Noona -14-

3.7K 253 102
                                        

 Noona -14-

"Ok Yoora look to the left! Good! Yeri move closer to Yoora! Good Perfect!" kanina pa nananakit ang nga mata ko dahil sa flash ng camera at nangangalay ang mga binti ko dahil sa biglaang photoshoot na to.

Napili lang naman ako bilang MC sa Music Core at kahapon lang sinabi kaya rush na rush kami ngayon para sa poster ng Music Core dahil bukas na ang start ko. Noong isang buwan pa ako nagaudition pero kahapon lang inaprubahan.

"Ok 1 hour break!" sigaw nung isang staff kaya dali-dali akong pumunta sa nga gamit ko at napapikit na lang ako ng makita ang 19 missed calls ni Jungkook sa akin.

Naipangako ko kasi sa kanya na pupunta ako sa fansigning event nila ngayon sa Myeongdeong kaso mukhang hindi ako makakapunta.

Idinial ko yung number nya at

"Wala si Jungkook, tulog, umalis" bungad ni Hoseok Oppa sa akin. Rinig na rinig ko yung kanta nilang Haruman at yung tilian ng fans.

"Hello Yooooooooraaaaaa!!!!" sigaw naman ni Taehyung. Nasapian na naman ng Alien Spirit nya.

"Akin na nga yan Hyung!" sabi ni Jungkook tapos ang sunod ko na lang na narinig ay isang kalabog.

"Hello Jungkook!"

"Noona sila Hyung kasi eh, nalaglag tuloy yung cellphone ko" sumbong ni Jungkook sa akin.

"Mian Saeng, di ako makakapunta. Mukhang matagal pa tong photoshoot namin eh, tapos narinig ko may rehersal pa kami mamaya sa Music Core." gusto kong pumunta sa fansignning event nila ngayon kaso busy talaga eh.

"Ganun ba? Ok lang Noona, eh sa next week makakapunta ka na?" tanong nya.

"Hindi pa din, magkakasabay ang start ng event nyo at start ng Music Core eh" babawi na lang ako sa kanya sa susunod.

"Ganon? Sayang naman pala" halata sa boses nya ang pagkalungkot.

"Ano ka ba! Wag kang malungkot dahil wala ako dyan, dapat masaya ka dahil nagkakaroon ka ng chance na makasama ang mga fans nyo." sabi ko sa kanya. Kaya nga sila nagheld ng fansigning event ay para makita at makahalubilo nila yung mga fans nila tapos malulungkot sya, baliw talaga tong batang to.

Narinig kong tinawag ako ng make-up artist ko kaya nagpaalam na ako.

"Sige Saeng enjoy at wag sumimangot ha! Lagot ka sa akin kapag nakita ko yung nga previews mo na nakasimangot ka" paalam ko. Aba friendship ko ata ang mga fansites nyang si Jungkook.

Ilang oras pa kaming kinuhanan ng mga pictures tapos dumiretso kami sa studio. May ibinigay sila sa aming list ng mga magpeperform para bukas then nagreherse kami ng mga kasama ko para daw maging comfortable na kami sa isa't-isa.

"Ok ang start ng Music Core bukas ay 10 am kaya dapat maaga kayo dito para maaayos natin lahat ok? So pwede na tayong umuwi"

"Bye Unnie!" paalam sa akin ni Yeri, napatingin ako sa kanya at kumaway. Mabait tong bata tong at cute cute nya.

"Bye Saeng! Bukas na lang!" paalam ko din sa kanya. Sumakay ako ng van at saka ko naradaman yung pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho.

Inilabas ko yung cellphone ko at tinignan kung may natext.

From: Jungkoooookiee

San ka na Noona?

Kanina nya pa text to. Ilang message pa na galing kay Jungkook ang nabasa ko, tinatanong kung nasan na ako at kung pupunta daw ba ako. Nakaramdam tuloy ako ng guilt, matagal na naming plano na pupunta ako sa event nila kaso biglaan naman yung sa Music Core kaya nasira lahat.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon