Noona -54-
Hindi ko maiwasang hindi malungkot habang tinitignan ang litrato nyang iyon pero hindi ko din maiwasang hindi matakot habang nakikita ang mukha nyang seryoso. Huminto ang taxing sinasakyan ko sa tapat ng isang lugar na minsan ko lang puntahan at hindi ko inaasahan na makikita ko sya sa lugar na to.
"Yoora!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, nakita ko ang isang lalaking may magandang mga ngiti na natakbo papalapit sa akin. Huminto sya sa tapat ko mula sa likuran nya ay inilabas nya ang isang rosas sabay abot sa akin. Kumunot ang noo ko dahil doon, bakit nya ako binibigyan ng rosas? Una, hindi ko sya kilala at pangalawa bago lang ako sa lugar na ito.
Nung mapansin nya na yung rosas yung inaabot nya sa akin ay agad nya itong binawi at inilabas naman ang isang notebook mula din sa likuran nya.
"Mian, notebook mo nga pala naiwan mo sa bench kanina" dahan-dahan akong lumapit sa kanya para kunin ang notebook at saka nagpasalamat at nagpaalam na rin ako dahil may sunod pa akong klase. Naka-ilang bow na ako sa kanya bago ako tuluyang tumalikod para bumalik na sa room pero hindi pa ako nakaka-ilang hakbang ay muli nya akong tinawag muling inabot sa akin yung rosas na hawak nya.
"Ah para sayo talaga yan" sabi nya sa akin, kahit nag-aalangan at nagtataka ay kinuha ko yung rosas. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng rosas at galing pa sa taong hindi ko kilala. Muli akong nagpasalamat sa kanya pero mukhang wala syang balak iwanan ako.
"Ako nga pala si Seungho" biglang pakilala nya habang sumasabay sa akin na maglakad sa gitna ng field.
"Neh, Yoora imnida. Manaso bangawoyo Seungho Oppa" pakilala ko rin sa kanya kahit na alam kong alam nya na ang pangalan ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko sya kilala.
"Oppa?" Parang nabigla sya ng tawagin ko syang Oppa pero mukhang masaya pa rin sya. Sa tingin ko kasi mas matanda sya sa akin, kaya tinawag ko syang Oppa.
"Wae? Mas matanda ba ako sayo?" Tanong ko sa kanya, baka mamaya mas matanda pala ako sa kanya tapos ako tong nagtawag ng Oppa sa kanya.
"Ani, mas matanda ako sayo ng dalawang taon" sagot nya, tumango ako. Mabuti ng maliwanag.
Ng marating ko na yung building kung saan yung room ko ay muli akong nagpaalam sa kanya. At habang tinitigan ko yung rosas na ibinigay nya sa akin at hindi ko maiwasan na hindi ngumiti. Alam kong weird dahil hindi ko sya kilala pero masarap din pala sa pakiramdam na mabigyan ng ganitong bagay.
Habang naglalakad papalapit sa kanya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko, pakiramdam ko maiiyak ako dahil naaalala ko na naman ang mga bagay na iyon.
Kanina ko pa hinihintay si Seungho sa gitna ng field. Ang sabi nya ay may sasabihin daw sya akin na importante kaya kahit magtatalong oras na akong naghihintay ay ayos lang.
Tinignan ko yung cellphone ko at nakita kong kanina natawag sila Unnie dahil kailangan na naming magpractice ngayon. Tumayo ako mula sa kinauupua ko at nagsimula ng maglakad sa gitna ng field ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali akong tumakbo para makahanap ng masisilungan ng mapatigil ako dahil nakita ko si Seungho na nakatayo sa may isang tabi. Basang-basa na rin sya dahil sa lakas ng ulan. Pansin kong may kakaiba sa kanya pero binalewala ko iyon at lumapit sya kanya.
"Kanina pa kita hinihintay, saan ka ba nagpunta?" Tanong ko sa kanya, pero hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sa akin na para bang galit na galit sya sa akin.
Hinila ko ang kamay nya para maka-alis kami sa lugar na iyon dahil palakas na ng palakas ang ulan pero hindi sya nagpahila. Naramdaman kong hinawakan nya ng mahigpit ang pulso ko kaya pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya, mas hinigpitan nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya nasasaktan na ako.
"Seungho!" Tawag ko sa pangalan nya pero balewala iyon sa kanya.
"Sino ba yung Jungkook na yon ha? Bakit palagi mo syang kasama pauwi? Kayo ba ha?" Sunod-sunod na tanong nya sa akin habang nanlilisik ang mga mata nya. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya, ang mga mata nya, nakakatakot ang mga iyon.
Maya-maya ay hinila nya ako papalapit sa kanya at hinalikan ang leeg ko. Agad akong nagpumiglas sa kanya para makawala pero mas malakas sya sa akin. Sa sobrang likot ko ay natumba kaming dalawa dahilan para makapatong sya sa akin.
"Sa akin ka lang Yoora, sa akin." Bulong sa tenga ko habang hawak-hawak nya ang dalawa kong kamay. Pinunit nya ang blouse ko at doon muling hinalikan ang leeg ko. Pilit akong nagmamaka-awa sa kanya pero hindi nya ako pinakikinggan. Tinangka ko na ring sumigaw pero mukhang walang nakakarinig sa akin.
"Jebal, hajima" iyak ko sa kanya. Inangat nya ang ulo nya at itinapat ito sa akin, kita ko ang lust sa mga mata nya habang nakatitig sya ng mga mata ko.
"Shh" alo nya sa akin at inalis nya pa ang mga buhok na nakakalat sa mukha ko. "Oppa will be gentle" sabi nya sa akin, habang patuloy sya sa paghawi ng buhok ko ay samantala ko iyon para sipain sya. Nawala sya sa ibabaw ko dahil mamilipit sya sa sakit. Agad akong tumayo at tumakbo pero hindi para ako gaanong nakakalayo ay nahawakan nya na naman ako at kahit labag sa loob ko ay sinuntok ko sya.
Pagdating ko sa malapit sa gate ay nandodoon na si Seokjin at Namjoon Oppa, naghihingi ng permiso na pumasok sa loob para hanapin ako. Agad akong lumapit kay Namjoon Oppa at yumakap sa kanya.
Matapos ang pangyayaring iyon ay sinampahan sya ng kaso ng ni Appa pero hindi ko na pinatuloy, alam kong mabait syang tao.
"Yoora, saranghae! Seungho loves Yoora!" Habang nakatingin sa kanya habang nilalaro nya ang isang litrato, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Sya ng First love ko pero kagaya ni Oppa, naranasan nya ang mga bagay na ito.
Sabi nila ginamit ko lang si Seungho para makapasa ako sa SOPA, isa kasi sya sa mga achievers noon. Sabi pa nila pinaasa ko din sya at gustong-gustong ko hinahabol nya ako pero kahit kailan hindi ko ginawa iyon. Hindi ko sya ginamit at mas along hindi ko sya pinahabol-habol sa akin. Alam ko noon pa may may kakaiba na sa ugali nya, bipolar sya at sobrang childish. Kung anong gusto nya yun dapat ang masusunod at kapag hindi iyon mangyayari ay mamanakit sya, nasampal na nya ako isang beses dahil ayoko syang samahang mag-mall. Pero dahil walang gaanong pumapansin sa kanya sa SOPA dahil ganun nga ang ugali nya ay binalewala ko na iyon. At alam kong ako ang sinisisi nila kung bakit sya nagkaganito.
"Jeo gieokaseyo?" Tanong ko sa kanya habang patuloy sya sa paglalaro sa litratong iyon. Hindi nya ako pinansin pero maya-maya ay tumigil sya at nilingon ako. Tinitigan nya akong mabuti pagtapos ay umiling. *Do you remember me?
"Aniyo, wae? Dangsin-eun nugu-inga?" Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi nya. *No, Why? Who are you?*
"I'm Yoora"
Hindi na ako nagtagal sa lugar na iyon. Sapat na sa akin na makita si Seungho na maayos at naaalagaan sa lugar na iyon, yun nga lang nakakalungkot dahil sa isang Mental Institution ko na sya nakita matapos ang matagal na panahon.
-----------
Lame! Haha sorna!Finals po namin ngayon kaya ayun bangag! Hahaha 😁😁😁😁😁
BINABASA MO ANG
Noona
FanficBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook