Noona -1-
"Bangtan Sonyeondan!" basa nung MC dun sa cue card na hawak nya kasunod nun yung malakas na sigawan ang palakpakan ng mga A.R.M.Y.'s.
Bangtan! Bangtan! Bangtan!
Chant yung mga fans nila habang kinukuha ni Namjoon Oppa yung award nila. First win nila sa The Show kaya lahat ay masaya. Napatingin sya sa akin at nag thumbs up, ngumiti ako at nag thumbs up din.
Habang nagisispeech si Namjoon Oppa ay naluluha sya. Nagbunga na rin lahat ng pinaghirapan nila, nagpupunas na rin ng luha si Seokjin Oppa at Yoongi Oppa.
Pagkatapos ng show at nagpaalam na sila tapos pumunta ako ng dressing room nila.
"Noona!" masayang bati sa akin ni Jeon Jungkook. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad syang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Noona nagfirst win na kami!" masaya nyang kwento sa akin at ipinakita pa yung trophy nila sa akin.
"Nakadikit ka na naman sa Noona mo, susunod nyan magkamukha na kayo, tabi!" sabi ni Yoongi Oppa tapos tinulak si Jungkook ng mahina tsaka ako niyakap.
"Yoora-ah, nanalo na kami" sabi nya tapos ibinaon nya yung ulo nya sa balikat ko at naramdaman kong nababasa yung damit ko.
Masaya ako para sa kanila. Para sa akin First win ang pinakamahalagang trophy kapag rookie ka pa lang. Nagpapatunay lang yun na kaya mo ng makipagsabayan sa mga matagal na sa industriyang ito.
Humiwalay ng yakap sa akin si Yoongi Oppa at pinunasan ko yung basa nyang mukha."Tahan na, alam ko magseselca ka pa mamaya. Sige ka panget ka sa selca mo nyan" pagbabanta ko sa kanya. Alam ko namang mahilig magpost ng selca sa twitter tong mga to.
Pagka-alis ni Yoongi Oppa at nakita ko si Taehyung na nagmumuk-muk sa isang tabi habang naiyak. May naalala tuloy akong kalokohan. Alam nyo yung ginawa ni Taemin Oppa kay Kai Oppa nung First win ng EXO?
Inilibas ko yung cellphone ko at vinideohan sya habang naiyak. Napansin nya yung ginagawa ko kaya tinakpan nya yung cellphone ko at sinigawan ako. Tumakbo naman ako papalayo sa kanya pero nasave ko na yung video.
Papalabas na sana ako ng pinto dahil hinahabol ako ni Taehyung ng biglang kusang bumukas yung pinto at pumasok si Manager Oppa ng Bangtan.
"Tara na boys, magcecelebrate pa tayo at ikaw Yoora, hinahanap ka ng manager mo. May practice pala kayo pumunta ka pa dito" sabi nya tapos, etong mga takas sa mental nagsihiyawan. Kala mo hindi umiiyak kanina.
"Picture muna tayo!" sigaw ni Namjoon Oppa kaya nagsilapitan sila at ginawa pa akong photographer -_-
Pagkatapos nung picture session ay inayos ko yung gamit ko at isinabit sa likod ko yung back pack ko.
"Noona tara na!" tawag sa akin JungKook at talagang hinila pa ako palabas.
Bago sila sumakay ng van ay kumaway pa sila sa mga natirang fans na naghihintay sa kanila sa labas. Nauna akong pumasok sa loob ng van.

BINABASA MO ANG
Noona
Fiksyen PeminatBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook