Noona -29-

2.9K 210 60
                                    

Noona -29-

Kanina pa palipat-lipat ang mga tingin ko sa pagitan ni Manager Oppa at Jungkook. Pagkatapos kasi nung meeting namin sa JYP Ent. ay pinatawag kami ni Manager Oppa dito sa building namin.

"Kayo ba?" ulit ni Manager Oppa sa tanong nya habang nasa harapan ni Jungkook at naka cross-arm. Inangat ni Jungkook ang ulo nya at tumingin kay Jin Oppa na nasa tapat nya tapos kay Manager Oppa.

"Ani"maikling sagot nya. Ramdam ang tensyon na namumuo sa pagitan ni Manager Oppa at Jungkook. Sobrang kasing nagulat ang lahat nung lapitan sya ni Eun-ah kanina at tawagin syang Oppa. Marami na rin daw kasing kumokontak kay Manager Oppa at tinatanong kung si Jungkook at Eun-ah na ba.

"Jungkook, alam kong hindi kita mapipigilan once na mainlove ka na pero sana naman, please lang wag ngayon. Nagsisimula pa lang kayo pareho na gumawa ng pangalan sa Kpop industry, lalo ka na tapos masasayang lang dahil maiinlove ka agad" pangaral kay Jungkook ni Manager Oppa. Bahagyang tumango si Jungkook dahil sa sinabi ni Manager Oppa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Manager Oppa at napahilot sya sa sintido nya. Halatang stress na stress si Manager Oppa ngayon.

***
Kanina pa ako bored na bored dito sa loob kwarto ko. Wala kasi akong magawa, nakapag-instagram na ako, youtube at kung ano-ano pang SNS pero hindi mawala yung pagkabored ko.

"Hay!" umupo ako mula sa pagkakahiga at inayos yung buhok ko. "Walang magawa"

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko, paglabas ko ay walang tao sa salas o kahit saan man dito sa dorm namin.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nung magpunta kami sa JYP Ent. para pag-usapan yung mangyayari sa Dream Concert at isang buwan na rin simula nung maging MC ako ng Music Core at ngayon ay Day-off ko. Sakto namang may schedule sila Unnie kaya ako lang mag-isa dito.

Umupo ako sa sofa at binuksan yung T.V pero pinatay ko rin agad dahil walang magandang palabas.

"Eottokhae? Yoora eottokhae?" parang tangang tanong ko sa sarili ko dahil sa sobrang pagkabored ko.

Tumayo ulit ako at pumuntang kusina. Binuksan ko yung ref namin at nagkalkal kung among pwedeng makita sa loob kaso nadismaya ako ng walang makitang masarap na pwedeng kainin. Puro raw meat at gulay ang laman. Ubos na rin yung chocolates at junkfoods na tinatago ko.

Bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng hoodie at nagpalit ng jogging pants. Kinuha ko rin yung wallet ko at cellphone saka lumabas ng dorm.

Ramdam ko ang lamig paglabas ko pa lang pero walang makakapigil sa akin na hindi maggala ngayon.

Nagsimula akong maglakad-lakad habang natingin sa iba't-ibang tindahan na madaanan ko.

Unang kumuha ng atensyon ko ay yung isang ramen house. Mula sa labas ay amoy na amoy yung ramen kaya pumasok ako.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan, maya-maya ay may lumapit sa akin na middle age na lalaki at tinanong kung anong order ko.

Matapos ang ilang minuto ay dumating yung inorder kong ramen, nagpasalamat ako dun sa nagserve at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko yung paligid ko, lahat kasi napapalingon kapag tumitingin sila sa direksyon ko. Yung mga lalaki biglang lalaki yung mata tapos may tinuturo, yung mga babae naman ay kinikilig.

Nakahoodie naman ako at nakayuko habang kumakain, posible kayang nakilala nila ako? Hala! Baka maissue na naman ako neto at madagdagan na naman ang problema ni Manager Oppa! Dali-dali kong inubos yung ramen na inorder ko kahit na napaso na ako. Malapit ko ng mauubos ng mabilaukan ako.

Walang tubig o kahit anong pwedeng inumin sa lamesa ko. Ang sakit na ng dibdib ko at hindi na ako makahinga ng maayos.

Naramdaman kong may humawak sa likod ko at may nag-abot sa akin ng isang basong tubig. Agad ko yung kinuha at ininom.

"Gomawo Ahjusshi" pasalamat ko dun sa nagbigay sa akin ng tubig, pag-angat ko ng tingin ko, nakita ko si TOP sunbaenim na nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Omo! Mianhe! Hindi po kita nakilala! Mianhe!" Agad akong tumayo at nagbow sa kanya. Nakakahiya naman kay TOP sunbaenim na natawag ko syang Ahjusshi. Ng matapos akong magbiw ay nahihiya akong tumingin sa kanya. Baka mamaya kung anong isipin ni Sunbaenim dahil sa inasal ko.

Maya-maya ay ngumiti sya then ginulo ng bahagya yung buhok ko. "Gwenchanayo Yoora-sshi" ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko muna sa kanya yung pangalan ko. Hindi naman kami gaaning nagkakainteraction sa mga Music Events kaya nakakapagtaka na kilala nya ako.

"Ikaw si Yoora di ba? Yung main Dancer ng Empress?" Tanong nya na ikinagulat ko ulit. Paano nya alam na Member ako ng Empress at ang pangalan ko?

Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin pa rin sa kanya. Ang gwapo talaga ni Sunbaenim. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.

"Mas maganda ka pala sa personal" dagdag nya, pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko dahil doon. Totoo ba yon? Sinabihan ako ng maganda ng bias ko?

Mas bumilis yung tibok ng puso ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Para akong highschool student na sinabihan ng crush nya na crush din sya nito.

Muli syang ngumiti tapos inayos yung hoodie na sout nya. "Dito na ako Yoora, Manaso bangawoyo" paalam nya tapos lumabas na sya ng ramen shop na iyon.

Nung mawala sya sa paningin ko ay napapikit na lang ako. Nakakahiya ata yung itsura ko kanina. Nabilaukan na nga, hindi pa nakapagpakilala ng maayos.

"Chocolate. Chocolate" chant ko habang hinahanap yung favorite kong chocolate brand, ang Galaxy. Matapos kong kumain doon sa ramen shop ay naglakad-lakad ako. Matagal na rin simula nung lumabas ako ng mag-isa lang. Sobrang busy na ngayon at minsan wala na rin akong oras para magpahinga.

Naisipan kong dumaan muna sa isang convenient store bago bumalik sa dorm namin. "Talaga Kookie?" Awtomatiko akong napalingon sa paligid ko marinig ko yung Kookie. Alam kong hindi lang naman si Jungkook ang tinatawag na Kookie sa buong Korea dahil hindi lang sya ang may Kook sa pangalan. Siguro naman wala si Jungkook dito di ba?

Ipinagpatuloy ko na lang yung pamimili ko ng mga kailangan ko pero palagi kong naririnig yung boses nung babae na tumawag kanina ng Kookie.
Binayaran ko yung pinamili ko saka ako lumabas ng tindahan na iyon.

Habang nag-aabang ng taxi ay biglang tumawag sa akin si Hyemi Unnie.

"Neo Eodiya?" Tanong ni Unnie pagkasagot ko ng tawag. Baka nasa dorm na sila ngayon at hinahanap na nila ako. *Where are you?*

"Pauwi na rin ako Unnie" sagot ko.

"Ppalli jib-e gaseo!" Utos nya sa akin. Si Unnie talaga hindi na nasanay sa akin. Overprotective kasi si Unnie when it comes to me and Jera Unnie. Ayaw nya na nawawala kami sa paningin nya. *Go home quickly!*

"Neh, arasseo Unnie" sagot ko naman. Pagkalingon ko sa may kalsada ay may napansin akong dalawang pamilyar na pigura na naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada. Kahit nakahood sila pareho, alam kong si Jungkook yung lalaki iyon.

Pansin ko madalas na ang pagkikita ni Jungkook at Eun-ah nitong mga nakaraang araw.

------------
*le naghihintay na magkoment yung nagbabasa para ituloy ko yung draft ng chapter 30 T_T*

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon