Noona -2-
Boo!
Nagulat ako ng may marinig akong nagsalita sa tenga ko samahan mo pa nung maiinit na hangin na galing sa bibig nya.
Paglingon ko ay nakita ko si Jungkook na masayang nakangiti sa akin. Pumunta sya sa harapan ko at umupo para magkapantay kami.
"Noona, isang linggo ka ng di napunta sa dorm tapos di kita naabutan dito, miss na kita, Noona" parang batang sabi sa akin ni Jeon Jungkook. Isang linggo na rin kasi ang nakakaraan simula nung pagalitan ako ni Manager Noona dahil sa pagtakas ko sa practice namin para manood ng The Show. Grounded ako simula nun. Pinagbawalan akong pumunta sa dorm ng Bangtan at kinuha lahat ng gadgets ko. Kakainis nga eh, dinaig pa sa bahay.
"Sus naglambing ang Dongsaeng ko" sabi ko sa kanya sabay gulo ng buhok nya pero hinayaan nya lang ako. Nagpout pa sya.
"Miss na kita Noona" ulit nya kaya napangiti ako. Kinurot ko yung pisngi nya kasi ang cute-cute nya. Minsan nga gusto ko na syang iuwi sa bahay sa sobrang kacutetan nya.
"Anong gusto ni dongsaeng at naglalambing kay noona?" tanong ko sa kanya. Ganyan yan kapag may gusto sya, todo pacute.
"Noona naman eh, miss lang talaga kita!" himutok nya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at kinuha yung towel ko na nakapatong sa ibabaw ng bag ko at nagpunas. Nandito ako sa practice room ng BigHit dahil kailangan kong magpractice ng sayaw dahil malapit na rin ang comeback namin.
Pagkatapos kong magpunas ay kinuha ko yung bag ko at isinabit sa likod tapos naglakad ako papalapit kay JungKook na nakaupo pa rin sa pwesto nya kanina.
"Tara Jungkookie, bubble tea tayo" yaya ko sa kanya. Inextend naman nya yung dalawang kamay nya para magpahila. To talagang batang to kung ano anong alam. Isinabit ko sa leeg ko yung towel ko tapos hinawakan yung dalawang kamay nya at hinila sya, pero dahil mas mabigat sya sa akin ay ako ang nahila nya.
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong nasa ibabaw nya ako at ang lapit-lapit nya sa akin. Nakita kong namula rin sya kaya agad akong tumayo at nag-iwas ng tingin.
Ang dami kasing alam na kalokohan netong batang to.
"Noona, sorry" sabi nya nung nakatayo na sya mula sa pagkakahiga. Inayos ko naman ang sarili bago ako humarap sa kanya.
"Ang dami mo kasing alam eh, pano kung nagkauntugan tayo at magkabukol ka, edi pinatay ako ng mga fangirls mo!" sabi ko sa kanya. Kinamot naman nya yung batok nya at naiilang na ngumiti.
"Halika na nga!" dagdag ko tsaka sya hinila papalabas ng practice room. Pagkabukas namin ng pinto ay bumulaga sa amin si Pandak— este Park Jimin.
Nanlaki yung mga mata nya nung makitang nakahawak ako sa kamay ni Jungkook.
"Kayo na?" tanong nya na may halong pang-aasar. Inirapan ko sya bago sumagot.
"Tigilan mo ako Park Jimin, baka di kita matantya" banta ko sa kanya tapos nilampasan sya, pero ang kutong lupa sumunod.

BINABASA MO ANG
Noona
FanfictionBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook