Noona -8-

4.3K 277 120
                                        

 Noona -8-

"Let us all welcome Empress!" sigawan agad ang narinig ko bago kami lumabas mula sa backstage ng isang show na pinuntahan namin. Halos mapuno yung studio ng nga fans namin.

Kumaway agad ako sa kanila at ngumiti. Isa-isa kaming umupo at binigyan ng mic. Sinabihan kami nung MC na magpakilala.

"Annyeong haseyo Empress-imnida!"

"Empress Leader Hyemi-imnida"

"Empress Main Vocalist Jera-Imnida"

"Empress Main Rapper Eunsoo-imnida"

"Empress Maknae and Main Dancer Yoora-imnida"

Sobrang lakas ng sigawan ng mga audience at halos mabingi na kami pero nakakataba ng puso yung pagsuporta nila.

"So hehe pasensya na fan kasi aki ng grupong to kaya nahihiya akong nagsalita" sabi nung MC kaya napatawa kami. Inasar naman sya nung mga audience.

"Ok seryoso na. Anong masasabi nyo tungkol sa pagiging successful ng comeback nyo?" unang tanonh nya. Bilang leader si Hyemi Unnie yung sumagot.

"Syempre po nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta. Sa pamilya namin, kaibigan, sa staffs, kay PD-nim, sa manager namin at most especially sa mga fans naming walang sawang sumuporta. Pinakinggan nyo ba yung mga bago naming kanta?" tanong ni Unnie dun sa audience. Isang malakas na 'Oo' naman ang sinagot nila.

"Yan thank you at sana hanggang sa huli suportahan nyo pa rin po kami kasi hanggang sa makakaya namin. Gagawa at gagawa kami ng mga nagagandang kanta" dagdag nya.

Marami pang tinanong nung MC sa amin na sinagot naman nila Unnie. Hindi kasi ako masalita sa ganitong mga shows. Ayoko nahihiya ako, pakiramdam ko kapag nagsalita ako baka may masabi akong mali kaya sila na lang yung palaging nagsasalita.

Pagkatapos ng mga tanong ay isang maikling commercial break. Sinamantala naman namin yun para makipag-intetact sa fans. Marami silang tanong pero may isang tanong para sa akin.

"Yoora Unnie, nakita ko kayo ni Jungkook Oppa noong nakaraan sa *insert shop here". Kayo ba?" nagulat ako dun sa tanong nung fan. Kami ni Jungkook?

"Ah hindi, nilibre ko lang sya ng bubbletea doon pero walang ibig sabihin yun" sagot ko. Lumaki naman yung mga ngiti nya.

"Talaga? Ayoko pa kasing magka-girlfrriend si Jungkook Oppa eh tsaka kung magkakaroon man ayoko ng mas matanda sa kanya" ewan ko pero parang nasaktan ako sa sinabi nya pero pinilit ko na lang ngumiti para sa ibang fans.

Pagbalik nung show ay pinerform namin yung comeback song namin at isa pang kanta mula sa bagong album namin.

Pagkatapos nun ay muli kami umupo at nagsimula na ulit magtanong yung MC.

"Syempre isa sa pinakagustong malaman ng mga fans nyo ay ang love life nyo, kahit ako gusto kong malaman yun. Well sino ba namang hindi, sa gaganda nyong yan malamang maraming nagkakagusto sa inyo. So may in relationship ba sa Empress?" nagkatinginan kaming lahat matapos yun itanong nung MC. Well expected naman namin na itatanong yun pero nakakaba pa rin kapag tinanong na.

"Ahh ako po sa ngayon wala. Focus muna ako sa career ko at gusto ko pa pong mas maimprove yung pagkanta ko" sagot ni Hyemi Unnie tapos ngumiti sya ng malaki. Bigla namang nagchant yung audience ng 'YoonMI' kaya agad napa-iling si Unnie.

"Haha wala pong meron sa amin ni Suga, trabaho lang po iyon." depensa nya. Gumanap kasi sila as lovers sa isang MV ng isang grupo, ang ganda ng Chemistry nila kaya nagkaroon agad sila ng mga shipper.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon