Noona -72-

2.8K 176 246
                                    

Noona -72-

"Yah!" Tawag ko kay Taehyung pero hindi nya ako pinapansin. Pagka-uwi ko sa dorm na namin ay nagulat ako ng makitang may 10 missed calls at 12 unread messages galing sa kanya.

Hinabol ko sya sa hallway at humarang sa daraanan nya. Inisnaban naman nya ako at pinaalis ako sa dadaanan nya. "Yah! Ano bang problema mo?" Sigaw ko sa kanya pero hindi nya pa rin ako pinapansin. Nauna syang maglakad sa akin kaya bumwelo ako at pumasan sa likod nya.

"Yah Yoora!" Sabi nya ng maramdaman nyang nakapasan ako sa likod nya, napalakas ata yung pagkakabwelo ko kaya natumba kaming dalawa. Tumayo naman sya agad kaya ganon din ang ginawa ko

"Yoora! Ano bang naisip mo at ---" nagpout agad ako ng magsimula syang magtaas ng boses sa akin. Sinuntok ko sya sa dibdib nya ng dalawang beses.

"Ikaw! Anong problema mo at hindi mo ko pinapansin? Kanina pa kita tinatawag pero inisnaban mo lang ako!" Asik ko sa kanya. Gusto ko lang naman itanong kung bakit sya tumatawag kagabi pero ito ang makukuha. Umiwas sya ng tingin sa akin at pinaalis na naman ako sa dadaanan nya, pero mas humarang ako.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinabi sabi kung bakit ka nagkakaganyan" aba matigas ata ulo ko kaya wag nya akong hahamunin.

Napabuntong hininga sya at umayos ng tayo, may kinuha sya sa bulsa ng pantalon na suot nya at inabot iyon sa akin. Nagtataka naman akong kinuha iyon.

Isang maliit na box na kulay pink ang inabot nya. "Ano to?" Tanong ko.

"Buksan mo kaya" inis na sabi nya sa akin kaya binuksan ko. Isang magandang bracelet ang nakita ko. May mga design syang music notes sya at iba't-ibang sapatos na pangsayaw.

Napatingin ako sa kanya ng ilabas ko iyon mula sa kahon. "Wae? Bakit mo ko binibigyan ng ganito?" Tanong ko sa kanya. Kinuha nya sa akin iyon at itinaas yung braso ko saka isinuot iyon sa akin "Happy 7th Anniversary sa pagkakaibigan natin" mahinang sabi nya habang isinusout sa akin yung bracelet.

Nanlaki ang mga mata ko, inilabas ko yung cellphone ko at oo nga! Nag-alarm yung cellphone ko kahapon pero hindi ko napansin.

"Omo! Mianhe! Nakalimutan ko kahapon, Mianhe Taehyung" hindi ko naalala kahapon.

"Ganyan ka naman" may himig ng pagtatampo sa boses nya ng sabihin nya iyon. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Kahit naman naiilang ako sa kanya minsan at alam kong iba na tingin nya sa akin, sya pa rin naman ang best friend ko, yung taong nandyaan para sa akin 7 years ago.

"Mianhe Tae-tae, nakalimutan ko man anniversary natin kahapon. Hindi ko naman makakalimutan na ikaw ang bestfriend ko. Saranghae Taehyung-shhi" bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman na yumakap din sya sa akin pabalik.

***
"Mianhe Tae-tae" hindi  maiwasang hindi mapangiti ni Taehyung ng muli syang tawagin ni Yoora sa pangalang iyon. Matagal na nyang gusto matawag ulit gamit ang pangalan si Yoora lamang ang natawag sa kanya.

"Nakalimutan ko man anniversary natin kahapon. Hindi ko naman makakalimutan na ikaw ang bestfriend ko" pero agad ding nawala ang ang mga ngiti sa labi nya ng sabihin din ni Yoora ang isang salita na ayaw na nyang marinig muli sa babaeng gusto nya. Bestfriend, ayaw nyang maging bestfriend lamang ni Yoora kaya ginagawa nya ang lahat para ipakita dito na gusto nya ang kaibigan pero nananatili itong nakatingin sa isang lalaki. Isang lalaki na ilang beses na syang sinaktan.

Naaninag nyang naglalakad papalapit si Jungkook sa kanila, nakatalikod si Yoora at nakayakap sa kanya.

"Saranghae Taehyung-shhi" napatigil ito ng marinig nito ang sinabi ni Yoora kay Taehyung.

Itinuring nyang kapatid ang maknae ng grupo nila. Palagi syang nagbibigay daan para kay Jungkook pero ngayon, ayaw nyang ibigay ang isang tao na sobrang mahalaga sa kanya, si Yoora.

Nagkasalubong ang mga mata nila ni Jungkook, itinaas nya ang mga kamay nya ay yumakap pabalik kay Yoora.

***
"Ano pati ikaw hindi ako papansinin?" Tanong ko kay Jungkook na nakain sa isang malapit na convenient store ngayon. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sya sa pagkain. Tumayo ako at pumunta sa isang parte ng convenient store at may hinanap. Nung makita ko na iyon ay agad akong nagbayad sa counter at bumalik sa tabi nya.

Binuksan ko iyon at sinimulang kainin, nakita kong napatigil sya sa pagkain ng makita nya kung ano yung binili ko. "Seryoso ka Noona?" Inis na tanong nya sa akin, hindi ko din sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Maya-maya ay inagaw nya iyon mula sa akin at ipinalit yung salad na kinakain nya. Umangal naman agad ako, ang sarap sarap ng kain ko ng Kimchi tapos aagawin nya.

"Gusto mo bang magkapantal Noona?!"sigaw nya sa akin. Inagaw ko iyon mula sa kanya.

"Neh! Kung yun lang ang paraan para pansinin mo ko, bakit hindi!" Sagot ko, kakainin ko na sana yung kimchi ng hawakan nya ang kamay ko at sya ang kumain ng kimchi na nasa chopsticks ko.

Kinuha nya ulit yung kimchi na binili ko kaya napapout na lang ako. "Palitan mo yan!" Sabi ko sa kanya, hindi lang sya ang gutom dito no!.
Tumango sya kaya agad akong tumayo at kumuha ng pagkain na gusto ko, dinagdagan nya pa para kila Oppa yung mga kinuha ko at binayaran nya.

Habang naglalakad kami pabalik ng BigHit ay tahimik lang kaming dalawa. May dumaan na bisekleta at muntik na akong masanggi kaya hinila ako ni Jungkook papalapit sa kanya at muntik pa kaming sumubsob sa mga halaman dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo nung lalaki.

"Yah!" Aawayin pa sana ni Jungkook yung lalaki kaya lang pinigilan ko na sya.

"Dito ka nga Noona, masagasaan ka pa dyan eh" pinag-palit nya ang mga pwesto namin at hinawakan nya ang kamay ko.

"Jungkook?" Tawag ko sa kanya, nilingon nya ako at tinanong kung bakit.

"Ano ba tayo?" napahinto kami pareho  sa paglalakad dahil sa sinabi ko, nagtama ang mga tingin namin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit ko ba tinanong iyon? Ano bang nagyayari sa akin?

Ngumiti sya at pinat ang ulo ko. "Ikaw ang Noona ko" sagot nya. Aaminin kong nadissappoint ako sa sagot nya, umasa ako na iba ang isasagot nya.

"Na gusto kong maging yeojachingu" dagdag nya pa, napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Pinisil nya ang kamay ko na hawak at hinawakan ang baba ko saka ako pinaharap sa kanya.

"Pwede ba Noona?" Alam kong magiging mahirap to pero tumango ako. Nakita ko ang pagngiti nya ng malaki at niyakap nya ako ng mahigpit.

***
Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko, alam kong mabilis masyado at labag sa philosophy ko pagdating sa pakikipagrelasyon ang ginawa kong pagsagot kay Jungkook pero hindi naman masama ang subukan di ba? Wala namang mawawala yung susubukan ko.

Pero naisip ko rin sila Unnie, Oppa at fans ni Jungkook. Magagalit sila kapag nalaman na ako ang ipinalit ni Jungkook kay Eun-ah at baka magalit din sa akin sila Unnie. Ang dami kong iniisip ng biglang umilaw yung cellphone ko.

From: Jungkoookiie ❤❤❤❤❤
Matulog ka na Noona, maaga ka pa bukas para sa shooting ng MV nyo. Hindi kita masasamahan kaya tatawagan na lang kita bukas. Good night and 사랑해요!

Nireplayan ko sya at maya maya ay muling may nagtext pero number na lang.

From: 010*********
You're mine Yoora. You've always been mine. Nobody can have you, even that Jeon Jungkook.

--------
8 Lame chapters to go.

Sabi ko 2 or 3 chaps kaso nagtitipid ako ng Data ko eh, meron na lang akong 260 MB. Babawi na lang ako bukas ok?

Comments please!

P.S. #TaeRa Shippers! Kapit lang! May 8 chaps pa haha XD Hangga't walang ending, LABAN!

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon