Noona -78-

2.4K 175 201
                                    

Noona -78-

'Empress fans outrages as some rude Harmony Fans throw things at Empress comeback stage at M Countdown'
-AllKpop

'Harmony's former member Han Eun-ah was seen being admitted at a Mental Institution in Seoul"
-Koreaboo

Dahil sa nangyaring pambabato, banned ang mga Fans ng Harmony sa ibat-ibang music shows ngayon habang nagpopromote ang Harmony, maski kami ay hindi makapagpromote ng maayos dahil sa kanila pero natutuwa pa rin kami na maganda naman ang sales ng album namin kahit na ganon ang nangyari. Sabog din ang notifications ko dahil sa iba't-ibang mensahe galing sa mga fans namin tungkol sa pamamato ng naganap at sa mga fans ni Eun-ah na ako ang sinisisi dahil sa pagpasok ni Eun-ah sa mental institution.

Gabi na kami naka-uwi ni Taehyung kagabi at napag-alaman kong hinihintay ako ni Jungkook pero umalis ulit sya. Sabi ni Yoongi Oppa, nagpaalam daw na hahanapin ako pero hindi na nila macontact.

'Yesterday Harmony's former member Han Eun-ah was seen at a Mental Institution ---' namatay ang TV bago pa matapos ang balita na iyon. Tumabi sa akin si Jera Unnie at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Tumingin ako sa kanya at nakita kong naiiyak na sya.

"Ang bait bait mong tao pero bakit nararanasan mo ang mga bagay na ito?" Biglang tanong nya, hinawi nya yung nakakalat na buhok ko sa mukha ko at inipit iyon sa tenga ko.

"Hindi mo deserve lahat ng nararanasan mo ngayon, kung pwedeng ako na lang sana ang nasasaktan ngayon para hindi kita nakikitang umiiyak." Dagdag nya pa at pinunasan nya ang luha na tumulo sa mga mata ko. Akala ko magiging kasing tapang ako ni Unnie, pero mahina pa rin ako.

"You're the best dongsaeng ever, ang swerte ng mga Oppa mo, ni Jared at ng magiging pamilya mo sa future dahil mayroon silang Choi Yoora na hindi nabitiw sa kahit anong pagsubok na dumadating sa kanya"

"Unnie, waegure?" Nakakapanibago naman si Unnie, bigla na lang magsasalita ng ganito.

"I just want you to know that I'm here for you. Kahit anong mangyari nandito si Unnie para sayo at sana wag kang bibitiw. OT4 tayo forever"niyakap ako ng mahigpit ni Unnie.

"Neh Unnie, OT4 forever" sabi ko sa kanya. I will be a Empress member until the end.

***
Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero nagpasya akong pumunta sa lugar na ito. Hindi ito ang unang beses na nakarating ako sa ganitong lugar pero habang nabagal ang takbo ng sasakyan na sinasakyan ko ay nakakaramdam ako ng takot.

Seoul Mental Health Center

Nagbayad ako kay Ahjusshi at bumaba na ng taxi. Sabi sa nabasa kong article tungkol sa pagadmit kay Eun-ah sa isang mental institution dito sya dinala. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko, darating ang araw na ito.

Nagsimula akong maglakad para pumasok, isang magandang babae ang sumalubong sa akin sa front desk. Ngumiti ako sa kanya "Dito po ba naadmit si Han Eun-ah?" Tanong ko, tinignan nya ako tapos tumango.

"Ne, yung dating member ng Harmony? Nung isang araw pa sya naiadmit dito" sagot nya. Tumango ako.

"Kaano-ano nyo po ba kayo?"

"Kaibigan ako ng Oppa nya, pwede ko bang malaman kung bakit sya naadmit dito?" Tanong ko, alam kong bawal ang itinatanong ko pero hindi naman masamang subukan.

"Depression, sobrang depress sya simula nung maalis sya sa grupo nila hanggang nung isang araw she tried to commit suicide buti na lang at napigilan sya ng boyfriend nyang si Jungkook" ramdam ko ang pagbara ng lalamunan ko dahil sa sinabi nya. Boyfriend? Jungkook?

"Gwenchana?" Napatingin ako sa kanya ng tininanong nya iyon. Lumilipad na naman ang utak ko.

"Pwede ko ba syang makita?" Tinignan nya yung isang malaking notebook at ibinalik ag tingin sa akin.

"Mianhe ma'am pero may bisita pa po sya ngayon" sabi nya tapos ipinakita sa akin yung nakapirma na bisita ni Han Eun-ah

Jeon Jungkook

"Ok lang, gusto ko lang makita kung ok na si Eun-ah. Pwede bang kahit yung sa malayo lang" tumango sya then sinamaha nya ako isang garden. Madaming mga mental patients ang naglalakad at nandodoon.

"Gusto ni Eun-ah ng sariwang hangin kaya palagi silang nandito nung namjachingu nya, ayun sila" sabi nya sabay turo sa isang bench sa di kalayuan. Naka-upo si Jungkook habang nasakandal sa balikat nya si Eun-ah.

"Simula ng naadmit dito si Eun-ah palaging nandito yang si Jungkook, hindi nya iniiwan si Eun-ah" nakita ko ang pagngiti ni Jungkook dahil sa pagpisil ni Eun-ah sa pisngi nya.

"Maiwan na kita dito, may gagawin pa po ako" paalam nya sa akin.

Inilabas ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Jungkook, nakita kong inilabas nya ang cellphone nya mula sa bulsa ng pantalon nya at tinignan ito pero hindi nya sinagot ang tawag ko.

Makailang beses ko syang tinawagan pero hindi nya ako sinagot, pinatay nya pa ang cellphone nya.

Maya-maya ay tumayo sya at pumitas ng bulaklak mula sa isang halaman malapit sa kanila at ibinigay iyon kay Eun-ah. Sunod kong naramdama ang pag-agos ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Inalis ko yung suot kong shades at pinunasan iyon.

Sana sinabi mo Jungkook, sana sinabi mo na ganito. Hindi pa tayo nagtatagal na magkarelasyon pero mukhang matatapos na agad. Hindi naman kita ipagdadamot sa kanya, sabihin mo lang. Napapagod na din ako, nakakapagod na din pala Jungkook. Nakakapagod ng humabol at magsakripsyo para sa isang tao na iba din ang hinahabol at nagsasakripisyo para sa iba.

Aalis na sana ako ng bigla akong ituro ni Eun-ah. Nanlaki ang mga mata ni Jungkook ng makita nya ako, nagtama ang mga paningin namin. Ibinalik ko yung suot kong shades saka naglakad paalis sa lugar na iyon.

"Noona!" Rinig kong tawag nya sa akin, tumakbo ako ng mabilis para hindi nya ako maabutan pero nakisabay naman ang mga mata ko dahil lumabo ang paningin ko kaya nadapa ako.

Agad akong tumayo pero nahawakan nya at agad niyakap. "Noona mianhe, magpapaliwanag ako" sabi nya sa akin pero umiling at inalis ang pagkakahawak nya sa akin. Muli nyang hinawakan ang braso ko dahil aalis na naman sana ako.

"Noona" tawag nya. Pinagsusuntok ko naman sya, naiinis ako sa kanya, sobra.

"Waegurae! Waegurae!" Tanong ko habang pinagsusuntok pa rin sya, hindi naman nya ako pinigilan. Hinayaan nya lang ako na pagsusuntukin sya.

"Napapagod na ako Jungkook, pagod na pagod na ako" iyak ko sa kanya.

"Mahal kita, gusto kitang ipaglaban pero paano ko gagawin kung ganito din naman tayo"

"Noona, ikaw ang mahal ko pero kailangan ako ni Eun-ah ngayon" sabi nya, pakiramdam ko unti-unti ng gumuguho ang mundo ko.

Maya-maya ay sunod sunod na flash ng camera ang nakita ko, parami na na rin ng parami ang dami ng tao kung nasaan kami at halos lahat ay may dalang camera.

'Kayo na ba ni Jungkook Yoora?'

'Anong ibig sabihin nito?'

'Kelan pa naging kayo ni Yoora Jungkook?"

'Oppa paano na si Eun-ah!'

Lahat sila gusto kaming lapitan at magtanong, halos masiksik kami dalawa sa dami ng tao.

"Totoo! Kami na ni Jungkook at mahal na mahal ko siya!" Sigaw ko out of frustration. Inamin ko, inamin kong kami na at hindi ako nagsisisi doon. Nagkaroon naman ng komisyon, lahat sila ay nagulat.

"Noona" tawag nya sa akin, maya-maya ay biglang nahawi yung mga tao at dumating yung mga nurse sa mental hospital.

"Mr. Jeon! Si Ms. Han po nagwawala na naman!" Sabi nito sa kanya, tumingin sya sa akin at hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit saka umiling. Wag mo na syang balikan Jungkook, wag.

"Babalik ako Noona, babalikan kita" sabi nya habang unti-unting dumudulas yung kamay nya sa pagkakahawak ko.

----
2 chaps to go. Hue hue

Mamaya na yung iba hehe XD

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon