Noona -66-

3.3K 244 339
                                    

Noona -66-

"I'm sorry for causing a lot of trouble sayo Ms. Choi" sabi sa akin ni Mr. Jang. Dalawang araw na rin ang nakalipas simula ng sabihin ni JB lahat ng nalalaman nya at tanggalin si Eun-ah sa grupo nila.

Umiling ako, "Gwenchanayo Mr. Jang." Sagot ko sa kanya. Kahit naman magalit ako wala na rin naman na akong magagawa, nangyari na ang dapat nangyari at marami na ring nasaktan.

"Eun-ah will be leaving their dorm now at uuwi na sya sa Daegu" paliwanag nya sa akin tapos sumandal sya sa swivel chair na kinauupuan nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong napabuntong-hininga sya.

"Sayang ang batang iyon, napakalaki ng potensyal nya sa industriyang ito" dagdag nya pa.

"Mr. Jang" tawag ko sa kanya. Tinignan naman nya ako at sinabing ituloy ko yung sasabihin ko.

"Pwede po bang humingi ng pabor?" Tanong ko sa kanya, tumango naman sya.

"Gusto ko po sana, kahit hindi nyo na hawak si Eun-ah alagaan nyo pa rin po sya. I mean, nasa mental po ang nakakatanda nyang kapatid tapos nanggayari pa ito, na naalis sya sa grupo. Malaki po ang tendency na magkamental breakdown sya kaya gusto ko supportahan nyo pa rin po sya. Yung mga kailangan nya, ganon po" kahit ano namang ginawa sa akin ni Eun-ah hindi ko pa rin sya kayang pabayaan dahil alam kong napakahalaga nya kay SeungHo. Nakatingin lang sa akin ni Mr. Jang na para bang may ginawa akong kasalanan.

"Waegure?" Biglang sabi nya at bakas sa mukha nya ang pagtataka. Tumayo sya mula sa pagkaka-upo at naglakad lakad.

"Sinaktan ka na nya lahat lahat kapakanan nya pa rin ang iniisip mo?" Tanong nya sa akin. Tumango ako.

"Kailangan nya pa rin po ng pag-aalaga Mr. Jang, lalo na ngayon" mataas ang tendency na magaya sya sa Oppa nya kung walang titingin sa kanya at ayokong mangyari iyon.

Nakita kong napa-iling si Mr. Jang dahil sa sagot ko. "Hindi na ako magtataka na anak ka nga ni Choi Minhyuk"  Muli syang umupo sya swivel chair nya at ngumiti sa akin.

"Arra, aalagaan pa rin naman sya para sayo" sagot nya kaya napangiti ako. Tumayo ako at nagbow sa kanya "Kamsahamnida Mr. Jang Kamsahamnida"

"Ok ok, regarding nga pala sa copyright ng kanta mo. Kaya naming baguhin iyon pero hindi na namin mababawi na si Eun-ah ang kumanta noon. Mahirap na kasi nasa market na sya"

"Ok na po sa akin na yung copyright ay sa pangalan ko. At least hindi po nasayang yung pagod ko sa paggawa ng kanta iyon. Kamsahamnida po" ok lang na sya ang makilalang kumanta nun, masaya na rin ako na kayang baguhin ang copyright at kung sinong composer ng kanta na iyon.

Nagpa-alam na ako kay Mr. Jang dahil kailangan ko pang pumunta sa Bighit dahil nakalabas na rin si PD-nim sa ospital. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko sa JB. Nalayo pa lang ay yumuko na ako dahil nahihiya akong kausapin sya. Alam kong nakatingin din sya sa akin kaya dire-diretso lang ako sa paglalakad. Ng madaanan ko sya ay hinawakan nya ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Mianhe" sincere na sabi nya. Tinignan ko sya at kita na nahihirapan na rin sya sa mga nagyayari ngayon. Inalis nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko at humarap ako sa kanya.

Nagtama ang mga paningin namin at ngumiti ako sa kanya. "Gwenchanayo, Sorry din kung nasali ka pa sa gulo na to" tumango sya tapos nagpaalam na sya na kailangan na nyang bumalik sa practice room nila.

Nung medyo malayo na sya ay tinawag ko sya. "Kamsahamnida!"  Sabi ko sabay bow sa kanya at nagsimula ng maglakad palabas. Thank you, thank you sa pagtulong mo sa akin.

***
"Welcome back PD-nim!" Masayang bati ko kay PD-nim na nasa practice room namin at naka-upo sa sofa. Tumabi ako sa kanya at pinat naman nya ang ulo ko. May naganap na maliit na party kanina pero hindi ko na naabutan dahil sa natagalan ako sa JYP Ent.

"How are you Yoora-sshi?" Tanong nya, na miss ko talaga si PD-nim. Matagal din syang nasa sa ospital. Ngumiti ako bago sumagot. "Mabuti naman po" sagot ko tapos tumawa sya.

"Jinjja?" Masigla ako tumango ako. Maya-maya ay naramdaman kong may nagpahid sa akin ng icing sa mukha, kaya pala dinidistract ako ni PD-nim. Nakita ko si Jimin na natakbo palayo habang si Namjoon Oppa naman yung may dala-dala ng cake.

"Jinjjayo?"galit na tanong ko sa kanila at tinawanan naman nila ako. Mula sa likod ay may nagpahid na naman sa akin ng icing, narinig ko ang nakakalokong tawa ni Taehyung kaya hinabol ko sya. Nung maabutan ko sya ay kinuha ko yung hawak nyang mga icing at inilagay iyon sa mukha nya. Nakisama din sa paglalagay ko ng icing kay Taehyung  si Jimin at Hoseok Oppa pero hindi ko pinatakas si Jimin.

Nilagyan ko rin sya ng icing sa mukha si Jimin hanggang sa magkarambulan na kami. Anong akala nila, magpapatalo ako kahit madami sila? Pwes hindi, dahil ako si Choi Yoora!

Napatigil kami ng marinig namin na tawa ng tawa si PD-nim dahil sa kalokohan namin. Halos lahat kami ay may icing sa mukha at ang lagkit lagkit namin, nagkalat din ang icing sa sahig at sayang yung cake.

"Bogoshipo" sabi ni PD-nim sa amin, napa 'aww' naman kami at sa pangunguna ni Yoongi Oppa, kahit ang dami naming icing ay niyakap namin si PD-nim.

"Aiish!" Sigaw ko habang minomop ko yung sahig ng practice room, matapos yung konting kasiyahan namkn ay nagbato-bato pik kami kung sinong maglilinis at talo kami ni Jungkook kaya ayun, kahit gustong-gusto ko ng maglinis ng kawatan ay hindi pa pwede.

"Ako na Noona" sabi ni Jungkook tapos kinuha nya sa akin yung mop na hawak ko. Malapit na rin naman kaming matapos, konti na lang.

Habang nagmomop si Jungkook ay iniligpit ko naman yung mga ginamit kanina. Nung matapos na kami ay humiga ako sa sahig dahil ramdam ko na ang pagod. "Noona?" Biglang tawag sa akin ni Jungkook, umupo ako at nakita kong naka-upo rin sya.

"Hmm?" Tumingin sya sa kin pero agad ding umiwas.

"Bakit mo ko hinalikan noon?" Biglang tanong nya kaya nag-init ang mga pisngi ko. Tumayo ako dahil nakakaramdam na ako ng pagkailang sa kanya dahil sa tanong nya.

"Ah eh, una na si Noona ha? May ga---"

"Pwede mo bang gawin ulit yon?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.

"Ha? Ano--" sunod ko na lang na naramdaman ang paglapat ng labi nya sa labi ko.

------
Don't Touch me. T_T Magsilabas ang mga #YooKook dyan! Damayan nyo ang feels ko kahit lame tong UD haha XD

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon