Noona -44-

2.7K 200 201
                                    

Noona -44-

Harmony's Main Vocal Han Eun-ah gets a perfect All Kill with her self- composed song "Butterfly"
-AllKpop

"Kamsahamnida" nakita ko kung gaano kasay si Eun-ah habang binabati sya ng mga nakakasalubong nyang staff dito sa practice room ng JYP Ent. Masaya ako para sa kanya dahil naka All-kill sya pero hindi pa rin maalis sa isip ko na mainis sa kanya.

Ng matapos nyang pasalamatan ang mga staff na bumati sa kanya ay napadako ang tingin nya sa direksyon ko at nagtama ang mga tingin namin. Bahagya akong ngumiti at nagbow sa kanya. "Chukahaeyo" bati ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot, nakatingin lang sya sa akin at matapos ang ilang minuto ay iniba nya ang direksyon ng mga tingin nya. Hindi nya ba ako narinig?

"Chukahaeyo! Eun-ah shhi!" Bigla na lang umingay ang practice room ng biglang pumasok ang GOT7 na may dala-dalang isang cake at masayang binati si Eun-ah. Nilapitan sya isa-isa ng members ng GOT7 at binigyan sya ng yakap sa pangunguna ni Yugyeom at sinundan ni Jackson hanggang sa ang pinakahuli ay si Bambam.

Total break time naman namin ay nagpaalam ako kay Vince Oppa na lalabas lang ako para magpahinga, isa pa mukhang OP ako sa maliit na kasiyahan na nagaganap sa loob ng kwartong iyon.

Malapit na akong makalabas ng biglang may pumigil sa akin, naramdaman kong hinawakan nya ang braso ko at paglingon ko nakita ko si JB na seryosong nakatingin sa akin. Hinila nya ako palabas at sinarado ang pinto ng practice room. "Gwenchanayo?" Tanong nya agad habang nakatingin sa mga mata ko. Ramdam kong nag-aalala din sya para sa akin, ngumiti ako at dahan-dahang tumango. "Neh, gwenchanayo" sagot ko sa kanya.

"Mianhe" biglang sabi nya na ikinagulat ko, bakit sya nagsosorry?
"Waeyo? Bakit ka nanghihingi ng tawad?" Tanong ko pero hindi sya nagsalita, maya-maya ay hinawakan nya ang mga braso ko at niyakap ako. "Hindi kita kayang ipangtanggol sa kompanya namin" bulong nya sa tenga ko.

"Yoora" sasagutin ko sana yung sinabi ni JB ng may marinig kaming tumawag sa pangalan ko. Nasa likuran ni JB si Taehyung at nakatingin sa amin. "Taehyung-ah" tawag ko sa kanya. Naglakad sya papalapit sa amin at hinawakan nya ang kamay ko at bahagya akong hinila papalapit sa kanya. "Hyung, pahiram muna kay Yoora ha?" Sabi nya kay JB tapos nagsimula na syang maglakad kahit hindi pa nakakasagot si JB.

Eto na naman tayo sa hihilain nya ako at hindi ko naman alam kung saan nya ako dadalhin. Sumakay kami ng elevator at naalala ko na naman yung nakaraan, nung araw na umain sya akin. Mas hinigpitan nya ang pagakakahawak sa kamay ko ng bumukas yung pinto ng elevator.

Nagulat ako ng makita ko si Jungkook na nasa tapat namin at nagulat din sya ng makita kaming dalawa. "Sasakay ka ba?" Maangas na tanong ni Taehyung kay Jungkook kaya napatingin ako sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha nya at mukhang hindi maganda ang aura nya ng makita si Jungkook. Umusod kami ng konti palikod para makapasok si Jungkook sa loob ng elevator.

Ramdam ko ang akward atmosphere dahil sa sobrang tahimik sa loob, ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng elevator.

"Pakisabi kay Eun-ah congrats" out of the blue na sabi ni Taehyung at nakita kong tumango si Jungkook. "Kamsahamnida hyung"

"Congrats sa ninakaw nya" dagdag pa ni Taehyung at nagulat ako sa sumunod na nangyari. Sinuntok ni Jungkook si Taehyung dahilan para matumba sya. "Hindi magnanakaw si Eun-ah Hyung! Wala syang ninakaw kahit kanino!" Galit na sigaw ni Jungkook kay Taehyung.

"Jungkook ano ba!" Tinulungan kong tumayo si Taehyung at nakangisi sya habang pinupunasan ang dugo sa labi nya. "Hindi? Eh kanino yung kantang nirelease nya? Nakita mo ba yung original na draft non? Sulat ni Yoora iyon at hindi kay Eun-ah. Gumising ka Jungkook! Si Yoora ang totoong may gawa ng kantang iyon!" Sagot naman ni Taehyung kaya sinugod na sya ni Jungkook. At dahil maliit lang ang space sa loob ng elevator ay agad nyang nakwelyuhan si Taehyung.

"Tama na Jungkook! Tama na!" Pilit kong inaalis si Jungkook sa pagkakahawak nya sa damit ni Taehyung pero masyado syang malakas. "Bawiin mo yung sinabi mo hyung! Hindi kinuha ni Eun-ah ang gawa ni Noona!" Giit ni Jungkook, natanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa damit ni Taehyung kaya napahiwalay sya. "Hindi nyo kailangang mag-away pwede ba!" Sigaw ko para tumigil sila, masama pa rin ang tingin ni Jungkook kay Taehyung pero si Taehyung mukhang gustong-gusto pang inaasar si Jungkook.

"Grabe ang lakas mo, sana naman pati utak mo ginagamit mo Jungkook."

"Tama na Taehyung!" Awat ko sa kanya, baka paglabas namin dito sa elevator ay patay na ang isa sa kanila dahil sa pag-aaway.

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Jungkook at wala na yung dating saya ng mga mata nya. "Wala kinuha si Eun-ah sayo Noona, pinaghirapan nya ang kantang iyon para mabuo" pakiramdam ko pinupunit ang puso ko habang harap-harapan nyang pinagtatanggol sa akin ang girlfriend nya. Hindi ko na kilala ang Jungkook na nasa harapan ko ngayon, hindi sya ang Noona boy na palaging nakadikit sa akin noon. Hindi na sya ang batang palaging nakangiti sa tuwing nakikita ako. Hindi na sya si Jungkook. Hindi na sya ang Jungkook ko.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya naglakad si Jungkook palabas pero bago pa sya tuluyang makalayo ay may sinabi syang mga salitang hindi ko kailanman inisip na sasabihin nya sa akin.

"Please lang Noona, wag mong gamitin si JB hyung para mas sumikat ka" ganon na ba ang tingin mo sa akin Jungkook?

***
"Bakit mo hinyaan syang sabihan ka ng ganon!?" Inis na tanong sa akin ni Taehyung dahil sa sinabi ni Jungkook kanina. Hindi ko alam kung bakit nya sinabi sa akin iyon at saan nya nakuha ang mga bagay na iyon.

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko. Gusto kong magalit kay Jungkook pero hindi ko magawa. Masakit na pag-isipan nya ako ng ganon pero hindi ako makaramdam ng galit sa kanya. Hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit.

---------------
Advance Happy Birthday kay YoonGiLAGID! Whoot Whoot! Kasing edad mo na si KyungSoo hahaha XXD Matanda na kayo!!

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon