Noona -73-

2.6K 172 140
                                    

Noona -73-

From: 010*********
This day I will comeback and you'll be mine again.

"Yoora! Halika na! Malayo pa ang Busan kaya kailangan nating magmadali!" Rinig ko ang kanina pa pagsigaw ni Hyemi Unnie mula sa labas ng kwarto ko. Napatulala lang ako sa screen ng cellphone ko habang mabilis na natibok ang puso ko. Kagabi pa ako nakakatanggap ng mga message galing sa isang unregistered number at maka-ilang beses na rin nya akong tinawagan.

Gusto kong sabihin kila Unnie lalo na kay Jungkook pero natatakot baka madamay sila.

From: 010*********
Get up from that bed and be ready to see me again.

Nanginginig ako napatayo mula sa kama ko at naihagis ko yung cellphone ko ng mabasa ko ang bagong message nya. Sino ba kasi ang nagpapadala ng mga messages na iyan?

"Noona"

"Ahhh!" Sigaw ko ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Nakita ko si Jungkook na nagtatakang nakatingin sa akin dahil sa biglaang pagsigaw ko. Umupo ako ulit sa kama ko at pinilit kumalma.

"Gwenchanyo?" Tanong nya at umupo sa tabi ko, napakayap naman ako sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko. Niyakap naman nya ako pabalik kaya medyo kumalma naman ako.

"Gwenchana Noona?" Ulit na tanong nya sa akin, hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na natatakot ako kaya tumango ako.

"Akala ko may ipis" inalis ko yung pagkakayakap nya sa akin dahil baka makita kami nila Unnie, hindi naman sa hindi ko gusto sabihin sa kanila, naghahanap lang ako ng tamang panahon.

"Jinjja? Eodi?" Sabi ni Jungkook at nagtingin-tingin sa paligid para mahanap yung ipis na sinasabi ko, lumuhod sya para tignan ang ilalim ng kama ko pero wala syang nakitang ipis, pwera sa cellphone ko na napunta pala doon.

Nung makita kong hawak nya ang cellphone ko ay agad ko iyong inagaw sa kanya at itinago sa loob ng coat na suot ko.

"Waeyo?" Takang tanong nya, umiling naman ako.

"Baka malowbat mo, mahaba pa naman yung biyahe namin" palusot ko sabay kuha ng bag na dadalhin ko at isunot iyon.

Ramdam ko ang mga tingin nya sa akin habang inaayos ko ang sarili ko, maya-maya ay lumapit sya sa akin at kinapa ang leeg at noo ko.

"Ok ka lang ba talaga Noona? Gusto mo tawagan ko si Hyung para ipacancel yung MV shoot nyo, mukhang may sakit ka. Namumutla ka oh" sabi nya sa akin, umiling ako at hinawakan ang kamay nya sabay ngiti.

"Gwenchanayo, Ok lang talaga si Noona baka dahil pagod lang ako" sabi ko sa kanya, wala pa kaming isang araw na magkarelasyon nagsisinungaling na agad ako sa kanya.

Tinignan nya akong mabuti at maya-maya at ngumiti din sya sa akin at pinisil ang kamay ko, kasabay ng pagngiti nya ang pagvibrate ng cellphone ko sa loob ng coat ko kaya napabitiw ako sa kanya.

"Kaja, baka pagalitan na ako nila Unnie" yaya ko sa kanya, tumango naman sya at sabay kaming lumabas ng kwarto ko.

Tahimik lang ako sa biyahe namin papuntang Busan, nagshoot sila Unnie ng isa sa mga Behind the Scenes ng MV namin kaya pinilit kong ngumiti kahit papaano sa camera. Maka-ilang beses na nagvibrate ang cellphone ko pero hindi ko pinapansin. Ayoko ng basahin ang mga messages nya kung yun lang ang magiging dahilan para hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko.

"Yoora, kanina pa nagvivibrate yang cellphone mo. Hindi mo ba sasagutin?" Biglang sabi sa akin ni EunSoo Unnie kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah neh neh sasagutin ko na po" sabi ko para hindi sila maghinala. Dahan-dahan kong inilabas yung cellphone ko mula sa coat ko at nagdadasal akong sana si Jungkook lang to o isa sa mga kakilala ko.

Jungkooooookie ❤❤❤❤  Calling...

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si Jungkook ang natawag. Inislide ko yung accept button.

"Jungkook?" Panimula ko.

[Dapat pala Jungkook ang pangalan ko para sagutin mo ang mga tawag ko?] Napalunok ako at kinakabahang tumingin kila Unnie ng hindi boses ni Jungkook ang marinig ko sa kabilang linya. Pamilyar ang boses nya pero hindi ko matandaan kung sino.

Napalingon si Jera Unnie sa akin at tinanong kung si Jungkook yung natawag. [Sabihin mo oo, si Jungkook yung natawag] ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at parang gusto ko ng maiyak. Tumango ako kay Unnie at bumalik na sya sa pagsama kila Hyemi Unnie sa pagkuha ng video.

"Nuguya?" Tanong ko sa kanya, dapat hindi nya maramdaman at kung nakikita man nya ako na natatakot ako sa kanya. 

Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya [Nakalimutan mo na agad ako, Yoora?]Balik na tanong nya sa akin.

"Dapat ba hindi kita makalimutan?"

[Oo naman Yoora, hinding-hindi] sagot nya. [Ibababa ko na arraseo?]

"Bakit nasayo ang cellphone ni Jungkook?" Tanong ko, bakit pangalan ni Jungkook ang nasa screen kung sya naman pala ang natawag.

Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya [Masyado ka namang maaalahahanin Yoora, wag kang mag-alala wala sa akin ang cellphone ni Jungkook.] Mabuti naman at hindi nya dinadamay si Jungkook dito.

[Pero hinack ko ang cellphone mo] dagdag nya pa. Napalunok ako dahil sa sinabi nya, ibiga sabihin may control na sya sa lahat ng accounts ko dahil hinack nya ang cellphone ko.

[Wag na wag mong susubukang magpalit ng cellphone dahil kahit ilang beses kang magpalit ay mahahack at mahahack ko iyan, huwag mo na ring subukang magsumbong sa mga pulis. Hindi mo alam kung anong kaya ko Yoora] banta nya sya akin.

[Bakit ganon? Halata sayo na takot na takot ka pero ang ganda-ganda mo pa rin?]  Napalingon ako sa loob ng sinasakyan naming van. Wala naman ibang tao dito bukod sa driver namin, si Manager Unnie at sa mga kamiyembro ko.

[Wag mo ng hanapin kung nasaan ako, mamaya magkikita tayo. Bye Yoora] namatay na yung tawag matapos iyon. Nanginginig ako ng ibaba ko yung cellphone ko at napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi pa nagtatagal na maayos ang mga bagay sa amin, magsisimula na naman ang bagong problema?

***
Pagdating namin sa Busan at ready na ang set ng kung saan kami magshoshoot ng MV. Habang inaayusan kami ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Parang may mga mata na kanina pa kami tinitignan lalo na ako.

Buong oras ng pagshoshoot namin ay pinipilit kong magfocus, makailang beses din akong nagkamali sa mga steps at binigyan ako ng oras ng director na magpahinga muna.

Naglakad-lakad muna ako saglit sa set ng MV namin. Gusto kong kumalma yung isip ko. Kanina pa nagpapa-ulit sa isip ko yung mga sinabi nung tumawag sa akin.

Napangiti ako ng may makita ako isang magandang bulaklak sa gilid. Nilapitan ko iyon at ng kukunin ko sana ng may kumuha na non para sa akin. Pag-angat ko ng tingin ko ay nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis na naman ng tibok ng puso ko ng makita ko kung sino yung nag-aabot sa akin ng bulaklak.

Ngumisi sya sa akin "Paborito mo pa rin itong bulaklak na ito Yoora?" Tanong nya. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya pero napako ang mga paa ko.

Naglakad sya papalapit sa akin at inilagay ang bulaklak na iyon sa tenga ko. "Seungho" tawag ko sa kanya dahilan para mapangiti sya.

---------
7 Lame chapters to go.

Mamaya na lang ulit yung UD ok?

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon