Noona -18-
"Yoora hinahanap ka ni Manager Oppa" bungad sa akin ni Hyemi Unnie pagkapasok ko ng dorm namin.
"Bakit daw?" tanong ko habang inilalapag yung bag ko sa lamesa. Umupo ako sa tabi nya at humarap sya sa akin.
"Hindi ko alam eh, nasa dorm sya ng Bangtan" nakakapagtaka naman na hahapanin ako ni Manager Oppa. Wala naman akong ginagawang kaloohan ha?
"Gomawo Unnie, magapapalit lang ako tapos pupunta na ako sa kabila" sabi ko saka pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at lumabas ng dorm namin.
"Bakit daw ako hinahanap ni Manager Oppa?" tanong ko kay NamJoon Oppa nung pagbuksan nya ako ng pinto ng dorm nila. Itinaas nya lang mga balikat nya at pinauna akong maglakad papasok.
Pagdating ko sa salas nila ay naka-upo si Taehyung sa sofa at nasa tapat nya si Manager Oppa habang ang Bangtan ay nagtatago sa may kusina.
"Hyung" tawag ni Namjoon Oppa tapos lumingon si Manager Oppa sa amin.
"Umupo ka Yoora" utos nya sa akin. Galit ata si Manager Oppa.
Umupo ako sa tabi ni Taehyung, tinignan ko si Taehyung pero nakayuko lang sya.
"Bakit nyo---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng may ihagis si Manager Oppa na ilang piraso ng pictures sa harapan naman.
"Lumabas kayo ng hindi nagpapa-alam? Guys alam nyo namang sobrang daming matang nakatingin sa inyo di ba? Paano na lang kung kumalat yan sa Internet ha? Hindi pa nga tapos yung kay Yoongi sasabay pa kayo?!" sigaw nya. Kinuha ko yung mga pictures at kuha yon noong nagperya kami noong nakaraan.
Meron nung papasok pa lang kami ng perya, nung nakasakay kami sa carousel, yung naglalaro kami sa isang stall at yung naka-akbay si Taehyung sa akin habang papunta kami ng perya.
"San mo to nakuha Oppa?" tanong ko.
"Hindi na mahalaga kung saan ko yan nakuha Yoora, bakit kayo lumabas ng hindi nagpapaalam?" sagot nya sa tanong ko. Hindi ko din nasagot yung tanong ni Oppa, hindi ko rin naman inaasahan na makukuhanan kami ng mga litrato noong mga panahon na yon. Gabi na rin kasi kaya akala ko ok na gumala kami.
"Sinong pasimuno nito?" tanong ulit ni Oppa. Tumingin ulit ako kay Taehyung at nananatili syang nakayuko.
"Ako po Oppa, ako po ang pasimuno na lumabas kami" sagot ko.
"Ano ba Jungkook wag kang malikot! Ang bigat mo kaya!" biglang may bumulong doon sa may kusina kaya napatingin kami doon.
"Jungkook! Jin labas!" sigaw ni Manager Oppa. Maya-maya ay may kumalabong at pinapa-una ni SeokJin Oppa si Jungkook pero ayaw mauna ni Jungkook kaya nagtutulakan sila.
"Ikaw kasi Hyung eh!" sisi ni Jungkook kay SeokJin Oppa habang naglalakas sila palabas.
"Anong ako ikaw kaya, ang likot-likot mo eh!" balik naman ni Seokjin Oppa kay Jungkook.
"Bilisan nyo!" sigaw ni Manager Oppa kaya nagmadali silang lumabas ng dorm.
Ng makalabas na si Jungkook at SeokJin Oppa ay nagsalita ulit si Manager Oppa.
"Yoora alam mo hindi ko na alam ang gagawin sayong bata ka. Alam mo namang naku!" yumuko na lang ako. Alam kong makulit ako at pasaway pero ngayon lang ako napagalitan ni Manager Oppa. Si Oppa ang pinaka manager naming lahat, kapag may nagagawa ako palagi si Manager Unnie ang kumaka-usap sa akin.
"Mula ngayon hindi ka pwedeng pumunta kung saan-saan ok, pagkatapos mong magMC sa Music Core didiretso ka na sa dorm mo naiintindihan mo ba!" tumango na lang ako matapos sabihin ni Oppa yun, sanay na rin ako eh.
Magsasalita pa sana si Manager Oppa ng ilapag ni Taehyung yung cellphone nya sa lamesa.
"Ano yan?" tanong ni Manager Oppa sa inilagay ni Taehyung sa lamesa.
"Hyung, ako ang nayaya kay Yoora na lumabas, ako na lang ang parusahan mo" singit ni Taehyung kaya napatingin ako sa kanya.
"Nandyan yung conversation namin, ako ang nagyaya sa kanya kaya ako ang parusahan mo"
"Taehyung" tumingin sya sa akin at nagtama yung mga mata namin.
Ngumiti sya bago magsalita "Ok lang yun" sabi nya sa akin.
"Aware ka bang mangyayari to?" tanong ni Oppa, umiling naman si Taehyung.
"Syempre hyung hindi, edi sana hindi na kami tumuloy kung alam kong nakukunan kami" tumayo sya at nag-inat.
"Ok na Hyung ah? Ako yung may kasalanan, ako ang mapaparusahan. Uwi ka na hyung maingay ka na masyado eh." naglakad sya malapit dun sa may kusina nila at binuksan yung pinto.
"Ok na, tama na ang tsismis." bigla namang nahulog si Jimin dahil sa pagbukas ng pinto at sumunod si Hoseok Oppa kaya nadaganan nya si Pandak.
"Jin Hyung! Pumasok ka na at nagugutom na ako!" sigaw nya tapos pumasok sya sa loob ng kwarto nya.
Napahilot na lang si Manager Oppa ng ulo nya. Tumayo ako at nagbow.
"Sorry Oppa hindi na po mauulit"
Pagkatapos kaming iwan ni Taehyung ay umalis na rin si Manager Oppa.
"Anong nangyari Noona?" tanong sa akin ni Jungkook. Umiling na lang ako at saka tumayo tapos pumunta sa kwarto ni Taehyung.
Kumatok ako ng ilang beses pero hindi sya sumagot, pinihit ko yung sendura ng pinto at bukas naman pala.
"TaeHyung" tawag ko sa kanya. Naka-upo sya sa tapat ng laptop nya ay may ginagawa kung ano.
"Huy!" tawag ko sa kanya pero hindi pa rin sya nagresponse. Naguiguilty ako sa ginawa namin, kasalanan ko rin hindi kami nagpaalam.
Paglapit ko sa kanya ay sinilip ko yung ginagawa nya sa harap ng laptop nya, nanonood pala sya ng movie at nakaheadset sya kaya hindi nya ako naririnig.
"Ahhhhhhh"" bigla na lang may kung anong ipinakita sa screen kaya napatili ako sakto naman at humarap si Taehyung kaya nahagip nya yung binti ko at ma-out balance ako.
Naghihiintay na ako bumagsak sa sahig na hindi ako tuluyang bumagsak. Pagmulat ko ng mga mata ko at sobrang lapit ng mukha sa akin ni Taehyung to the point na tumatama na yung ilong nya sa pisngi ko at konti galaw lang ang lalapat na ang labi ko sa labi nya.
"Noona! Anong nangyari?" narinig kong tanong ni Jungkook sa labas ng kwarto ni Taehyung.
"Sa susunod" seryosong sabi ni Taehyung. "Na magpeperya tayo, hindi na tayo magpapahuli" dagdag sabay ngiti ng malaki. Niluwagan nya yung pagkakagawak nya sa akin kaya lumayo na ang mukha namin sa isa't-isa.
Muntikan na ang first kiss ko.
------------------------------
BINABASA MO ANG
Noona
FanficBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook