Noona -22-

3.3K 194 17
                                    

Noona -22-

Naramdaman kong may naglagay ng malamig na bagay sa noo ko kaya nalimpungatan ako.

"Inilagay mo na?" tanong ni Eunsoo Unnie dun sa taong naglagay ng malamig na bagay sa noo ko. Sinubukan kong imulat yung isang mata ko para makita kung sino sya pero hindi ko maaninag dahil nakatalikod sya sa akin. "Neh, Eunsoo noona"

Nung naramdaman kong haharap na sya ay agad kong ipinikit yung mata ko.

"Pakisarado na lang yung pinto kung uuwi ka na sa inyo ha? Ewan ko ba dyan kay Yoora, ngayon pa nagkasakit. Jungkook ha" gusto kong bumangon ng marinig ko yung pangalan ni Jungkook, pero may pumipigil sa akin.

Narinig kong kinuha nya yung upuan sa gilid ng kama ko at umupo sya doon. Inayos nya yung malamig na bagay na nasa noo ko at hinawakan yung kamay ko.

"Mian Noona, alam kong dahil sa akin kaya ka nagkasakit. Jeongmal mianhe. Akala ko talaga hinalikan ka ni Hyung nung isang araw eh. Ewan ko pero nung nakita ko yun, parang sumakit yung dibdib ko Noona. Ano kaya yun, baka mamaya may sakit na ako sa puso, pero noon ko lang naman naramdaman yun eh. Baka pagod lang ako nun Noona, sorry talaga" sabi nya. Ramdam ko ang mainit na palad nya kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko.

Pagkagising ko nung sunod na araw ay may tumutusok sa pingsi ko. Nung maramdaman nyang nagising na ako ay humagikhik sya. "Ireona Noona!" sabi nya. Nagtaka naman ako dahil maliit yung boses na parang bata. Iminulat ko yung mata ko at nakita ko si Jared na naka-upo sa gilid ng kama ko at nakangiti, napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at nandoon naman si Joohyun Oppa at nakacross-arm.

"Oppa!" tawag ko sa kanya saka tumayo pero nakaramdam ako ng biglaang pagsakit ng ulo ko.
"Ayan, magpahinga ka muna kasi" sabi ni Oppa at tinulungan pa akong umupo ng maayos.

"Gwenchana Noona?" nag-aalalang tanong ni Jared sa akin. Pinat ko yung ulo nya at ginulo yung buhok nya. "Neh, gwenchana" sagot ko, ngumiti sya at tumayo saka nagtatalalon sa kama ko.

"Ang ganda dito sa Seoul Noona, ang tataas ng building tapos ang daming kotse, di ba Appa?" kwento ni Jared with matching actions pa.

"Umupo ka nga, baka malaglag ka" sabi ko naman sa kanya at pinatigil sya sa pagtata-talon nya.

Maya-maya ay may kumatok at bumukas yung pinto at sumilip si Hyemi Unnie. "Kain na tayo" sabi nya kaya agad na bumama ng kama ko si Jared at sumama kay Hyemi Unnie palabas. Tinulungan naman ako ni Oppa na makatayo para makapunta sa kusina namin.

Kumain kami, habang nakain ay biglang kumanta si Jared ng kanta namin kaya naman tuwang-tuwa sila Unnie sa kanya. "Yoora, iaudition mo na tong si Jared ang ganda ng boses eh" sabi sa akin ni Hyemi Unnie kaya tinuro ko si Joohyun Oppa pero tumawa lang sya. Nasa lahi din naman kasi namin ang pagiging performer. Simula kay Harabeoji hanggang kay Jared ay may talent pero ako lang sa amin ang nagpasyang maging Idol. Kahit si Joohyun at Yoojoon Oppa ay kayang maghit ng high notes, tsaka marunong magsketch si Yoojoon katulad ko.

"Appa gusto ko din maging Idol" bigla namang singit ni Jared kaya kinantyawan nila Unnie si Oppa tungkol doon. "Magtapos ka muna ng college" sagot naman ni Oppa pero napatawa ng malakas si Jera Unnie.

"Sana sinabi mo na lang na wag na syang maging Idol at mag-aral na lang sya, ilang taon na kaya si Jared kapag nakagraduate na ng University" sabi ni Jera Unnie. Nagsimula naman kaming lahat magbilang.

"Mga 23 na sya" sagot ni Eunsoo Unnie.

"Basta dapat makatapos muna sya ng College" singit ni Oppa. Napatawa na lang kami at nagpatuloy na kumain.

Pagkatapos ay naghanda na kami ng mga susuotin namin para sa magaganap na fansigning event namin sa Myeongdong mamaya. Mabuti at medyo maganda na yung pakiramdam ko at nakapunta sila Oppa ngayon.

"Noona ang ganda mo ngayon" sabi sa akin ni Jared habang inaayusan ako ng make-up artist namin. Pinat ko yung ulo nya ay ginulo yung buhok nya.

"Binobola ako ni Jared" sabi ko naman, agad syang umiling at nagpout.

"Ani, Noona neomu yeppo" muli akong napatawa ng matealize kong parang lyrics ata sa kanta yung sinabi nya, yung kanta nila Shinee sunbaenim na Replay.

"Oo na, naniniwala na si Noona sayo" pagtatapos ko sa usapan namin. Tumayo ako dahil tapos na akong ayusan at si Jared naman ang inasikaso ko. Matpps nun ay pumunta na kaming Myeondong

"Annyeonghaseyo Empress Imnida!"
Pagkatapos naming magsalita ay sumigaw ng sobrang lakas yung mga fans namin at mas otinaas nila yung mga banner na hawak nila. Sobrang daming tao at halos wala ng madaanan yung mga namimili dahil hanggang sa mga shops ay umabot yung mga fans namin.

"Hello! Empress Leader, Hyemi Imnida!" pakilala ni Hyemi Unnie tapos nasigawan yung mga fans nya na talagang nagsama-sama pa sa unahang parte ng stage.

"Annyeong! Jera here!" bati ni Jera at sabay sabay itinaas nunh mga fans nya yung mg banner nilang may pangalan ni Unnie.

Naglakad sa mga gitna si Eunsoo Unnie saka nagbow " Empress Rapper, Eunsoo imnida!" gaya ng kila Jera at Hyemi Unnie, ang dami ding sumigaw at nagtaas ng banner para kay Eunsoo Unnie.

Tumingin sila Unnie sa akin tapos nagchant yung mga fans namin. "Maknae! Maknae!"

Ngumiti ako bago magsalita. "Everybody make some noise!!" sigaw ko at sobrang lakas ng tilian nila. "Annyeonghaseyo Empress Main Dancer and Maknae, Yoora imnida!!"

Pagkatapos kong pagpakilala ay que na magpeperform na kami. Pumesto na ako sa gitna at nasa likod ko na sila Unnie tapos nagperform na kami.

Pagkatapos naming magperform ay nagkaroon ng konti usapan between sa amin at sa fans then umupo na kami sa isang mahabang mesa at pumila na rin yung mga fans namin dala yung mga album nila.

Buti na lang at maganda na yung pakiramdam ko dahil ayokong madisappoint yung mga fans namin.

--------------
At dahil ang TUNAY na YOORA ay may sakit (at ako yun XXD) sana ay mapatawad nyo sya dahil sa lame na UD..

Masama po talaga ang pakiramdam ko eh, alam kong nag-aantay kayo kaya sorry T_T

Babawi na lang po ako kapag maayos na yung pakiramdam ko..

Sorry sa typos.. Sa phone ako nagUD eh..


Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon