Noona -35-

2.9K 192 321
                                        

Noona -35-

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigawan ng mga fans ng Bangtan. Ngayon kasi yung araw na magpeperform si Eun-ah at Jungkook sa Music Core kaya sobrang daming fans nila ang nandito. Parang may mini-concert ang Bangtan dito dahil sa sobrang dami nila hanggang dito sa labas.

Lumabas ako ng van at nagkipagsiksikan sa dami ng tao. Yung iba nagsihiyawan nung makita ako at yung iba patuloy na isinisigaw ang pangalan ni Jungkook at Eun-ah.

Nasa kalahati na ako ng mas lumakas ang sigawan at halos lahat sila ay gustong lapitan kung sino dumating.

"Eun-ah! Saranghae!"

"Unnie!"

"Eun-ah!"

Base sa sigawan nila, napagtanto kong dumating na rin si Eun-ah. Nahirapan tuloy ako na dumaan dahil sinasalubong ako ng mga fans nya para lang makita sya.

Mas lalo akong naipit ng dumatingbna din si Jungkook, sa kakamadali ng fans nila ay nagkatulakan at hindi ako naalalayan ni Manager Unnie mabuti kaya natumba ako. Ramdam ko na naapakan na nila ako at tumatama sa akin ang mga bag nila. "Yooora-ah!" Sigaw ni Manager Unnie pero hindi ako makatayo dahil patuloy sila sa pagbangga sa akin at wala akong makita.

"Unnie!" Sigaw ko rin pero hindi ko alam kung naririnig nya ba ako. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang paghawak sa akin ng kung sino at itinayo ako. Hindi ko sya makita dahil agad nya akong niyakap para protektahan ako.

"Yeorobun!" Sigaw nya kaya napatahimik yung mga nakarinig. Sa boses pa lang alam ko na kung sino sya, Im Jae Bum.

"Mag-iingat naman po tayo. May nasasaktan na dahil sa ginagawa nyo! Ganon ba kaliit si Yoora para hindi nyo makita?" Sigaw nya dahilan para magkaroon ng komusyon. Nakita ko ang paglapit sa akin ni Manager Unnie tapos agad nyang hinawakan ang mukha ko at nakaramdam ako ng hapdi.

"Oppa! Hindi naman sya yung pinunta namin dito eh" narinig kong may sumigaw. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi nya at may ilan pang sumang-ayon na si Jungkook at Eun-ah ang pinunta nila dito.

"Anong sabi mo? Ganyan na ba talaga kayo? Hindi porket iba yung pinunta nyo dito ay pwede nyo na syang saktan ng ganon-ganon na lang. Rumespeto naman kayo! Hindi----" marami pa sanang sasabihin si Manager Unnie pero pinigilan ko na sya. Maraming media ngayon at hindi sya pwedeng magalit dahil magrereflect yun kompanya namin. Sabihin rude ang mga manager ng BigHit.

"Gwenchanayo" sabi ko then ngumiti sa kanila at nagbow. Hinila ko na si Unnie at pumasok na kami sa loob.

"Maldo Andwae!" Inis na sigaw ni Hyemi Unnie ng makita nya yung sugat sa mukha ko dahil sa dami ng tao kanina. Tinawagan sya ni Manager Unnie kasi umiyak ako sa dressing room kanina pagkapasok namin. Natakot kasi ako sa kanila, pakiramdam hindi ako worth sa lugar na ito. Pakiramdam ko hangin lang ako para sa kanila.

"Gwenchana Yoora. Sila lang yung nakakaapreciate sayo ok? Sila yung bulag para hindi ka nila mapansin" pagpapalakas nya ng loob ko. Ngumiti ako sa kanya kahit na hindi pa rin ako maayos. Ayoko ng dagdagan pa yung problema ni Hyemi Unnie. Umalis saglit si Unnie kaya naiwan ako sa dressing room mag-isa. Maya-maya ay bumukas yung pinto at akala ko si Unnie yon, pagharap ko ay nakita ko si Jungkook na mukhang nag-aalala.

"Jungkook, ano pang ginagawa mo rito?" Tanong ko, hindi nya ako sinagot, nakatingin lang sya sa mga mata ko. Parang may gusto syang sabihin na ayaw nya.

"May kail--"

"Noona, mianhe" yun lang ang sinabi nya tapos lumabas na sya.

At dahil nasugatan yung mukha ko kanina ay kailangan syang lagyan ng bandage pero hindi pumayag yung direktor ng Music Core dahil panget daw sa TV yon kaya ang ginawa ay tinago sya using make-up kahit na sariwa pa.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon