Noona -24-

3.2K 200 185
                                    

Noona -24-

"Neh kamsahamnida" sabi ko habang pinipirmahan yung album na ibinigay nung fan. Ngumiti sya sa akin at pinsil yung pisngi ko, ok lang sa akin since sanay na akong mapisil yung pisngi ko at hindi naman masakit yung pagkakapisil nya. Alam kong bawal yung sobrang interaction sa fans pero I can't help it. Sobrang ang pasasalamat ko sa kanila dahil kung wala sila wala din kami kung nasaan kami ngayon.

"Unnie! Ang ganda-ganda mo talaga" puri sa akin nung sumunod na fan. Ako kasi yung pinakahuling pipirma sa album nila. Una si Eunsoo Unnie sunod si Jera at Hyemi Unnie.

"Kamsahamnida, pero mas maganda ka" sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, she had this nerdy look kaya siguro mababa yung selfesteem nga.

"Unnie naman binobola pa ako" sabi nya kaya ngumiti ako sa kanya at umiling. "Hindi kita binobola, sinasabi ko ang totoo at iyon ay mas maganda ka sa akin kung tatanggalin mo to" inalis ko yung salamin nya sa mata at medyo nilugay yung buhok nya.

"Sometimes a girl should know how to be a lady. Minsan kailangan mo rin magmaganda dahil lahat naman tayo ay magaganda" paliwanag ko sa kanya. Nahihiya naman syang tumango at ibinigay ko sa kanya yung salamin nya.

"Mag-ayos ka lang, mas gaganda ka pa kesa sa akin." payo ko sa kanya.

Inabot ko sa kanya yung album nya na may pirma namin at nginitian sya. "Mara-sshi Fighting!" pagchecheer ko sa kanya.

Tinignan ko yung pila at marami pa kaming Fans na pipirmahan at kakausapin. Masaya ako sa mga ganitong event dahil nagkakaroon kami ng chance na makilala at makausap yung mga fans namin.

"Unnie para sayo" inabot ng isang bata sa akin yung headband na Halo. Agad ko naman itong kinuha at sinuot. "Anong pangalan ng cute na batang nagbigay sa akin ng cute na headband?" tanong ko sa kanya. Inabot nung Mama nya yung album sa akin. "Annyeong haseyo Min imnida" pakilala nya. Pinirmahan ko yung album namin at inabot sa kanya.

"Oh Min, be a good girl ha Min. Wag mong papagurin si Umma at palagi kang magisismile" sabi ko sa kanya, tumango naman sya at kinurot ko yung pingi nya. Ang cute-cute nya kasi eh.

"Unnie" sabi ng isang impit na boses kaya agad akong napaangat ng tingin. Isang babaeng may makapal na jacket at kulay brown na buhok at may shades ang nasa tapat ko.

"Unnie ang ganda-ganda mo" sabi nya. Yung boses nya parang lalaki na nagboboses babae. "Jinjja? Kamsahamnida" pinirmahan ko yung album nya at ibinalik sa kanya.

Patuloy lang ako sa pagngiti at pagpirma ng mga albums na inaabot nung mga fan. May nagbibigay din.ng kung ano anong regalo. Damit, headbands, pagkain at mga letters. Masaya ko naman tinanggap ang ma iyon at nagpasalamat ko.

"Yoora-sshi annyeong" heto na naman yung boses ng lalaki na pinipilit magboses babae. Kahit nagtataka ay ngumti ako sa kanya "Neh, Annyeonhaseyo. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"SeokHo" sagot nya. SeokHo? bakit parang pamilyar?

"Jinjja? Hi SeokHo nice to meet you" bati ko ulit sa kanya. Ngumiti sya ng malaki at nagchuckle. Nakakatuwa naman tong fan na to, may hawig sya kay Hoseok Oppa.

"Ano ba V!" may sinabi yung SeokHo dun sa kasama nya at sinoko nya ito.

"Hyung ppali, nangangati na ako" bulong nung kasama nya at kinamot yung ulo nya.

"Ako rin naman kaya maghintay ka!" asik nya. Tumingin ako sa kanila at sabay pa silang ngumiti sa akin.

"Salamat sa pagpunta SeokHo"sabi ko kay SeokHo saka ko binalik yung album nya. Agad naman syang tinulak nung sumunid sa kanya at ngumiti sa akin.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon