Noona -19-

3.5K 209 67
                                    

 Noona -19-

Jin's POV

Kanina pa tahimik si Jungkook simula nung umalis si Yoora at bumalik sa dorm nila. Ewan ko kung anong nakita nya kanina sa loob ng kwarto ni Taehyung at biglang tumahimik.

"Kakainin mo pa ba yang karne mo?" tanong ni Hoseok kay Jungkook na pinaglalaruan lang yung pagkain na nasa harapan nya. Inangat ni Jungkook yung tingin at inusog yung plato kung saan nakalagay yung karne na parte nya.

Agad namang nag-agawan si Hoseok at Namjoon sa iabot ni Jungkook. Maya-maya ay inilapag nya yung hawak nyang chopsticks at saka tumayo.

Napatigil naman kaming lahat at napatingin sa kanya. "Matutulog na ako mga hyung" sabi nya. Awtomatiko akong napatingin sa orasan na nakalagay sa may gilid at nakita kong 7:00 pa lang kaya nagtaka ako.

Hindi oras ng tulog ni Jungkook ang alas siete at mas lalong hindi nya basta basta ibibigay ang karne na paborito nya.

"May sakit ba si Maknae?" tanong ni Jimin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong walang pumapansin sa kanya.

"Hoy akin yan Hyung!" angil ni Taehyung dahil kinuha ni Yoongi yung gulay na nasa plato nya.

Tinapos ko yung kinakain ko saka tumayo. "Taehyung ikaw ang maghuhugas ng pinggan" sabi ko kaya agad syang umangal.

"Si Jungkook dapat ngayon ha!" asik nya.

"Tulog na si Jungkook, kaya ikaw na ang maghugas" pagdating talaga sa huagasan palaging nagtuturuan tong mga to.

Pupuntahan ko sana si Jungkook para kausapin kaso alam kong hindi din yan mamamansin ngayon kaya sa susunod na lang.

Kinabukasan ay ganun pa rin ang aura ni Jungkook. May eyebags din sya at mukhang hindi nakatulog ng maayos.

"Bilisan mo nga dyan sa loob Hyung!"sigaw ni Jimin habang kinakatok si Hoseok na kanina pa nasa loob ng banyo.

"Saglit lang naman!" siga ni Hoseok mula sa loob ng banyo.

"Bilisan mo na hyung! Excited na akong pumunta sa lugar kung saan tayo magshoot ng MV!" singit naman ni Taehyung kaya lalong gumulo sa may C.R

"Hoy wag nga kayong maingay dyan! Baka magising yung mga kapit-bahay dahil sa ingay nyo!" isa-isang nilapitan ni NamJoon at pinangbabatukan.

"Ang ingay naman" dagdag ni Yoongi tapos humikab saka umupo sa upuan. Samantalang si Jungkook naman ay walang ganang umupo sa tapat ni Yoongi.

"Jungkook" tawag ko sa pangalan nya kaya tumingin sya sa akin.

"Bakit?" dagdag ko pero nanatili syang nakatingin sa akin. Halata namang may problema sya eh, tahimik sya masyado.

"Hoy! Umalis nga kayo dyan, ako ang mauuna!" tumayo si Yoongi at sumunod sa mga taong nagaagawan sa C.R.

"Kasi Hyung" panimula nya. Umupo ako para mas marinig sya dahil nagkakarambulan na sa C.R at hindi ko gaanong marinig si Jungkook.

"Nakita ko si Taehyung hyung na-"" nakikinig lang ako sa sinasabi nya.

"Nakita ko si Taehyung hyung na hinalikan si Noona kahapon. Sila na ba hyung?" tanong din nya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Nakita nya si Taehyung na hinalikan si Yoora?

Napatingin ako kay Taehyung na nakikipag-unahan sa pagpasok sa C.R kay Namjoon at Yoongi ngayon.

Taehyung, akala ko ba pinipigilan mo?

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon