Noona -31-
Napayakap ako sa sarili ko ng makalabas ako ng van na naghatid sa akin pauwi ng dorm namin. Sobrang lamig ng hangin ngayon sa Seoul pero kahit ganon ay sunod-sunod ang mga gawain namin, practice para sa sa nalalapit na Dream Concert then twice a week practice ulit para naman sa comeback namin. Sumabay pa yung pagMMC ko at ilang photoshoots na nagiimbita sa amin. Halos hindi na kami magkakitaan sa dorm dahil maski sila Unnie ay may kanya-kanyang gawain lalo na si Jera Unnie na magdedebut na sa big screen ngayon.
Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko kaya inilabas ko iyon mula sa bulsa ng coat na suot ko habang patuloy pa ring naglalakad papasok ng dorm namin.
From: Jae Bum-ah
안녕!!! ❤❤❤Nagmessage sa Line ko si JB, napangiti naman ako dahil kahit busy din sya ay naaalala nya pa rin ako. Pinindot ko yung reply button at nagreply sa kanya. Ibinalik ko yung cellphone ko sa bulsa ng coat ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Nung paakyat na ako sa hagdan ay may nakita akong isang babae na madaming dala at muntikan ng mahulog ang nga iyon. Dali-dali akong umakyat para maabutan sya at ng matulungan.
Kinuha ko yung iba nyang dala para naman gumaan yung bitbitin nya.
"Yoora-sshi" napahinto ako nung marinig ko yung pamilyar na boses na iyon. Ilang buwan na rin simula nung huli ko syang makita at marinig ang boses nya. Inangat ko yung tingin ko at isang matamis na ngiti ang isinalubong nya sa akin.
"Sungmo" nakangiting tawag ko sa kanya kaya mas ngumiti din sya at nakita ko na naman ang eye smile nya. Medyo may edad na si Sungmo pero gustong-gusto ko ang eyesmile nya.
"Lalo kang naganda Yoora, pero pumayat ka ata ng konti. Nakain ka ba ng nasa oras ha?" Puna nya sa akin habang tinitignan ako, namiss ko tuloy lalo si Sungmo dahil sa mga sinasabi nya.
"Wag kang magpapalipas ng gutom, alam kong mahirap maging Idol dahil madaming ginagawa pero wag mong kakalimutan ang kumain ng tama at nasa oras" dagdag nya pa at nagsimula na kaming muling umakyat sa hagdan. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Ganyan talaga si Sungmo, palaging nagpapa-alala sa tuwing may napapansin syang kakaiba sa amin.
"Tumawag sa akin si Seokjin noong isang araw at sinabi nyang may sakit si Jungkook, hindi ako agad nakaluwas dahil marami pa akong inaasikaso" kwento nya sa akin. Kaya pala nandito si Sungmo dahil may sakit si Jungkook, siguro sobra ang pag-aalala nya para sa anak nya.
Nung makarating kami sa tapat ng dorm ng Bangtan ay agad kong inenter ang passcode nila at pumasok kami sa loob. Malinis at walang maingay dahil may kanya-kanya silang gawain maliban na lamang kay Jungkook na hanggang ngayon ay may sakit pa rin at kay Seokjin Oppa na nagbabantay kay Jungkook.
"Oppa" tawag ko habang naglalakad kami papuntang kusina nila Oppa. Narinig kong bumukas yung isang pinto at mga yabag. Maya-maya ay lumapit si Seokjin Oppa kay Sungmo at binati nya ito.
"Mabuti at nakarating po kayo Sungmo, konti lang po kasi yung kinakain ni Jungkook ngayon dahil hinahanap nya po yung luto nyo" sabi ni Oppa tapos tumango si Sungmo. Inilabas nya yung mga dala nya at tumulong naman kami ni Oppa sa ginagawa nya.
"Hyung!" Biglang may sumigaw kaya lahat kami ay napahinto sa ginagawa namin, si Sungmo na nagawa ng soup at kami ni Seokjin Oppa na naghihiwa ng mga gulay.
"Yoora pwede pakipuntahan muna si Jungkook?" Utos sa akin ni Seokjin Oppa kaya tumayo ako at nagpunta sa kwarto ni Jungkook.
Pagkabukas ko ng pinto ay madilim na kwarto ang sumalubong sa akin, dahan-dahan akong lunapit kay Jungkook at halatang hindi sya komportable sa nararamdaman nya.
Inilagay ko yung kamay ko sa noo nya at mataas pa rin ang lagnat nya. "Hyung gusto ko ng tubig" inayos ko muna yung kumot nya bago ako lumabas ng kwarto nya at kumuha ng isang basong tubig.
Pagkabalik ko ay nakaupo na si Jungkook pero nakapikit pa rin sya. "Jungkook" tawag ko sa kanya dahilan para imulat nya ang mga mata nya. "Noona" tawag nya akin, inabot ko yung baso ng tubig sa kanya at inalalayan syang uminom. Muli kong inilagay yung kamay ko sa noo at leeg nya para tignan kung mataas na pa rin ba yung lagnat nya.
"Magpahinga ka pa, nandyan na nga pala si Sungmo. Mamaya kumain ka ng madami ha" sabi ko sa kanya pero nakatingin lang sya sa akin. Inilapag ko yung baso sa night table nya at inayos yung kumot nya para mas mainitan sya.
Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko "Noona" tawag nya ulit sa akin "Pwede mo ba akong kantahan?"
Umupo ako sa gilid ng kama nya at nagsimulang kumanta. Ilang linggo na rin simula nung huli kaming maging ganito. Parang yung dati lang, nung walang sobrang daming schedules, nung palagi pa kaming nagkakaroon ng oras magsaya at nung wala pang Eun-ah.
Ok lang naman sa akin na magkaroon ng relasyon sj Jungkook, tama si Manager Oppa na hindi namin mapipigilan sya na mahulog pero pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras para mangyari yon. Marami pang mangyayari kay Jungkook at sa Bangtan.
Rinig kong ang mahinang hilik ni Jungkook habang mahimbing syang natutulog, nakailang kanta rin ako bago sya tuluyang makatulog.
Hindi ko mapigilang hindi isipin nung mga panahong una ko syang nakita sa labas ng audition room namin noon. Ang laki na ng ipinagbago nya, mula sa simpleng bata na may mataas na pangarap noon, ngayon at nakamit na nya ang mga iyon. Mula sa simpleng totoy, isa na syang grown up man na ngayon tinitilian ng mga babae at hinahangan ng lahat dahil sa mga talento nya.
"Kung sakaling mahuhulog ka kay Eun-ah, sana wag mo syang hahayaang paiyakin ka" bulong ko.
Ilang minuto ko pang tinitigan ang mukha ni Jungkook bago magpasyang lumabas. Tatayo na sana ako ng higpitan nya ang pagkakakapit nya sa kamay ko.
"Kajima"
-------------
Sorry sa matagal na UD T_T
Anyways, thank you kay @doubleJi_kjn sa paggawa nya sa akin ng One Shot with Joshua Hong~~~ Thank you Saeng labyu talaga ❤❤❤❤❤. Pagawa rin kayo sa kanya, nagawa sya ng Seventeen at BTS One Shots ~~
Nice meeting you in Facebook rin pala hahah XXDCongratulations nga pala kay Boo Seungkwan at Kim Mingyu sa graduation nyo!! Wala bang papansit dyan?? Advance din kay Lee Seokmin para bukas..
Oi!oi! Malapit na B-Day ko!! Natanggap na po ako ng regalo XXD
Commets pleaseu!!!!
BINABASA MO ANG
Noona
FanfictionBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook