daw ito.
At alam kong si Knight yun.
May part sakin na nag sasabing pumanik ako pero mas malaki yung part na nagsasabing 'umuwi ka na, wag kang pumanik'. Pero, kahit labag sa kalooban ko pumanik na ko. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Cass, bigla akong kinabahan nung una nag-hesitate akong hawakan yung door knob. Pero kailangan. Kaya naman unti-unti kong binuksan yung pintuan at halos madurog ang puso ko sa nakita ko si Knight at si Cass. Kusa namang nag labasan ang mga luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V