Noona -50-
Habang nakatulala sa isang malaking billboard na nakalagay sa taas ng building na iyon ay parang gusto kong maiiyak. Matagal kong hinintay na makapagtanggahal sa harap ng maraming tao at eto na talaga, magaganap na ang unang concert kung saan magpeperform ako kasama ang mga Unnie's ko. Hindi man ito ang solo-ng concert ng Empress, alam kong magiging memorable ito.
"Yoora pumasok ka na!" Tawag sa akin ni Manager Unnie habang nasa tapat ng isang van. Kabababa nya lang siguro mula sa van na iyon. Maaga kaming bumiyahe para makapunta ng Gocheok Sky Dome dahil ayaw nilang maiipit kami sa dami ng taong pupunta mamaya.
"Unnie!"
"Yoora!" Sigaw ng mga pa-ilan ilang fans na nagihintay na sa labas. Lumapit ako kay Manager Unnie at nagpaalam na makikipag-usap lang ako sa kanila saglit, nung una ayaw nya pero nagpumilit ako at pumayag rin sya.Tumakbo ako papalapit sa kanila at nakipag-usap. Yung iba naiyak pa ng lapitan ko sila kaya binigyan ko sila ng tag-iisang yakap na mahigpit. Nagkwentuhan kami saglit bago magpicture-picture.
"Kamsahamnida"paalam ko sabay bow sa kanila, ganon din naman ang ginawa nila. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa isang malapit na hotel ng tawagin nila ako ng sabay-sabay at sumigaw ng "Yoora Fighting!" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, maswerte ako na may mga fans ako na katulad nila at sana hanggang sa huli nandyaan pa rin sila.
***
Nanlaki ang mga mata ko at parang tumigil ang mundo ko ng makita ko kung gaano kadaming tao ang manonood ng concert na ito. Karamihan sa kanila ay puro babae at may lightstick ng BTS at GOT7. May mga lalaki din at may ilan pang kasama ang pamilya nila. At dahil wala pa kaming fandom name at color, nagsuggest kami na gumawa na lang muna ng pansamantalang lightsticks para sa mga fans namin na pupunta sa Dream Concert at habang nakikita ko ang maliit na ocean na iyon na kulay Light Pink (hindi ako maalaman sa mga lightsticks ng ibang fandom so, kung meron ng K-Idol na nagamit ng lightstick na Light Pink ang kulay pakisabi sa akin para mabago ko, ok?) Pakiramdam ko kumpleto na ang gabi ko.Tinawag kami ni Mr. Jang at MinJun Oppa saka sabay-sabay kaming nagdasal sa pangunguna ni Mr. Jang. Matapos iyon ay pinagsama-sama namin ang mga kamay namin sa gitna "JYP and BigHit Artist Fighting!" Sabay-sabay na sigaw namin then naghanda na yung mga mga Trainees dahil sila ang mag-oopen ng Dream Concert na ito.
Inilabas ko ang cellphone ko then binuksan ko ang instagram ko, halos sumabog ang notification ko dahil sa dami ng nagheart, comment at nagfollow sa akin kahit medyo matagal na simula nung huli akong magpost sa SNS na ito.
@yoora_noona
Let's have fun tonight~~
#ThisIsIt#DreamConcertIpinost ko yung picture ko kanina kasama ang lahat ng artist na magpeperform kasama ko ngayon. Marami na agad ang naglike at nagcomment pero kinuha na sa akin ni Manager Unnie yung cellphone ko kaya hindi ko na sila nareplayan.
Pinapunta nya ako sa backstage habang nagpeperform ang mga Trainees kaya ang ginawa ko ay nakisilip din ako. Nanonood din kasi yung ibang grupo kaya nakisama na ako. Habang nagpeperform sila ay nakatingin lang ako kay Sam na todo bigay sa pagsasayaw, kung dati ay nahihiya sya ngayon ay mataas na ang confidence nya kaya nakakatuwa naman.
Matapos magperform ng mga trainees ay sinundan sila ng miss A sunbaenim na sinalubong ng sobrang lakas na sigawan ng mga audience, nakapasikat talaga nila. Sinayaw nila yung kanya nila Bad Girl Good Girl. Isa ako sa mga tagahanga ng miss A dahil ang gagaling nilang sumayaw at ang vocals pamatay rin.
Nag matapos yung performance nila ay nagkaroon ng maiksing usapan. Nagpakilala yung mga Trainees ng JYP at BigHit tapos ang miss A. May ilang tanong yung MC at buong giliw naman nila iyong sinagot.
Nagkaroon ng konting katahimikan pero napalitan iyon ng malakas na sigawan ng magstart na ang intro ng kanta ng Harmony. Habang nanonood sa performance nila ay napansin kong madaming may hawak na banner na may pangalan ni Eun-ah o di kaya pinagsamang pangalan nila ni Jungkook. Mukhang suportado na ng ilan ang relasyon nila. Ng magsimula ng kantahin ni Eun-ah ang part nya ay halos mabingi kami sa lakas ng sigawan. Sobrang dami na nyang fans ngayon, parang kelan lang unang besea nila sa Music Core at ako pa ang MC nila.
Sumunod na nagperform sa Harmony ay ang GOT7 na nagpadagundong din sa Dome dahil sa dami ng fans nila. Sinayaw nila yung Debut song nila na Girls Girls Girls at halos hindi magkamayaw ang mga tao lalo na dun sa part na back flip ni Mark Oppa.
After ng GOT7 ay ang BTS naman, sinayaw nila yung For You pero Korean Version kaya sobrang naexcite ang fans nila. Sobrang ganda ng ocean nila habang sumasayaw at kumakanta silang pito sa gitna ng stage na iyon.
"Empress! Empress!" Sigawan ng lahat ng makita nilang nagpunta na kami sa gitna matapos magperform ng BTS. Kami ang pinakahuling magtatangghal sa lahat ng grupo bago magsimula ang mga collaborations.
Pumuwesto kami sa gitna at ng magsimula na yung kanta ay nag-inalis ko na lahat ng iniisip ko. Kailangan kong magfoucus sa steps at mag-enjoy. Kahit hinihingal ay pinilit kong ngumiti habang nasa gitna pa rin kami ng stage. Nag-isang linya kami at sabay-sabay na nagbow sa harapan ng libo-libong taong nanonood ngayon.
Nagsilapitan lahat ng nagperform sa gitna ng stage kasama yung MC namin at nagkaroon muli ng usapan. Tinanong nya kami at nagkaroon ng konting biruan sa stage. Tumagal iyon ng 30 minuto at saka magplay ng isang VCR tungkol sa paghahanda namin para sa Dream Concert na ito. Sinamantala naman namin ang pagkakataong iyon para makapagbihis at makapaghanda para sa second part ng concert na ito. Ang mga collaborations na magaganap na syang hinihintay din ng lahat.
---------
Akala ko sapat na ang chapter 50 para sa buong Dream Concert pero hindi eh. Part 2 of this will be posted later. Mga 10 or 11 PM, may gagawin lang ako saglit ne?P.S: Maghanda ng ITAK AT ASIN O KAHIT ANO PANG BAGAY NA MAKAKAPUKSA SA LINTA DAHIL MAY HUHULIHIN TAYONG LINTA MAMAYA XXXD.
#HappySugaDay!
BINABASA MO ANG
Noona
FanfictionBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook