Noona -76-

2.7K 174 150
                                        

Noona -76-

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Jungkook habang magkahawak kami ng kamay na naglalakad papasok sa isang mall. Bigla na lang nya akong hinila papalabas ng building namin at nagpunta kami dito.

"Basta Noona" sagot nya sa akin. Palingon-lingon ako sa paligid dahil baka may makakilala sa amin dito. Nakabeanie kaming dalawa tapos nakashades at naka mask pa. Pero hindi pa rin kami dapat maging kampante dahil kilalang-kilala si Jungkook dito sa Seoul.

Sumakay kami ng escalator para makapunta kami sa second floor ng mall. Dumiretso kami sa isang tindahan ng mobile phone at namili sya doon.

"Maganda ba features nito?" Tanong nya doon sa sales lady na nakabantay sa tindahan. Tumango naman ito at pinaliwanag naman sa kanya yung mga features ng mobile phone na pinili nya.

Humiwalay ako kay Jungkook at nagtingin-tingin din sa mga mobilr phone na nakadisplay doon. Matagal  a panahon na din ata yung nakalipas nung binili ko yung mobile phone na hinagis ni Taehyung. Naalala ko binili ko yun pagkakuha na pagkakuha ko ng pinakaunang sweldo ko bilang isang idol.

Ang dami kong nakitang bagong unit at iba iba pa ang size, may nakita akong isa kulay itim na cellphone na nagustuhan ko yung design. Tinawag ko yung isa pang sales lady at pinakuha sa kanya iyon at tinignan. Naramdaman kong tumabi sa akin si Jungkook, "Gusto mo yan?"

Napatingin ako sa kanya ng marinig ko yung tanong nya, kinuha nya yung mobile phone na hawak ko at tinignan ito. "Kapag bumili po kayo ng dalawa sa unit na iyan, bibigyan po namin kayo ng libre couple case kagaya po nito" may itinuro syang couple case na nakadisplay din sa tindahan na ito. Nakuha ng atensyon ko ang isang couple case doon, pareho ng nagtotoothbrush yung babae at lalaki.

Siniko ako ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya, wala akong  pera ngayon kaya hindi pa ako makakabili ng bagong mobile phone pero gusto kong maging phone case namin yung nakita ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Siniko ako ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya, wala akong  pera ngayon kaya hindi pa ako makakabili ng bagong mobile phone pero gusto kong maging phone case namin yung nakita ko.

Ibinalik ko doon sa sales lady yung mobile phone na tinignan ko pero kinuha ulit ito ni Jungkook. "Kukuha kami ng dalawa" sabi nya sa babae.

"Aniyo, wala akong --" hindi ako pinatapos ni Jungkook ng senyasan nya ako na wag maingay. Inihanda naman nung sales lady yung dalawang mobile phone na pinakuha nya at pinapili nya ako ng kulay. Kinuha ko yung kulay gold at ganon din ang kinuha nya. Inilabas nya yung wallet nya at inabot sa babae ang isang card.

"Babayaran ko na lang--" pinat nya ang ulo ko para matigil ako sa pagsasalita. "Wala kang babayaran Noona, bigay ko yan sayo" sabi nya tapos inabot naulit sa kanya yung card na binigay nya. Sinilip ko yung lagayan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung magkano yung presyo ng cellphone na kinuha nya.

"Yah!" Papagalitan ko sana sya dahil masyadong mahal yung kinuha nyang cellphone ng hawakan nya ang dalawang balikat ko at iharap ako doon sa mga phone cases.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon