Noona -40-

2.9K 175 147
                                        

Noona -40-

"Oppa!" Sigaw ko sabay katok sa pinto ng kwarto nila. Walang pumansin sa akin kaya muli ko itong kinatok. Dis oras na ng gabi at sobrang lakas ng patugtog nila ng kanta ng Sistar Sunbaenim na Touch my Body. Pustahan tayo si Hoseok Oppa ang nagpapatugtog nyan, fan na fan yun ng Sistar yun eh. Hindi pa rin nila ako pinansin at napalitan pa ang tugtog ng Something na kanta ng Girls' Day Sunbaenim.

"Oppa! Naman eh!" Pagwawala ko sa labas. Hindi soundproof tong dorm na tinitirahan namin ngayon. Dahil sa Dream Concert ay kailangan naming pansamantalang lumipat ng dorm. Puspusan ang practice namin kaya naisip ni Mr. Jang na lumipat muna kami ng matitirahan na mas malapit sa JYP Ent. dahil doon na kami madalas magpractice.

Muling kong kinatok ang pinto, halos masira ko na nga dahil sa lakas ng pagkakakatok ko. Pagod na pagod kami sa practice tapos hindi pa sila  magpapatulog, si Yoongi at Jin Oppa nga ay nakisiksik na sa amin dahil sa ingay ng ibang members nila.

"Oppa ano ba!!" Galit na sigaw ko.

Maya-maya ay bumukas yung pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Hoseok Oppa na mukhang enjoy na enjoy sa nangyayari sa loob ng dorm nila.

"Oh Yoora Wae--"  hindi ko sya pinatapos, agad akong pumasok sa loob at nakita kong nagsasayaw si Jungkook, V at Jimin ng Something. Lumapit ako sa player nila at pinatay iyon.

"Jinjjayo!!?" Sigaw ko matapos kong patayin ang player. Nagulat naman yung mga mukhang tuko na nagsasayaw dahil sa sigaw ko. Tinignan ko sila at si NamJoon Oppa ay tulog na sa tabi.

"Wala ba kayong balak magpatulog?" Dala na rin siguro sa sobrang pagod at kawalan ng tulog kaya nakakapagtaas ako ng boses ngayon. Kilala nila ako, at ang galitin ako ang isa sa mga pinaka-ayaw nilang gawin sa akin. Kaso ngayong araw, they pushed me to my limit.

Lumapit sa akin si Hoseok Oppa at inakbayan ako sabay ngiti ng malaki.

"Sorry Saeng, nagpapractice lang naman kami dahil sa susunod na araw ay babalik kami sa Weekly Idol" at talagang ginaya nya pa ang pose ng Weekly Idol. Tapos nagsasayaw na naman, maya-maya ay tumutog yung Touch My Body kaya mas lalong nagwala si Hoseok Oppa.

"Jimin!" Tawag ko kay Jimin na nakita kong nasa tapat ng music player ngayon at tatawa-tawa. Lumapit ako sa kanya at hinila sya pabalik sa sofa nila gamit ang tenga nya. "Magpatulog naman kayo oh!Jebal!"

"Sige na Hyung, bukas na lang ulit. Galit na si Yoora oh" naglakad si Taehyung sa music player at tinanggal ang pagkakasaksak nito. "Halika na, matulog ka na. Kakantahan kita para makatulog ka ulit" inakbayan nya ako saka kami naglakad palabas ng dorm nila.

"Hyung! Don ka matulog sa labas, ayaw kitang katabi ni Yoora" pagpapa-alis ni Taehyung kay Yoongi Oppa na kasalukuyang nakahiga sa kama ko. "Ayoko" maikling sagot ni Yoongi Oppa, ilang beses pa syang ginising ni Taehyung pero sinipa lang sya nito.

"Aissh hyung!!" Pagsuko nya. "Dito na lang ako sa tabi ni Oppa" sabi ko. Ok lang naman sa akin na katabi sya, wala namang malisya yon dahil nakakatandang kapatid ang tingin ko kay Oppa. Agad umiling si Taehyung tapos hinila ulit ako palabas at papuntang dorm nila.

Inayos nya ang kama nya at doon ako pinahiga "Ikaw saan ka matutulog? Doon na lang kasi ako sa tabi--'"

"Ayoko, dito ka na lang at sa sofa na lang ako" pagmamatigas nya pa rin. Kinumutan nya ako tapos kumuha sya ng umupo sya sa sahig at nagsimulang kumanta.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sya pinaglalaruan yung buhok ko at nagkanta. "Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko pero inilagay nya lang ang kamay nya sa mga mata ko at inutusan na akong pumikit.

"Matutulog na rin ako, matulog ka muna"sagot nya. Nung alisin nya yung kamay nya sa mga mata ko at pumikit na rin ako.

***
"Annyeong haseyeo" bati ko sa mga staff na nakakasalubong ko habang naglalakad papunta sa set ng Weekly Idol, ang show na gustong-gustong puntahan ng mga Idols mapamatagal na sa industriya o bago. Minsan lang ako makanood ng show na to pero isa sa mga pangarap ko ay ang maimbitahan kaming Empress sa show na to.

"Annyeong haseyeo" nakita ko ang Bangtan na nagraramdom play dance ng pumasok ako sa mismong set ng Weekly Idol. Inilibot ko ang tingin lo sa studio at hindi naman pala sya ganon kalaki. Puti ang pintura ng dingding kaya nagbibigay ito ng illusion na malawak ang studio.

"Pizza" suggest ni Taehyung na prize nila kapag nananlo sila sa pangalawang pagkakataon sa Random play Dance. Pumayag si Dony at Cony Sunbaenim kaya pumesto na sila at nagsimula na ang music.

Tawa kami ng tawa habang pinapagalitan si Jimin dahil nahuli syang nagkamali. Although tama yung sinasayaw nya, mali naman yung position nya kaya wala rin. Pinagbigyan pa sila ng isa pang pagkakataon at ngayon chicken na lang ang prize nila. After ng ilang kanta ay nakuha na rin nila at makakakain sila ng chicken.

Nagtake ng break ang Weekly Idol kaya agad na lumapit sa akin si Taehyung at nagtatalon. "Chicken! Chicken! Chicken!" Parang batang nagchecheer dahil may makukuha sya. Sabagay, hindi kami nakakakain ng karne ngayon dahil kailangan ng diet for Dream Concert.

Nag-usap kami saglit kasama ni Jin Oppa tapos tinawag na ulit sila. Tuloy-tuloy lang ang flow ng Weekly Idol, yung profile rewriting at ngayon ay sumasayaw ng girl group dances sila Oppa. Eto pala ang pinaghahandaan nila noong isang araw, pinatugtog ang Beautiful Dream at agad silang tumayo lahat at sinabayan yung music. Napapalakpak naman ako dahil kuhang-kuha nila lalo na yung kembot.

"Jeon Jungkook, ah ikaw yung may girlfriend sa JYP Ent?" Tanong ni Dony Sunbaenim ng mabasa nya yung pangalan ni Jungkook. Kita ko na agad namula si Jungkook dahil doon kaya inasar sya ng mga host.

Napansin kong panay rin ang tingin nya sa direksyon namin at napansin din iyon ni Cony Sunbaenim at napa "Ohh" sila at may tinuro. Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Eunh-ah na naka-upo sa tabi. Tinawag sya ni Dony sunbaenim at dinala sa gitna.

"Annyeong haseyo Harmony's Main Vocalist and Jungkook's yeoja chingu Han Eun-ah imnida"

--------------------
Sabi ko noon hanggang chapter 50 lang tong Noona dahil hanggang chapter 45 lang ang EHC pero ngayon na chapter 40 na sya ay pakiramdam ko nasa kalahati pa lang tayo. Marami pa kasing mangyayari at feeling ko hindi ko sya dapat pagkasyahin sa ilang chapters lang. Hahha

Dapat kanina pa to nakapost kaso busy ako manood ng Mix and Match ng Ikon. Kim Hanbin and Jung Chanwoo, please lang utang na loob lubayan nyo ako!!!!

Yun lang XXD.

Icomment nyo nga yung gusto nyong gawin kay Eun-ah hahaha XXD

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon