Noona -3-

5.9K 344 110
                                    

Noona -3-

"Next week will be the schedule of your comeback at Music Bank. Later at 12 A.M we will release your image and MV teaser .You waited for this EMPRESS, right? You worked hard for this. Don't let you hard work be wasted. The stage is all yours EMPRESS. Now, it's your time to slay" agad kaming sumang-ayon sa sinabi ng Manager namin. Tama ito ang tamang oras para mas makilala kami sa Kpop Industry, kilala naman kami since pasabog ang Debut stage namin dahil pinaghandaan ito ng Bighit at syempre kami rin. Pero mas masarap pa rin sa pakiramdam yung alam mong tumatak ka sa puso ng mga tao.

Ilang details pa tungkol sa comeback ang sinabi sa amin ni Manager Unnie bago sya tuluyang umalis. Kasalukuyan kaming nandito sa practice room ng Bighit para magpractice, next week na kasi yung comeback namin. Although almost perfect na namin ang lahat, gusto pa rin namin na mas maging maganda yung kalalabasan ng performance namin.

"30 minutes break!" sigaw ni Hyemi Unnie at pinatay yung music. Pumunta naman ako dun sa may bag ko at kinuha yung towel ko para magpunas.

"Oh My gosh!" sigaw ni Jera unnie kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong kinikilig sya at nakatingin sa pinto ng practice room. Kaya naman pala, isa-isang napasok ang Bangtan Boys dito sa practice room sa pangunguna ni Seokjin Oppa. Crush na crush ni Jera unnie yang si Oppa, pogi daw kasi.

Pinakahuling pumasok si Jungkook, ang Noona Boy.

"Noona!" masayang tawag nya sa akin habang parang penguin na naglalakad papalapit kung nasaan ako.

"Grabe Noona ang ganda mo sa teaser photo nyo, ang fierce!" kwento nya sa akin kaya napangiti ako. Malamang kinulit na naman nya yung photorapher ng company para ipakita sa kanya yung mga teaser photo namin. Kinuha ko yung bottled water ko at uminom. Nakita kong may kinakalikot sya sa phone nya at wagas makangiti. Ano kayang ginagawa nya?

"Noona tignan mo!" ani nya sabay pakita sa akin ng cellphone nya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita. Wallpaper nya lang naman yung teaser photo ko! Hahablutin ko sana yung cellphone nya ng itaas nya ito para hindi ko maabot.

"San mo nakuha yan ha?" tanong ko sa kanya habang pilit na inaabot yung cellphone nya. Bakit ba kasi ang tangkad netong batang to?

"Kay Jungho hyung" sagot nya. Sabi ko na't kinulit nya yun company photographer namin eh. Itinigil ko na yung pag-abot sa cellphone dahil useless lang yun, masyado syang makulit at matangkad para makuha ko pa iyon. Tinignan ko sya mg masama at nginitian nya lang ako.

"Jungkook!" sigaw ko sa kanya. Mas lumaki ang mga ngiti nya pero alam mong pang-asar na ngiti yon. Ibinulsa nya yung cellphone nya at binelatan ako. Aba siraulong bata to ha!

"Sorry Noona ang ganda mo kasi eh kaya kinulit ko si Jongho hyung" sagot nya. Naramdaman ko yung pag-angat ng dugo ko sa mukha ko. Sanay naman akong masabihan ng maganda pero kapag si Jungkook ang nagsasabi hindi ko maiwasang mamula.

Tumalikod ako sa kanya at kumuha ng bagong towel sa bag ko. Narinig kong tinawag sya nila Seokjin oppa kaya umalis na sya sa tabi ko. Nakaka-inis ka Jungkook, bakit kaya mo akong papulahin ng ganito? Lumabas ako ng practice room at nagpunta sa C.R ng Girls pero hindi pa ako nakakarating doon ay nakasalubong ko si Jimin with a smirk on his face.

"Ganda natin sa teaser photo ah" sabi nya sa akin at hinarang pa yung dalawang kamay nya sa daraanan ko. Kumunot naman ang noo ko. Ano na naman gusto ng pandak na to?

"Palibhasa panget ka sa mga teaser photo mo eh! Alis nga dyan, ang liit-liit mo nakaharang ka!" sabi ko sa kanya tsaka tinabig yung isang kamay nya para makadaan ako pero hinawakan nya yung kamay ko saka ako sinadal sa may pader.

"Alam mo bang milyong-milyong babae ang magagalit sayo kapag nalaman nilang sinabihan mo akong panget?" tanong nya sa akin habang inilalapit yung mukha nya. Paki-elam ko sa mga fangirls mo?

"Alam mo pansin ko lang sa aming pito, sa akin ka lang ganito makitungo. Alam mo yun, yung kapag nakikita mo ako badtrip ka kaagad. Bakit ganun Yoora?" tanong nya sa akin. Simula ng makilala ko sila, si Jimin talaga ang hindi ko makasundo. Magkakasing-edad kami sya, ako at si Taehyung pero malayo talaga ako sa kanya. Palagi kasi syang seryoso at tahimik kaya feeling ko dapat lumayo ako sa kanya. At sa tuwing papansinin naman nya ako ay mayabang sya kaya ayoko sa kanya. Masyado syang overwhelmed sa Abs nya! Aba patangkad muna sya. Matangkad lang sya sa akin ng 3 inches no! Pano na kapag nagsuot ako ng 6 inches na heels edi mas matangkad na ako sa kanya?

Itinaas ko yung kanang kilay ko bago sumagot.

"Alam mo kung bakit? Kasi mayabang ka!" sagot ko sa kanya tsaka sya tinulak para lumayo sya sa akin. Mas lalo akong naiinis sa kanya sa ginagawa nya. Ngumisi sya at tinuro ang sarili nya. "Ako mayabang?" tanong nya na parang di makapaniwala.

"Oo" walang kagatol-gatol na sagot ko. Well, I'm just telling the truth. Tinignan nya ako at nailang naman ako sa way pagtingin nya sa akin. Humakbang sya paabante kaya napaatras naman ako. Patuloy sya sa pag-abante at patuloy din ako sa pag-atras hanggang sa mapasandal ako ulit sa pader. Inilagay nya yung dalawang kamay nya sa may taas ng ulo ko at muling nilapit yung mukha nya sa mukha ko.

"Well sinasabi ko lang naman sayo na yong tinawag mo Mayabang ay tatawagin mo ng Oppa sa susunod" bulong nya tapos umalis na sya sa harapan ko at saka naglakad papalabas. Nagloading naman ako sa sinabi nya.

Wait! Did he just told me that I will call him Oppa? No way! A big N.O!

"In your dreams!" sigaw ko sa kanya nung marealize ko yung sinabi nya. Itinaas nya yung kamay nya at kumaway.

Argghh kahit kelan talaga hindi ako magkakaroon ng magandang araw kapag nakikita ko yung pandak na yon!

Gigil na gigil akong pumasok sa loob ng C.R para maghilamos.

Pagbalik ko sa practice room ay wala na yung Bangtan at nagpapractice na ulit sila. Agad naman akong sumunod para hindi mapagalitan. Nasa kalagitnaan kami ng pagpapractice ng tumawag yung Mama ng EunSoo unnie na nasa dorm daw namin ito at hinihintay sya. Pinayagan sya ni Hyemi Unnie na umuwi na tapos kami paractice pa rin.

Madalim na nung napagpasyahan kong sumunod na rin sa dorm. Pagka-alis ni Eunsoo unnie sumunod na rin sila pero nagpa-iwan ako. Alam kong mataas ang expectation sa akin dahil ako ng Main Dancer ng grupo at ayokong madisappoint ko sila. Pagdating ko sa dorm ay naabutan ko si EunSoo Unnie na nag-aIpod. Umupo ako sa tabi nya at isinadal ko yung ulo ko sa head rest ng sofa saka pumikit. Masyadong nakakapagod ang araw na ito.

"Trending si Jungkook ha" narinig kong sabi nya. Naku hindi na talaga matatawaran ang kasikatan ng batang yun.

"Bakit?" tanong ko habang nakapikit pa rin.

"Dahil sa wallpaper nya" sagot nya. Susme dahil lang sa wallpaper nya ay nag trending na sya? Ibang klase talaga ang karisma nun. Pero teka, di ba yung wallpaper nya kanina ay yung.. Wag mong sabihin na.. Napamulat ako ng mata ko ng marealized kong yung teaser photo ko yung wallpaper ni Jungkook. Agad kong inagaw kay Eunsoo unnie yung Ipad nya at sakto nasa twitter sya. Trending Worldwide #1 yung Jungkook's Wallpaper, #10 Empress comeback at #3 Yoora's Teaser photo. Pinuntahan ko yung official twitter ng Bangtan at bumungad sa akin yung screen shot ng wallpaper ni Jungkook na may caption na.


My Noona is so pretty in her teaser photo that's why I can't help to make it my phone's wallpaper ㅋㅋㅋㅋㅋ.

Please look forward for their comeback Next week~~

Empress Fighting!!

#Yoora

#Noona

#EmpressComeback

#BeautifulDream


Literal akong napafacepalm sa ginawa ni Jungkook.

"Jeon Jungkook is a big spoiler" sabi ni Eunsoo unnie. Pano ba naman, inunahan nya pa ang company namin na ilabas ang teaser photo ko. Ang malupit pa ginawa nyang wallpaper.

Jungkook, Wae so makulit?

----------------------------------

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon