Noona -12-
"Kailan pa Oppa?" buntong-hininga agad ang isinagot sa akin ni Suga Oppa. Kakadating ko lang mula Jeju, wala kasi sila Unnie kaya dito muna ako sa kanila nangulit kaso may nangyari. Kasalukuyan kaming nasa salas ng dorm nila at kakatapos lang silang pagalitan ni Manager Oppa. Tinignan ko sya at halatang malungkot na malungkot sya. Kung ako rin naman nalulungkot kung magyayari sa akin yung nagyayari sa kanya ngayon.
"Two months" mahinang sagot nya. Nagulat ako sa sagot nya. Ibig sabihin dalawang buwan na nyang tinatago yun?
"Dalawang buwan na pala Oppa pero bakit di mo sinabi sa amin, sa akin. Makikinig naman ako sayo eh" sabi ko. Mas iniyuko nya yung ulo nya at nagsimulang paglaruan yung nga daliri nya.
"Sasabihin ko naman talaga eh, naghahanap lang ako ng tamang panahon" sagot nya. Naiinis talaga ako sa kanya ngayon pero alam kong wala akong karapatang kwestyunin yung mga desisyon nya.
"Oppa, hindi naman sa nakikielam ako sayo pero paano na ngayon yan? Yung fans nyo?"
"Maiintindihan naman siguro ng ARMY's yun" siguro may makakaintindi pero meron ding hindi at yun ang mahirap.
"Matanda ba sya sayo Oppa?" tumingin si Yoongi Oppa sa akin matapos kong itanong yun. Mayroon sa akin na umaasang sana mas matanda sya pero nawala rin ng tumango sya.
Noona
Isang Noona ang girlfriend ni Yoongi Oppa.
"Matanda sya ng dalawang taon Yoora" dagdag nya pa. Umiwas akong ng tingin. Ok lang sa akin na mag-girlfriend sila pero sana wag isang Noona. Hindi ako galit sa mga Noona, ayoko lang talagang nakakakita ng isang nasa relationship na mas matanda yung babae kesa sa lalaki. Ewan ko, basta ayoko ng ganun.
"Alam kong ayaw mo sa ganun pero mabait sya Yoora. Maaalalahanin, masarap magluto, palaging nakangiti at masayahin" biglang nagbago yung mukha ni Oppa nung magsimula syang idescribe yung mga characteristics ng girlfriend nya.
Kaya pala palagi syang wala sa dorm nila tuwing wala silang schedule at parang blooming sya the past few days. May inspirasyon na pala sya. Masaya ako para sa kanya dahil nakahanap na sya ng mag-aalaga sa kanya pero natatakot rin sa mangyayari kapag nalaman ng Sasaeng fans nila kapag nagkataon. Iba na kasi talaga yung mga fans ngayon. Minsan ng nakatanggap ng death treath si Hyemi Unnie matapos yung MV na ginawa nila ni Yoongi Oppa kaya natatakot ako para kay Oppa at sa girlfriend nya.
"Galit ka ba sa akin Yoora?" umiling ako. Bakit ako magagalit sa kanya, wala naman syang ginagawang masama sa akin. Bumuntong hininga ako saka humarap sa kabya at ngumiti ng pilit.
"Wag ka sanang magagalit sa akin Oppa, alam kong alam mo na ayaw ko sa isang Noona-Dongsaeng relationship kaya pagpasensyahan mo muna ako kung hundi ko pa matatangagap yung relasyon nyo ngayon pero inirerespeto ko kayo. At sana Oppa" tumigil ako at hinawakan yung kamay nya saka mahinang punisil.
"Tama yung desisyon mo" dagdag ko saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto nya. Sorry Yoongi Oppa pero soon matatangap ko rin kayo.
"Totoo?" tanong sa akin ni Jera Unnie habang naglalakad ako papasok ng dorm namin. Tumango naman ako bilang sagot. Ako lang kasi yung nasa loob ng dorm nila Oppa nung pumasok si Manager Oppa at pagalitan ang Bangtan lalo na si Yoongi Oppa. Nagulat sila kasi kasabay lang nilang dumating si Manager Oppa ng Bangtan kanina.
"Yoora" sa tono pa lang ng boses ni Hyemi Unnie, alam ko na yung sasabihin nya kaya sumagot na agad ako. "Gwenchana"
"Yoora alam kong may rason ka kung bakit ayaw mo sa mga ganon pero sana--"
"Susubukan ko Unnie. Para kay Yoongi Oppa susubukan ko" Oo may rason ako kung bakit ayoko sa mag relasyon na mas matanda ang babae kesa sa lalaki. Pero para kay Yoongi Oppa susubukan ko, susubukan kong tanggapin ang ganon.
Lumapit sa akin si Hyemi Unnie at niayakap ako. "Nagmamature na ang maknae namin"
Isa-isa silang lumapit sa amin at nakiyakap rin. Sana maging maayos ang lahat.
Bangtan Sonyeondan's Rapper Min YoonGi also known as Suga spotted in Namsan tower together with a girl. Could that be his girlfriend?
-AllKpop
Laganap sa social Media ang picture ni Yoongi Oppa kasama yung girlfriend nya. Halos magiba nga ni Manager Oppa yung dorm nila Jungkook nung malaman nya ang totoo. Sinubukan nya ring pigilan ang pagkalat ng lictures pero napakabilis talaga ng mga netizens.
Dapat may guesting sila sa Arirang ngayon pero pinacancel dahil sa issue.
"Sinabi ko na yan kay hyung eh" kumunot ang noo ko ng sabihin yon ni Jimin.
"Alam mo?" tanong ko. Humarap sya akin at tumango.
"Nakita ko sila isang beses sa Han River. Tinanong ko si hyung tungkol dun pero tinanggi nya."
"Kelan mo sila nakita?"
"Nung February pa" posible kayang mas matagal pa yung relasyon nila sa dalawang buwan?
"February? Ibig sabihin--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung tumango si Jimin.
"5 months na sila. Ilang beses kong kina-usap si hyung na sabihin na nya hangga't maaga pa para walang problema kaso matigas ang ulo, ayun Manager Hyung pa ang nakakita sa kanila" bakit kailangan pa nyang magsinungaling sa amin?
***
"Annyeong Park Soo Min imnida" hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin kanina pa nakabulagta tong babaeng nasa harapan ko.
Isa-isa syang nilapitan ng Bangtan at binati. Matamis na ngiti naman ang isinagot nya, mukha naman syang mabait pero ewan ko kung anong meron sa kanya at ah basta!
"Noona ikaw na" sabi sa akin ni JungKook at niyayaya akong lapitan yung girlfriend ni Yoongi Oppa. Tinignan ko sya at ako lang ba o nagulat sya.
"It's nice to meet you, My name is Yoora" walang ganang pakilala ko in English. Ganun talaga ako kapag naiinis, napapa-english ng de oras.
"Seems like you were not really please to meet her Yoora" singit ni Namjoon Oppa kaya tinignan ko sya ng masama.
"Nah it's okay. Baka hindi lang sya sanay na may ibang tao dito sa dorm nyo" singit naman nung babae. Nakita ko kung paano hawakan ni Yoongi Oppa ang mga kamay nya kaya kahit nararamdaman kong naiinis ako sa kanya ay pinigilan ko ang sarili ko.
"Yoora" tawag sa akin ni Yoongi Oppa tapos pinigilan naman sya nung girlfriend nya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumunta sa kusina ng dorm nila.
Naabutan ko si Hoseok Oppa na naka-upo at parang malalim ang iniisip.
"Oppa!" tawag ko sa kanya. Muntik pa syang mahulog mula sa pagkaka-upo dahil sa pagtawag ko.
"Ay palaka! Ano ba Yoora! Bakit ka nasigaw?" inis na tanong nya habang naayos ng upo. Pumunta ako sa ref nila at kumuha ng tubig.
Kinagabihan ay nagluto yung girlfirend ni Yoongi Oppa kaya niyaya nila kaming kumain sa dorm nila kaso kakapayag lang na pwedeng umuwi ngayon si Hyemi at Jera Unnie tapos nakipagkita naman si EunSoo Unnie sa Boyfriend kaya ako lang ang tao dorm namin.
"Do you know her?" tanong sa akin ni Namjoon Oppa habang nakain kami, or should I say sila lang. Pinaglalaruan ko lang kasi yung pagkain sa harapan ko.
"I think I met her somewhere" sagot ko. Nakita ko yang babae na yan dati eh, di ko lang matandaan kung saan.
"Myeongdong" sabi ni NamJoon Oppa kaya nanlaki ang mga mata ko. "Choi Joo Hyun" dagdag nya pa at napatayo na rin ako sa kina-uupuan ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin.
No. Hindi pwedeng pati si Yoongi Oppa din.
---------------------------
Sa tingin ko mahaba tong story na to.. Ang dami ko pang naiisip na scenes eh. Bukod sa mga conflict at kilig scenes XD
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Noona
FanficBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook