Noona -20-
"Good Morning Unnie" bati sa akin ni Yeri pagpasok ko ng dressing room sa back stage ng Music Core. Ngumiti ako at binati rin sya saka inilapag yung bag na dala ko sa lamesa.
"Nag-almusal ka na ba, Saeng?" tanong ko, tumango naman sya bilang sagot.
"Neh, nagluto po kanina si Wendy Unnie eh" sagot nya kata ako naman ang tumango.
Tinawag ako nung make-up artist saka pinaupo sa tapat ng salamin then sinimulan na nyang ayusin yung buhok ko. Ng matapos kaming ayusan ay lumabas kami ng stage para makapagpractice saglit.
Nagsimula ng magsidatingan yung ibat-ibang grupo na magpeperform kaya nagpahinga muna kami ni Yeri.
"Kamsahamnida" bati nung isang staff kay Yeri dahil ito na ang last stage nya bilang MC sa Music Core, almost 3 weeks ko rin syang nakasama at masasabing ko masaya sya katrabaho at magiging succesfull sya bilang Idol. She has the talent, beauty and her personality ang magdadala sa kanya sa tagumpay.
Matapos syang batin nung mga staffs ay tumingin sya sa akin at inabot ko naman sa kanya ang isang regalo. "Thank you and I'm looking forward to work with you in the future again" sabi ko sa kanya. Tumayo sya at lumapit sa akin saka ako niyakap.
"Kamsahamnida Unnie, ako rin madami akong natutunan sayo" humiwalay sya sa pagkakayakap at tinignan yung regalo na ibinigay ko sa kanya.
"Pwede kong buksan?" tanong nya, tumango ako. Sinira nya yung balot at namangha sya ng makita kung ano yung regalo ko.
"Ang ganda Unnie! Thank you" sabi nya sabay yakap dun sa sweater na ibinigay ko sa kanya. Nung malaman kong aalis na sya as MC ng Music Core ay napagdesisyuanan kong magbigay ng Token of Appreciation sa kanya. Yeri was such a Good girl kaya alam kong deserve nya lahat ng blessings na natatanggap nya ngayon.
"Ito ang susuotin ko sa last stage ko as MC Unnie" sabi nya sa akin.
"Hindi pa yan nalalabhan" sabi ko naman. Kakabili ko lang nun nung isang araw at ibinalot ko agad dahil wala akong oras sa susinod at baka makalimutan ko pa.
"Gwenchana, hindi naman sya mabaho eh"
"Music Core will start at 45 minutes" sigaw nung staff kaya muli kaming nag-ayos. Nagpalit ng damit si Yeri tapos ako nagparetouch ng make-up.
"Annyeonghaseyo Empress Yoora imnida"
"Neh, jeoneun Red Velvet Yeri imnida"
"And this the Music Core!" sabi naming sabi ni Yeri na hudyat ng pagbubukas ng Music Core. We did some recap sa mga nagperform last time then we introduced yung nga bagong groups na nagcomeback.
"One of the Talented Rookies this year, Let us all welcome Seventeen!" sabi ko sabay turo sa 13 lalaki na nasa likuran namin ni Yeri ngayon.
"Say the name, Seventeen!" sabay-sabay nilang pakilala then pumalakpak kami.
"Pwede nyo bang sabihin sa amin, anong ibig sabihin ng Mansae?" tanong ni Yeri at masigla namang kinuha ng leader nila yung mic.
Ipinaliwanang ni S.Coups yung meaning ng Mansae."Balita ko magaling daw ang Performance unit nyo, pwede bang sample?" suggest ko at agad naman nilang tinulak papunta sa harapan yung lalaking may kulay green na buhok then may nakalagay na Hoshi sa uniform na suot nya then sumunod si The 8, Dino at Jun.
"Sample! Sample! Sample!" kantyaw nila kaya nagsimulang magsayaw si Hoshi at sumabay yung iba pa.
"Whooo magaling nga, so wag na natin tong patagalin pa! From their newest Album Boys Be, let's all welcome Seventeen with Mansae!" announced ko tapos lumipat yung camera sa unahan then nagstart ng magperform yung Seventeen.
Pagkatapos magperform ng Seventeen ay yung mga dati namang nagcomeback yung magpeperform. May ilang group na ang naunang magperform at ang pinaka last ay ang Harmony.
"Wag na nating patagalin pa, here's JYP Ent newest girl group, Harmony!" sabi ni Yeri tapos nagperform na yung Harmony.
Matapos nilang magperform ay nagcommercial break muna kaya pumunta kami sa backstage para uminom ng tubig at makapagpahinga saglit.
Nung mag-air ulit ang Music Core ay nagsama-sama na lahat ng K groups sa stage at may inihanda namang cake ang Music Core para kay Yeri. Pinauna syang mag-MC habang ako ay buhat-buhat ko yung cake.
Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya kaya nag-ingay yung audience, napalingon sya sa direksyon kung nasaan ako at nagulat sa cake na dala ko.
"Thank you Yeri-shhi, isa ka sa magagaling na naging MC ng Music Core" sabi ko then inabot sa kanya yung cake. Medyo teary-eyed sya, binati rin sya ng ibang K-groups na nagperform ngayon.
"Good Luck and Thank you Yeri-shhii!!"
Matapos yung mini party ay balik trabaho kami. "And the number One this day is!" sabi ni Yeri then ipinakita sa screen yung mga votes na nakuha ng Harmony at isa pang rookie group na Selene.
"And the first place was, Harmony! Chukahaeyo!" announced ko then ibinigay yung trophy sa leader nilang si Sarang. Tinaggap nila yon at nagspeech sila at naiiyak yung ilan sa kanila.
"Kamsahamnida!!" sabay-sabay nilang sigaw at sabay-saby din silang nag-bow.
Napatingin ako sa mga audience at nakita ko si Jungkook na nanonood sa may gilid. Dapat nasa shooting sya ng MV nila ngayon di ba? Hindi nila naperfect yung nakaraan kaya uulitin nila ngayon.
Pagdating sa backstage ay nagpasalamat yung mga grupo sa akin at sa mga staffs. Dumiretso ako ng dressing room at kinuha yung cellphone ko. Ang daming missed calls at unread text messages.
Binuksan ko yung Missed calls at halos lahat ay galing kay Manager Oppa ng Bangtan, ilan kay Seokjin Oppa at kay Taehyung.
Sinunod ko yung text messages at
From: Jimin
Kasama mo si Jungkook?
From: Hobbiee Oppaa
Nandyaan ba si Jungkook?
Halos lahat ng text ay hinahanap sa akin si Jungkook. Ibig sabihin tumakas si Jungkook sa schedule nila?
Lumabas ako ng dressing room at sinubukang hanapin si Jungkook sa set ng Music Core, halos wala ng audience at nagsi-uwian na rin yung mga grupong magperform.
Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa makita ko sya sa may parking lot at kausap nya si Eun-Ah ng Harmony.
Lalapitan ko sana sila ng makita kobg ngumiti si Jungkook dahil niyakap sya ni Eun-Ah. Narinig ko ang pagpapasalamat ni Eun-ah bago sya pumasok ng van nila.
Ng maka-alis na yung Van nila ay saka lang ako lumapit kay Jungkook.
"Anong ginagawa mo dito?" dahan-dahang lumingon paharap sa akin si Jungkook at saka sumagot.
"Pinuntahan ko si Eun-Ah, Noona" walang ganang sagot nya sa akin kaya nagulat ako. Galit pa rin ba sya dahil sa nakita nya nung nakaraan?
"May schedule kayo ngayon di ba? Sana naman inuna mo yun bago ka magpunta dito at suportahan si Eun-Ah" naiintindihan ko naman na kaibigan nya si Eun-Ah at gusto nya itong suporthan pero sana hindi nya isinantabi yung trabaho nya, magagalit si PD-nim neto kapag nalaman nya.
"Dapat inisip mo rin yung mararamdaman ko bago ka nagpakita sa akin na kahalikan mo si hyung" mahina ang pagkakasabi nya pero sapat lang para marinig ko ng malinaw. Tinalikuran nya ako at nagsimulang maglakad papalabas. Hinabol ko sya at hinawakan sa kamay bagi sya pinaharap sa akin.
"Sandali nga! Di ba nagpaliwanag na ako na hindi kami naghahalikan nung makita mong nasa ibabaw ko sya! Nasagi nya yung paa ko kaya natumba ako pero nasalo nya ako kaya ganun ang posisyon namin! Teka nga, nagseselos ka ba?" tanong ko. Inalis nya yubg kamay kong nakahawak sa braso nya at tinignan ako sa mata.
"Siguro nga Noona, nagseselos ako"
----------------
Comments pleaseu!
Whaaa eto na ang start ng sakitan portion!!
BINABASA MO ANG
Noona
FanfictionBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook