Noona -16-

3.4K 219 67
                                    

Noona -16-

"Salamat Yoora" sabi sa akin ni SeokJin Oppa pagkabigay ko ng toyo sa kanya. Kasalukuyan kasi syang nagluluto kaso naubusan sya ng toyo kaya nagtext sya sa akin kung may extra pa kaming toyo. May extra pa naman kaya dinala ko na sa dorm nila.

Pagkapasok ko ay nasa salas si Jungkook at mukhang problemado. May hawak rin syang ilang pirasong papel at nakakalat yung mga libro at notebook nya sa mesa.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay ginusot nya yung papel na hawak nya sabay tago sa ilalim ng mesa.

"Ano yan ha?" ulit ko tapos nagtry din akong kunin pero itinatago talaga ni Jungkook. "Wala to Noona" sagot nya.

"Anong wala? Bakit mo tinatago kung wala, akin na" gusto ko talagang malaman kung ano yun eh.

"Noona wala nga to" pagmamatigas nya. Umikot ako sa likuran nya at saka nakipag-agawan sa kanya, buti naman at nakuha ko.

Napakunot ang noo ko ng makita kung ano yung tinatago nya. Kaya pala problemado sya, test paper nya yon at bagsak sya.

"Si Noona kasi eh" sabi nya sabay hablot nung test paper nyang may score na 4/100.

"Akin na" hablot ko ulit. Inisa-isa ko yung tanong at napansin kong puro grammar at spelling yung mali nya.

"Sinong teacher mo sa English?" tanong ko. Baka naman hindi effective yung teacher nya kaya bumagsak sya.

"Si Mrs. Song" sagot nya. Si Mrs. Song, eh magaling magturo yun eh.

"Si Mrs. Song? Teacher ko din sya dati pero hindi naman ako bumagsak sa kanya"

"Bakit ilan ba score mo sa English noong nag-aaral ka pa?" tanong ni Jungkook.

"95/100" biglang singit ni Namjoon Oppa nung dumaan sya sa gilid namin.

"Jinjja Noona? 95/100?" gulat na tanong ni Jungkook. Tsamba lang kaya yun -_-

"Ang galing mo naman Noona, sana ako rin maka 95" dagdag nya.

"Yah Kim Nam Joon! We will talk later!" sigaw ko. Hindi ko na nga sana sasabihin yung totoong score ko kay Jungkook kasi alam kong madodown sya kaso tong si Oppa nakisingit pa.

"Don't Kim NamJoon me Choi Yoora! I'm older than you!" sigaw din pabalik sa akin ni Oppa.

"Aissh tama na nga yang kakaenglish nyo! Nalilito na ako!" sigaw dun ni Jungkook.

Tinignan ko ulit yung test paper nya at kumuha ng scratch paper at ballpen.

"Dapat kasi ipapast tense mo muna yung verb para magtugma sya sa sentence" ipinaliwanag ko sa kanya yung mga mali nya at kung paano ny maitatama yun. Madali namang matuto tong si Jungkook, kailangan lang sa kanya at tutukukan lalo na sa English dahil madalas syang malito sa subject na iyon.

"Ganun lang yon Noona?" tanong nya. Tumango ako at saka tumayo bago mag-inat. Kakauwi ko lang galing Music Corekaya ramdam ko na ang pagod.

"Salamat sa pagtuturo Noona" sabi nya sa akin.

"Dapat sa next test nyo 100 ka na" hamon ko sa kanya pero biro lang yon. Napakamot naman sya ng ulo.

"Di ko kaya yun Noona" pagsuko nya agad. Ginulo ko naman yung buhok nya.

"Kaya mo yun" pagchecheer ko naman sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya saka kay Seokjin Oppa.

Uuwi na ako para makapagpahinga at maaga pa ako bukas.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon