Noona -41-
"Yoora!"sigaw sa akin ni Hoseok Oppa ng makapasok sya dito sa kwarto sabay upo sa kama ko. Kasalukuyan akong nagpapahinga dahil binigyan kami ng ilang oras na break mula sa practice. Habang papalapit-ng papalapit yung Dream Concert ay mas lalong natindi yung mga practice, dati nakakatulog pa ako ng 5-6 oras ngayon 3-4 na lang, minsan wala pang isang oras.
Pinatay ko yung cellphone ko at humarap sa kanya. "Waeyo?" Isang malaking ngiti agad ang sinagot sa akin ni Oppa kaya kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko may hindi tama ngayon araw kaya ganyan sya makangiti sa akin.
"Turuan mo namang magbake si Jungkook" binilisan nya talaga ang pagsasalita pero sorry sya at naintindihan ko iyon. Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan sya gamit ang Seryoso-ka-look. Si Jungkook magbabake? Ramen nga di nya maperfect iluto eh, kung hindi nasobrahan sa luto, hilaw.
"Sige na saeng, ngayon ko lang nakita na ganto kasaya ang maknae namin eh, mukhang mahal na mahal nya talaga si Eun-ah." Napatingun ako kay Oppa dahil sa sinabi nyang iyon, kita naman. Kahit ako kita ko na mahal ni Jungkook si Eun-ah. Araw-araw nakakatanggap si Eun-ah ng bulaklak mula kay Jungkook. Rose with Baby's Breath, mga paborito nyang bulaklak at palagi rin silang magkasamang dalawa, yung mga ngiti ni Jungkook, kita na masaya talaga sya.
"Nakwento nya ba sayo na bukod sa pagiging chilhood friends eh first love din nya si Eun-ah?"umiling ako, alam kong may unrequited love si Jungkook sa Busan pero hindi ko alam na si Eun-ah pala iyon.
"Ang galing nga eh, nagkita ulit sila at hindi na sya pinakawalan ni Jungkook" mukhang kinikilig si Hoseok Oppa sa kwento ni Jungkook at Eun-ah sa paraan ng pagkukwento nya.
Ayan na naman ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko sa tuwing mapag-uusapan si Eun-ah at Jungkook o kaya nakikita ko silang magkasamang dalawa.
"Sige na saeng, balita ko kasi maglalabas daw ng bagong kanta si Eun-ah bago ang Dream concert at sariling composition nya raw iyon. Gusto sanang magbake ni Jungkook ng cake para icheer ang girlfriend nya" pangungumbinsi pa rin sa akin ni Hoseok Oppa. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang puppy eyes nya tapos nagbeautiful eyes pa.
"Ara! Ara! Ang panget mo Oppa"I give up. Kung hindi ako pumayag ay baka mas lumala pa ang pagaeaeyo nya at hindi ko yung gustong makita. Tumayo sya at nagtata-talon.
"Yay!!" Parang batang sigaw nya. Tumayo na rin ako sa kama ko at nauna ng lumabas sa kwarto ko. Imbes na magpahinga ako eh mangungulit sya.
Lumipat kami sa dorm nila at nakita kong ang daming ingredients na nakakalat sa kusina nila. Nandoon si Jimin at Jungkook na nagbabatuhan ng harina. Nagulat pa sila ng makita kaming dalawa ni Oppa.
"Jungkook! Napapayag ko si Yoora, yung sinabi mo sa akin ha?. Jimin lumabas ka na nga! Ppali!" Agad na tinulak palabas si Hoseok Oppa si Jimin pero bakas sa mukha nya na ayaw nyang lumabas. "Magbabake din ako hyung!" Angil nya.
"Andwae! Gagamit sila ng Jams at wala kang ganon kaya masasaktan ka lang" may sinabi pa si Oppa pero hindi ko na narinig kasi nawala na sila.
Lumingon ako kay Jungkook at nakita kong nagiimis na sya ng mga kalat nila. Nagkatinginan kami pero umiwas din ako ng tingin. "Sabi ni Oppa gusto mo daw ipagbake ng cake si Eun-ah"
Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang magligpit ng kalat. "Hmm?" lumingon ako sa kanya at tumango sya. "Pwede mo ba akong turuan Noona?" Nahihiyang tanong nya. Napaangat ako ng tingin at nakita kong maraming harina ang naipon sa buhok nya. Inangat ko ang isang kamay ko saka iyon dahan-dahang tinanggal, napatigil naman sya at iniwas sa akin ang ulo nya.
Ewan ko pero nasaktan ako sa ginawa nya. Dati naman ay kahit anong gawin ko sa kanya ay Ok lang, mas gusto nya nga na nasa kanya lang ang atensyon ko pero ngayon konting dikit ko lang sa kanya ay iiwas na sya agad. Ganon ba talaga kapag nagkagirlfriend na? Lalayo na ang loob mo sa mga dating kaclose mo?
Hindi ko na pinilit yung pag-aalis ng harina sa buhok nya. "Ako na dito, magbihis ka muna tapos pagbalik mo magbabake na tayo" sabi ko sa kanya. Tumango sya tapos dahan-dahan ng naglakad palabas ng kusina nila.
Habang hinihintay si Jungkook ay nilinis ko muna ang kusina nila at inihanda ang mga kailangan namin para magbake ng cake.
Naramdaman kong may pumasok at nakita ko si Jungkook na nagkapagpalit na ng damit at bagong ligo na rin.
Inabot ko sa kanya yung spare apron ni SeokJin Oppa na may design na Luigi samantalang sa akin naman yung Mario.
Tumabi sya sa akin at kinuha ko yung malaking bowl at inilagay iyon sa tapat ko "Anong klaseng cake ba ang gusto mong ibigay sa kanya?"
"Mahilig kasi sa strawberry si Eun-ah kaya gusto ko sana syang bigyan ng strawberry cake" sagot nya. Tumang ako then inilabas yung cellphone ko para maghanap ng recipe strawberry cake. Matagal na rin simula nung huli akong nakagawa ng cake lalo na strawberry kaya kailngan ko ng basehan. Nung may nakita ako ay tinanong ko sa kanya kung Ok lang ba iyon, ok naman daw kaya nagsimula na kami. Mabuti na lang at kumpleto ang ingredients nila, hindi na kami mahihirapan.
"Pakihalo muna to Jungkook, ipepreheat ko lang yung Oven" utos ko sa kanya, kinuha ko yung round pan at naglagay ng lard para hindi dumikit. Nakita kong nahihirapan syang maghalo dahil buo-buo pa yung harina kaya hinawakan ko ang kamay nyang may hawak ng wire whisk at tinuro sa kanya ang tamang paghahalo.
Maya-maya ay napatigil ako dahil narealize kong hawak ko ang kamay nya, inangat ko ang tingin ko at nagkasalubong ang mga mata namin. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko dahil doon kaya binitawan ko yung kamay nya at tumalikod.
Ano bang nagyayari sayo Yoora? Umiling ako at sinampal ang sarili ko, bago bumalik sa paggegrease ng round pan. Binuksan ko yung oven para magpreheat. "Ok na ba to Noona?" Tanong nya tapos ipinakita nya sa akin yung batter na nagawa nya. Ok naman yung consistency kaya inilagay na namin sya sa round pan at ibinake. "Bantayan mo ha, tapos na yan in 30 minutes" paalala ko sa kanya. Kumuha sya ng upuan at umupo malapit sa oven habang ako sinimulan akong maglinis na ng mga kalat namin para mamaya ay magdedesign na lang kami ng cake na iyon. Pagkatapos kong malinis ay sinimulan ko naman ang paggawa ng icing na kulay pula at puti, naghiwa rin ako ng mga strawberries.
Nag matapos akong maghiwa ng mga strawberries ay hindi pa luto yung cake kaya umupo na rin ako sa isang malapit na upuan. Panay ang tingin nya sa orasan na nasa kamay nya at sa oven na nasa tapat nya. Ayaw nya atang masunog yung cake.
Nung tumunog yung timer ay tumayo ako at kumuha ng maliit na kutsilyo, binuksan ko yung oven at tinusok yung cake ng biglang mapadikit yung kamay ko sa may itaas na bahagi ng oven.
"Ah!" Sigaw ko, nilapitan naman ako agad ni Jungkook at tinignan yung napasi kong kamay. Namumula iyon ay mahapdi kapag nahahawakan. "Saglit lang Noona" lumabas sya ng kusina, muli kong tinusok yung cake para malaman kung luto na ito. Ok naman na kaya pinatay ko na yung oven.
Magsusuot na sana ako ng pot holder para kunin na yung cake ng pigilan nya ako. Nakabalik na pala sya ay may dalang ointment para sa paso. Kinuha nya ang kamay kong napaso at dahan-dahang nilagayan ito ng oinment. Maingat nya itong nilalagyan at hinihipan pa kapag napapa-aray ako.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mukha nya habang ginagawa nya iyon, ang swerte ni Eun-ah dahil nasa kanya ang isang Jeon Jungkook.
----------
Kelan ka ba aamin na gusto mo talaga si Jungkook ha Yoora?? XXD
BINABASA MO ANG
Noona
FanfictionBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook