Noona -62-

3K 197 142
                                    

Noona -62-

Nipublish ko ulit kasi nidagdagan ko XD

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin sya sa malayo. Kanina ko pa sya tinatanong kung totoo ba yung sinabi ng lalaki na nahuli kanina sa dorm ng Bangtan pero wala syang sagot na ibinibigay sa akin. Lahat na lang ng taong pinahahalagahan ko, tatraydurin ako? Ano bang ginawa ko sa kanilang masama para ganituhin nila ako? Una si Eun-ah, pangalawa si Jera Unnie at pangatlo si JaeBum.

Kung alam nyo lang kung anong nararamdam ko sa bawat araw na may nalalaman akong ganito, gagawin nyo pa rin kaya iyon? Ang sakit sakit na kasi, gusto ko ng bumitiw. Pumasok na rin sa isip ko ang magquit sa Empress dahil sa dami ng emosyon na nararamdaman ko araw-araw at patuloy pang nadadagdagan. Napapagod na rin ako, physically, emotionally at mentally.

"Geugeos-eun sasil ibnida?" Ulit ko sa tanong naa kanina ko pa tinatanong sa kanya. Tumingin sya sa akin at nagtama ang mga mata namin. *'Is it true?'

"Jaebum-ah!" Kagaya kanina ay wala pa rin syang sagot at nakatingin lang sya sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng mga sulok na mata ko, sumisikip na naman ang dibdib ko. Muli syang umiwas ng tingin sa akin at yumuko, napapikit ako at doon tumulo ang mga luha ko.

Ilang beses pa ba ako iiyak? Ilang beses pa ba ako dapat masaktan para matapos na to?

Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko, nagsimula akong maglakad palayo sa kanya. Mukhang wala akong makukuhang magandang sagot kaya mas mabuting umalis na lang ako.

"Paano kung sabihin ko sayong oo?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko matutumba ako. Naramdaman kong naglakad sya papalapit sa akin at huminto sya sa harapan ko.

"Dangsin-eun mueos eul hal geos?" Dagdag nya, napaangat ako ng tingin at muling nagtama ang mga mata namin. Bakit ganon, iba na rin ang emosyon sa mga mata nya. *'What would you do?'

"Wae?" Tanong ko. Parati kong tinatanong kung bakit pero wala akong nakukuhang sagot.

"Nan dangsin-eul joh-ahagi ttaemun-e"  sagot nya. Hahawakan nya sana ang kamay ko pero umiwas ako. *'Because I like you'

"Waeyo!" Hindi ako satisfied sa sagot nya, alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit nya ginawa iyon. Bahagya syang ngumiti at bumuntong hininga.

"Hindi mo pa rin ba nakukuha? Nan jiltu" 'I'm jealous'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi mo pa rin ba nakukuha? Nan jiltu" 'I'm jealous'

"Nuguya?" At kanino naman sya dapat magselos? 'With who'

"Jeon Jungkook" napa-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sagot nya.

"Kasabwat ka ba ni Eun-ah?" Nakita kong umiling sya.

"Ani, pero alam ko ang mga plano nya" nasampal ko sya dahil sa sinabi nya. All this time alam nya, pero bakit hindi nya sinabi. Kaya pala, sa akin sya kampi dahil alam nya ang totoo.

"Waegure!" Pinagsusuntok ko sya sa dibdib nya, bakit! Bakit kailangan mong gawin sa akin to! Hinakawan nya ang dalawa kong kamay para pigilan ako. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya ang mga salitang iyon. 'Why are you like that'

Napaupo ako dahil nahihirapan na ako, naramdaman ko namang niyakap nya ako.

"Mianhe, ginawa ko yun kasi gusto kita!" Tinulak ko sya papalayo sa akin. Bakit si Jera Unnie dinamay nyo pa?

"At sa tingin mo magugustuhan kita dahil sa ginawa mo? Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Baliw ba ako kung sasabihin kong oo? Oo, kasi malalaman mo na kung sinong kumuha sa kanta mo?"

"Ginamit nyo sya! Alam kong hindi nya magagawa sa akin yon ng walang dahilan!" Mabait si Jera Unnie, mabait sya.

"Nagpagamit sya kay Eun-ah, Yoora! Malas lang nya dahil may plano din akong iba at nadamay sya" gusto ko syang bugbugin pero hindi ko magawa, wala na akong lakas. Napapagod na ako.

"Ano pang plano ha! Ano pa!" Tanong ko sa kanya, sabihin na nya, para makapaghanda naman ako at di na ako masaktan.

"Nan dangsin-i gwangsan mandeul-eo julge" sagot nya, umiling ako. 'I'll make you mine'

"Hindi mo magagawa yon JB, hindi kahit kelan" tinalikuran ko na sya at nagsimula ng maglakad papalayo sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha na na nasa pisngi ko at pag-angat ko ng tingin ay naka-abang sa akin si Jungkook. Agad syang lumapit sa akin at hinila ako para maitago sa likuran nya.

"Hyung" tawag nya kay JB na sumunod pala sa akin.

"Hindi ka kasali dito Jeon"sabi naman ni JB, naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Jungkook sa kamay ko.

"Ayaw ni Noona sayo hyung"  ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Dahan-dahang umurong si Jungkook patalikod para magkaroon ng distansya kay JB.

"Bakit ikaw gusto ka ba nya?" Sarkastikong tanong ni JB sa kanya.

"Jungkook hajima"yaya ko sa kanya, hayaan nya na muna si JB.

"Molla, pero malinaw sa akin na ayaw nya sayo" sagot ni Jungkook tapos nagsimula na syang maglakad papalayo kat JB habang hawak-hawak nya ang kamay ko.

***
"Gwenchanayo?" Tanong sa akin ni Jungkook habang naghihintay kami ng bus na mag-uuwi sa amin sa dorm. Sinadya ko talaga si JB sa JYP Ent. para kumpirmahin yung mga nangyari kanina at hindi ko akalain na totoo pala lahat ng iyon.

Tumango ako kay Jungkook bilang sagot. Napayakap ako dahil sa lamig, nakita kong tinanggal ni Jungkook ang suot nyang jacket at inilagay iyon sa balikat ko.

"Ani, gwenchanayo" sabi ko sa kanya, may sout din naman akong jacket kaso malamig talaga yung panahon. Hindi nya ako pinakinggan, pinaharap nya pa ako sa kanya ay inayos yung jacket.

Inangat ko yung tingin ko at nakita ko nakatingin din sya sa akin, ilang segundo din kaming nagkatitigan. Umubo ako para maputol iyon, naanignag ko na papalapit na yung bus kaya umayos na ako.

Nung tumigil sa tapat namin yung bus ay pina-una nya akong sumakay at ako rin ang pumili kung saan kami uupo. Sa dulo yung pinili ko at ako sa may bintana samantalang sya ay umupo sa tabi ko.

Habang nagbibiyahe kami ay tumunog yung cellphone, nakita kong mag notification mula sa isang news website.

'After two weeks of being Hiatus, Harmony's Main Vocalist Han Eun-ah is back. Confirmed by JYP Ent.'

---
Bitin di ba? Hahahaha.
Chapter 63 will be posted later.

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon