Noona -51-

2.7K 208 246
                                    

Noona -51-

Ready ka na ba talagang basahin ang chapter na to??

Talaga???

Talangang-talaga???

Naghanda ka ba ng itak at asin??

Meron???

Ok sige, bukas pwede mo na tong basahin Hahahaha XXD

Eto na nga...

Noona -51-

Matapos ang VCR na iyon ay pumusto na kami sa gitna ng stage. Ang collaboration namin kasama ang miss A sunbaenim ang unang mapapanood ng mga naghihintay ng collaborations. Isang remix din ang kanta namin, yung Hush na kanta nila at yung debut song namin na Warning. Pinaghinarapan nila Min sunbaenim at Hyemi Unnie yung pagreremix ng mga kanta namin tapos ako naman at si si Fei sunbae ang nag-isip ng mga steps na sasayawin namin.

It's a great honor performing with our sunbaes. Dati nanonood lang ako ng performance nila sa T.V o di kaya kapag nagkakasabay kami sa mga music shows pero dahil sa Dream Concert ay nabigyan kami ng isang magandang opportunity na makapagperform kasama sila.

Pagkatapos naming magtangghal kasama ang sunbae namin at sinundan naman ito ng Harmony at BTS. Haruman yung ginamit nilang kanta at may kanya-kanya silang partner pwera kay Yoongi at NamJoon Oppa na dancer ng JYP Ent ang kapartner dahil 5 lang ang miyembro ng Harmony. Nung part na ni Jin Oppa ay may nilabas silang mga rose at isa-isa nila itong inabot sa mga partner nila habang nasa pinakagitna si Jungkook at Eun-ah. May sumigaw ng 'Kiss! Kiss!' kaya hinalikan ni Jungkook si Eun-ah sa noo na naging dahilan kung bakit nagsigawan ang mga tao.

Ng makita ko iyon ay napayuko na lang ako habang inaayusan ako dahil pagkatapos ng isang special number mula 2PM sunbaenim ay ang collaboration na namin ng GOT7 ang susunod. Maya-maya ay may kumalabog at nakita kong palabas na ng dressing room na iyon si Bambam at hinabol naman sya ni JB.

Ipinagpatuloy ko na lang yung pagpapa-ayos ko para makapagpanghinga pa ako ng kaunti. Nag matapos ang performance ng BTS at Harmony at sinalubong ko sila Oppa para batiin lalo na si Taehyung.

Inabutan ko sya ng towel pero sinabi nyang ako na ang magpunas sa pawis nya kaya ginawa ko na pero nakatikim mula sya ng hampas mula sa akin. Maya-maya ay bumalik na si JB at Bambam pero seryoso pa rin ang mukha nito.

Habang nanonood kami ng special stage ng 2PM sunbaemin ay nakita kong lumabas ng dressing room si Jungkook. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at wala rin si Eun-ah at Bambam sa loob kaya agad akong lumabas para sundan sya. Hindi nya pwede silang makita silang magkasama. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang iyon pero isa lang ang sigurado ako, masasaktan si Jungkook kapag nalaman nya at ayokong mangyari iyon.

"Jungkook!" Tawag ko sa kanya pero mukhang wala syang naririnig, sobrang bilis pa ng lakad nya kahit palinga-linga sya at mukhang may hinahanap. Tumigil sya saglit para silipin ang isang bakanteng kwarto doon kaya sinamantala ko iyon para maabutan sya.

"Saan ka pupunta Jungkook?" Tanong ko sa kanya at halatang nagulat sya ng makita ako.

"Nakita mo ba si Eun-ah Noona? Nawala sya bigla eh" sabi nya sa akin. Napalunok ako sa tanong nya.

"Baka nagCR lang, halika bumalik na tayo doon" sagit ko tapos hinawakan ko ang braso nya pero agad din nyang inalis iyon.

"Sige Noona ikaw na lang, hahanapin ko muna si Eun-ah" pagmamatigas nya. Gusto ko syang hilahin pabalik ng backstage o dressing room dahil may pakiramdam akong hindi maganda pero mukhang hindi sya makikisama.

Nagsimula syang maglakad palabas, rinig kong malapit ng matapos ang performance ng 2PM sunbaenim at malapit na kaming sumunod pero hindi ko kayang iwan si Jungkook.

Sumunod ako sa kanya hanggang labas ng dome pero sa likurang bahagi non kaya walang masyadong tao bukod sa staffs. Nakita kong lumiko sya sa may bandang kanan at naaninag ko naman si Eun-ah at Bambam na magkasama sa may kaliwa. Kapag hinayaan ko syang magpatuloy sa paglalakad ay baka makita nya ang dalawang ito ng magkasama. Naiiyak na ako, kung may relasyon man si Eun-ah at Bambam at makikita sila ni Jungkook ay masasaktan sya. Hindi deserve ni Jungkook ang masaktan kaya gagawa ako ng paraan.

Tama, bilang Noona ni Jungkook hindi ko dapat hayaang masaktan ang dongsaeng ko.

Hinabol ko sya. Tinakbo ko ang malawak na lugar na iyon kahit malamig dahil sa suot ko. Hinabol ko sya para mapigilan syang masaktan.

Ng maabutan ko sya ay agad akong tumayo sa harapan nya at iniharang ang mga braso sa daraanan nya. "Jungkook jebal, bumalik na tayo sa loob" yaya ko sa kanya. Kumunot ang noo nya dahil sa nangyayari ngayon.

"Hinahanap ko pa si Eun-ah Noona. Mauna ka na at baka lamigin ka pa sa suot mo" tinanggal nya yung suot nyang leather jacket at inilagay iyon sa akin. Nagtama ang mga paningin namin at hinawakan ko ang mga braso nya sa ka umiling.

"Noona naman--- Eun-ah?" May kaluskos kaming narinig kaya natuon ang atensyon nya sa di kalayuan. Tinanaw nya ito pero pilit ko pa rin syang hinaharanga para hindi sya pumunta sa parteng iyon.

"Nandoon ata si Eun-ah Noona, sandali"sabi nya sa akin at inalis ang pagkakahawak ko sa mga braso nya pero muli ko syang sinundan at humarang sa daraanan nya. Magsasalita pa dapat sya ng hawakan ko ang mga pisngi nya at halikan sya sa labi.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko nagawa iyon pero iyon lang ang naisip kong paraan para itigil nya ang pagsunod kay Eun-ah. Alam kong isang katangahan ang ginagawa ko pero kung ito lang ang paraan para maisalba ko ang puso nya gagawin ko, kahit na puso ko ang kapalit.

Bahagya nya akong tinulak kaya napahiwalay ako sa kanya. Kita ko sa mga mata nya na nagalit sya dahil sa ginawa ko. "Noona ano ba!" Sigaw nya sa akin tapos iniwan ako doon. Tumulo na lang ang mga luha ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. I failed. Hindi ko naprotektahan ang dongsaeng ko.

"Shibalyo!!!" Narinig kong sigaw nya mula sa di kalayuan kaya agad akong tumakbo doon. Nakita ko syang nasa ibabaw ni Bambam at sinusuntok nya ito. Nadugo na ang ilong at labi ni Bambam habang si Eun-ah ay pilit na inaalis si Jungkook sa ibabaw ni BamBam. Pili kong hinihila si Jungkook para hindi na nya mapuruhan si Bambam pero sobrang lakas nya. "Jungkook tama na!" Pigil ko sa kanya. Bahagya ko syang nahila palayo kay Bambam pero pinipilit nya pa rin itong inaabot.

"Tama na Jungkook, jebal" sabi ko sa kanya at niyakap sya para kumalma sya.

"Hayop ka! Bakit mo hinahalikan ang girlfriend ko!?" Galit na galit na tanong nya habang pinipilit pa ring makalapit kay Bambam na tinutulungan ni Eun-ah na tumayo ngayon. Nanginginig ang katawan ni Jungkook ngayon at nakakuyom ang mga palad nya.

"Jungkook wala yon, aksidente lang iyon" iyak naman ni Eun-ah habang nalapit kay Jungkook matapos nyang maitayo si Bambam.

"Aksidente Eun-ah? Mukha ngang sarap na sarap ka pa habang kahalikan yang hayop na yan eh!"

"Tama na Jungkook, jebal. Bumalik na tayo sa loob" pamimilit ko sa kanya pero tinulak nya ako dahilan para bumagsak ako sa sahig  at mag-isang syang naglakad pa-alis.

Tatayo na sana ako para sundan sya ng lapitan ako ni Eun-ah at sabunutan. "Pakielamera ka talaga eh no? Lahat na lang pinakikielaman mo lahat na lang!" Galit na galit na sigaw nya sa akin habang nakapatong sya sa akin at sinasabunutan pa rin ako. Hindi ako gumanti ng sabunot sya kanya, hinawakan ko ang braso nya at pilit syang itinutulak palayo sa akin pero masyado syang malakas. Hindi ko sya papatulan, hindi ko ibababa ang sarili ko para sa kanya.

"Eun-ah hajima!" Sigaw naman ni Bambam at pilit na inaalis si Eun-ah sa akin. Ng mailayo na sya sa akin ay tumayo ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Lahat na lang ba ng meron ako pakikielaman mo?" Lahat na lang ba ng meron ako kukunin mo?" Ang iyak nya habang hawak-hawak sya ni Bambam. Wala akong kinuha sayo Eun-ah, dahil ikaw ang mya kinuha sa akin.

-------
Comment is a MUST!!

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon