Noona -6-

4.6K 271 50
                                    

 Noona -6-

Madilim na nung natapos kami. Nakakapagod pero masaya kasi ang daming kwento at jokes ni JB.

Bago ako tuluyang umuwi ay dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng mga gamit at pagkain. Tiyak magagalit na naman si Manager Unnie kapag nalaman at nakita nyang bumili ako ng chocolate at junkfoods pero magaling ata akong magtago.

Kumuha ako ng mga kailangan ko saka nagbayad sa counter. May nauna sa akin kaya pumila ako. Habang nahihintay ay inilibot ko yung tingin ko sa mga tinitinda dito hanggang sa mapansin ko yung wax na ginagamit ni Jungkook. Lumapit ako dun at tinignan kung magkano, kaya pa ng pera ako kaya kumuha ako ng isa. Ibibigay ko na lang sa kanya bukas.

Pagdating ko sa dorm ay walang tao. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko yung sticky note na nakadikit sa may ref.

Yoora-sshi,

Pinatawag kami ni PD-nim. Baka gabi na kami maka-uwi. Nagluto na ako dyan iinit mo na lang.

-Hyemi Unnie

Kaya pala wala sila, inayos ko yung mga binili ako tsaka ako pumasok sa kwarto ko para itago naman yung mga chocolates at junkfoods na binili ko.

Pagkatapos nun ay ininit ko yung niluto ni Unnie saka kumain. Tapos naglinis ng katawan bago humiga.

"Oppa si Jungkook?" tanong ko kay Hoseok Oppa na kasalukuyang nakikipaglaro kay Namjoon Oppa sa XBOX. Hindi nya ako pinansin kasi matatalo na sya ni Namjoon Oppa.

"Oppa!" sigaw ko pero wala pa rin. Naglakad ako papuntang kusina at naabutan ko si Seokjin Oppa na nagtsatsaa.

"Oppa si Jungkook?" tanong ko. Dala ko kasi yung wax na binili ko noong isang araw para sa kanya. May schedule kami kahapon kaya hindi ko naibigay. Tinuro nya yung pinto sa gilid nya.

Paglabas ko, nakita akong naghihiwalay ng puting damit sa dekolor si Jungkook. Nakakalula dahil ang daming damit, yung totoo ilang linggo syang di naglaba?

"Ang dami naman ata nyan?" tanong ko sa kanya. Nagulat pa sya nung nagsalita ako. Binitawan nya yung T-shirt na hawak nya bago humarap sa akin.

"Naipon Noona eh" nahihiyang sabi nya. Wala naman akong gagawin kaya tutulungan ko na lang sya.

"Wait!" sabi ko sabay takbo palabas ng dorm nila at papunta sa dorm namin. Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ko yung isang mahalagang bagay para sa akin sa tuwing naglalaba ako. Cellphone ko..

Bumalik ako sa dorm nila at pinuntahan sya.

"Anong kinuha mo Noona?" tanong nya. Humanap naman ako ng pwedeng lagyan ng cellphone ko kung saan di sya mababasa or mahuhulog.

"Cellphone ko" sagot ko. Nakakita ako ng pwedeng pwesto tapoa nilagay ko yung cellphone ko dun. Binuksan ko yung music at pinindot yung shuffle all at volumes up.

"Anong gagawin natin sa cellphone mo?" tanong nya ulit. Kinuha ko yung nga dekolor at inilagay ko na sa washing machine yung mga puti.

"Syempre mas masaya maglaba kapag may music" sagot ko.

Now Playing: Coffee by BTS

Nakita kong napangiti sya nung marinig nya yung unang kanta. Wala eh, fan ako ng BTS at Jungkook bias po.. Bias na bias po ako kaya nagagalit sa akin si Taehyung.

Ako taga sabon sya taga banlaw. Yun yung napagkasunduan naming gagawin para fair.

Kasalukuyan akong nagsasabon ng magpalit yung tugtog. Kakatapos lang ng Eyes,Nose, Lips ni Taeyang Oppa.

"Noona EXO-L ka rin?" biglang tanong nya. Tumugtog kasi yung Overdose ng EXO. Tumango ako.

"Pangatlong grupo na ini-stan ko" sagot ko sa kanya. Una kasi C.N. Blue tapos SHINee tapos EXO tapos BTS. Pero ang ulitimate gruop ko ay BTS.

"Talaga? Sinong bias mo?" tanong bya ulit. Nginitian ko sya.

"Hulaan mo" sabi ko sa kanya. Agad naman syang nag-isip.

"Baekhyun hyung?" hula nya. Umiling ako.

"Suho Hyung!" hula nya ulit. Umiling ulit ako.

" Lay Hyung! Last na!" halos nasabi na nya lahat ng members ng EXO pero hindi nya nasabi yung pangalan ng bias ko. Tinawan ko sya.

"Ganun ba sya kaliit para di mo mapansin" natatawang sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.

"Sino ba?" pagsukong tanong nya.

"Sino bang gusto mo sa EXO?" tanong ko sa kanya. Napa-isip naman sya.

"Si D.O Hyung" sagot nya. Winisikan ko sya ng tubig.

"Wag kang gaya-gaya ng bias!" ani ko. Gumanti rin sya sa pagwisik ng tubig kaya basa na kami pareho.

"Di nga bias mo si D.O Hyung?" parang di sya naniniwala na bias ko si D.O oppa. Ang cute-cute nya kaya tapos yung boses nakakalaglag panty. Sorna..

"Oo nga!" sagot ko sabay abot nung huling t-shirt na sinabon ko.

"Pero sinong mas gusto mo si D.O hyung o ako?" biglang tanong nya. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"Syempre si ....." hindi ko talaga tinapos yung sasabihin ko kasi gusto ko syang asarin. Nakatingin lang sya sa akin at hinihintay yung sagot ko.

"Si?" napatawa ako. Naiinip na sya hahaha. Evil Yoora FTW!!

"Secret!!" sigaw ko sabay takbo papasok sa loob ng dorm nila. Isinarado ko yung pinto para hindi sya makasunod. Tawa ako ng tawa sa loob ng may magsalita.

"Ang saya mo ata" napatigil ako sa pagtawa nung marinig ko yung boses ni Pandak. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Lampake" sabi ko. Babalik na sana ako ng dorm namin ng maalala ko yung cellphone ko.

Bumalik ako at nakasalubong ko nakangisi na naman si Pandak pero dinaanan ko lang sya.

"Noona sino!" tanong nya ulit. Nagsasampay na sya. Kinuha ko yung cellphone ko bago sumagot.

"Ikaw!" sagot ko bago tuluyang bumalik sa dorm.

Pagdating ko sa loob ay nanonood sila at kumakain ng pizza. Kumuha ako ng isa at umupo sa gitna ni Hyemi at Jera Unnie.

"Yoora, kakatawag lang ng Mama mo. Tinatawagan ka daw nya pero di ka nasagot" sabi ni Jera Unnie. Binuksan ko uung cellphone ko at may 8 misses call galing kay Mama. Tinext ko na lang sya kung bakit sya natawag.

"San ka ba nanggaling?" singit ni Eunsoo Unnie. Tumingin ako sa kanya bago sumagot.

"Sa kabila po, tinulungan kong maglaba si Jungkook eh. Naipon na kasi yung labahan nya" sagot ko. Kumuha ulit ako ng pizza at umayos ng upo.

"Pati underwear?" napalayo naman ako kay Hyemi Unnie nung sumigaw sya. Lakas talaga ng boses ng babaeng to, kala mo laging nakamegaphone eh.

"Unnie! Sa tingin mo ba lalabhan ko yun? Kung ano-anong iniisip mo eh!" tanungin daw ba kung kasama underwear? Malamang hindi! Puri T-shirt nga yung sinabon ko kanina eh.

"Kala ko pati underwear eh" nakatikim sya ng batok mula kay Eunsoo Unnie. Kahit kasi si Hyemi Unnie yung leader namin, mas matanda pa rin si Eunsoo Unnie sa kanya. Ayun sinermunan sya.

"Nagtext si Manager Unnie. May guesting daw tayo sa makalawa" sabi ni Jera Unnie bago tumayo at pumasok sa kwarto nya.

----------------------

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon