-Noona- 47
Nung bata ako palagi kong sinasabi na gusto kong maging isang artista. Natutuwa kasi ako kapag napapanood ko sila sa T.V at ang gaganda ng mga damit na suot nila tapos ang gagaling nilang umarte. Palagi akong inaasar ni YooJun noon na hindi mangyayari yon dahil panget daw ako. Naalala ko palagi akong tumatawag kay Appa para magsumbong na inaaway ako ni Yoojun, tatawa lang sya tapos patatahanin ako. Kapag nasa bahay naman si Appa, palagi kaming duet sa pagkanta ng mga classical songs, mapaKorean o foreign man.
Unang beses kong napanood ang performance ng DBSK sunbaenim noong pangalawang taon ko sa middle school . Sinama kasi ako ng classmate ko sa Seoul para manuod sa kanila ng Live. Tumakas nga lang ako non at walang alam si Umma sa ginawa ko. Matapos ang napakagandang performance nila, nagpadesisyunan kong hindi pagiging artista ang gusto, gusto kong maging isang Idol.
Nung sinabi ko kay Umma na gusto kong maging Idol pumayag naman sya basta daw tapusin ko ang pag-aaral ko, pero nung kay Appa na ako nagpaalam ayaw nya. Masyado daw kasing magulo ang mundong gusto kong pasukan at ayaw nyang sa huli ako lang ang masasaktan. Pero gusto ko talagang maging isang Idol, pinag-igihan ko ang pag-aaral ko sa middle school at nung graduation namin, ako ang Valedictorian ng batch namin. Natuwa si Appa at tinanong nya ako kung anong regalong gusto ko, sinabi kong gusto kong payagan nya akong maging isang Idol pero sa huli ayaw pa rin nya.
Hindi naman ako nagalit sa kanya, tampo oo, alam ko naman na kapakanan ko lang ang iniisip nya pero nakakapanghinayang na baka hindi ko matutupad ang pangarap ko.
Naghahanda na ako para nalalapit na enrollment ng mga highschool ng biglang umuwi si Appa sa Jeju, akala ko simpleng bakasyon lang ang gagawin nya pero nung pabalik na sya ng Seoul ay binigyan nya ako ng isang plane ticket at audition form.
Plane ticket papuntang Seoul at isang form na galing ng BigHit Entertainment. Na note pa nga iyon na "Mianhe Yoora, hindi ako nakakuha ng audition form sa isa sa mga kilalang companies. Next month pa daw kasi ang start ng audition nila kaya BigHit Ent. lang ang nakuha ni Appa, don't worry maganda rin naman sa BigHit"
Naaalala ko pa yung mga panahon na unang beses akong pumasok ng training room BigHit bilang isang trainee. Takot na takot ako nun, ang seryoso kasi ng mukha ni PD-nim.
"Yoora!" Tawag sa akin ni Hyemi Unnie habang natakbo sya papalapit sa akin. Nasa gitna kasi ako ng stage at tinitignan mabuti yung malawak na dome ng Gocheok Sky Dome. Napalaki nito at kayang magaccomodate ng ilang libong tao. Iniisip ko pa lang na magpeperform ako sa harap ng libo-libong tao kinakabahan na ako. Baka may mali akong magawa at makita nila, nakakahiya kapag nangyari iyon. Pero kahit kinakabahan ay naeexcite ako.
Gusto kong maramdaman yung nararamdaman ng mga Idols sa tuwing nagpeperfrom sila sa mga concerts nila. Gusto kong maranasan na icheer ng maraming tao at mag-enjoy kasama sila.
"Ang laki pala talaga ng Gocheok Sky Dome" sabi ni Unnie kaya tumango-tango. Naiimagine ko na makakakita ako ng ocean na may pangalan ko, na makikita ko yung pansamantalang lightsticks na iwawagayway ng mga fans namin. Na maraming sisigaw ng pngalan ko habang nagperperform ako.
"Yoora!" Narinig kong may tumawag na naman sa pangalan ko, paglingon namin sa likod ay tinatawag na ako ng isang staff dahil oras na para magreherse kasama ang GOT7 para sa collaboration namin. Kakatapos lang naming magsayaw kasama ang miss A sunbaenim at binigyan lang kami ng ilang minutong pahinga.
Nagpaalam ako kay Unnie at lumapit sa kanila na iniinstruct na kung anong magiging flow ng performance namin. "Arraseo?" Tanong sa amin matapos ang ilanf details, agad naman kaming sumagot ng Ne at nagpunta na sa stage.
Pumwesto kami para sa unang position namin. Nahahilera kaming lahat sa gitna then nakaharap ang lahat ng member ng GOT7 sa harapan samantalang ako nakatalikod pero nasa gitna nila ako.
Nagsimulang tumungtog yung niremix ni Youngjae at Jackson Oppa na kanta at nagperform na rin namin.
Matapos ang performance namin at nakita namin yung ibang artist ng JYP at BigHit Ent. Na nasa baba at nanonood sa amin. Napadako ang tingin ko sa Bangtan at nakita ko si Taehyung na sinesenyasan ako na alisin ko yung pagkaka-akbay ko kay JB samantalang sila Namjoon Oppa naman at napalakpak.
Malapit na sa huli ang performance namin dahil isa ito sa most anticipated collaboration sa Dream Concert. Naghawak-hawak kami ng kamay tapos sabay-sabay na nagbow.
Bumaba kami ng stage at nakisama sa mga nasa babang artist. Sinalubong ako ni Seokjin Oppa at inabutan ako ng isang towel samantalang si Jimin naman ang nag-abot sa akin ng isang bote ng tubig.
Sumunod na performance ay ang solo stage ni Eun-ah. May isang malaking projection ng pakpak ng butterfly at sa gitna ay nandodoon sya. Parang sya yung naging katawan ng butterfly at yung projection ang mga pakpak nya.
Habang nakanta sya ay dama mo yung emosyon na gustong iparamdam ng kanta. Yung mensaheng gustong ipadala nito sa mga makakarinig. Bagay sa boses nya ang genre nito kaya siguro maraming nagkagusto sa kanta nya at gusto nila itong marinig ng live.
Ng matapos syang kumanta ay pinaakyat kaming lahat ulit sa stage para naman sa huling part ng concert.
Matapos yon ay nagpunta agad ako sa backstage para pasalamatan yung mga tumulong sa amin sa araw na iyon. Inisa-isa ko silang pinasalamatan at nagbow ako.
Napagpasyahan kong pumunta sa banyo para makapag-linis ng katawan. Mag-isa akong maglalakad sa hallway ng mapansin kong may mga yabag na sumusunod sa akin. Ang ginawa ko ay nagtago ako sa isang sulok at inantay na dumaan sila.
Ng dumaan sila, hindi ko nakita ang mukha nya pero alam kong may kasama sya. Magkahawak kamay silang tumatakbo papunta sa medyo madilim na parte ng lugar kung nasaan kami ngayon.
--------------
Ice breaker! Grabe yung mga comments nyo sa mga nakaraang chapter! Ang INTENSE EH!Yay! Isang UD para ngayong araw. Mianhe.. Bukas na lang ulit pagkauwi ko galing school XXD.
Tinamad ako kaninang tapusin yung mga cover ko kaya hindi sila lahat pare-pareho XXD.
Thank you kay JiMinion_Suga para sa pagtatry na gumawa ng cover ng Noona!
Add/Follow me on (hahha lakas makaplug hayup)
----> FB- Dokyungsoobias WP (Para makausap nyo ko at makita nyo ang panget kong mukha)
---> Instagram - dokyungsoobias (para makita nyo ang walang kwenta kong post XXD)Haha yun lang XXD

BINABASA MO ANG
Noona
أدب الهواةBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook