Noona -26-
"Bilisan mo Yoora!' sabi sa akin ni EunSoo Unnie habang nag-aayos ako ng sarili ko. Kanina pa kami iniwan nila Jera Unnie dahil nagpatawag ng meetinh si PD-nim, tinanghali ako ng gising kaya heto nagmamadali kami.
Hindi pa ako nakakapagsuklay ng maayos ay agad na kaming tumakbo pababa ng building namin at nag-abang ng taxi papuntang BigHit.
Pagdating namin sa BigHit ay wala ng masyadong tao dahil kanina pa nagsimula yung meeting, tumakbo agad kami ni Unnie sa Conference room.
"Gaganapin itong event na to sa Cheosok Day--" napahinto si PD-nim sa pagpapaliwanag ng pumasok kami ni Unnie. Agad kaming nagbow at humingi ng pasensya. Tinignan nya kami gamit ang walang emosyon nya mata at maawtoridad kaming pinaupo. Inilabas ko yung maloit na notebook ko para magjot down notes sa mga sasabihin ni PD-nim. Makakalimutin kasi ako kaya palagi akong may dalang notebook sa tuwing magkakaroon kami ng meeting.
"Ang Dream Concert ay gaganapin sa insert name ng dome here. Maraming fans ang inaasahan naming darating kaya inaasahan kong hindi nyo ako bibiguin, tama ba ako BigHit artist?" tanong ni PD-nim, sumagot naman kami ng 'Neh'tapos ay sinabi nyang meeting is adjourned kaya nagsimula na silang magsilabasan kaya sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko.
"EunSoo at Yoora maiwan kayo"sabi ni PD-nim kaya umupo ulit ako.
Inilipat-lipat nya ang tingin nya sa aming dalawa ni Unnie tapos umupo sya. "Yoora-sshi, Gwenchanyo?" biglang tanong nya kaya agad akong sumagot. Kahit masungit si PD-nim ay sobra sya kung mag-alala para sa amin. Minsan nga anak ang tawag nya sa amin eh.
"That's good to hear. Well since late kayo ay kailangan ko na namang simulan ang paliwanag ko." sumandal sya sa swivel chair nya.
"Do you know JYP Ent?"
"Neh" sabay na sagot namin ni Unnie, well sino bang hindi? Isa lang naman iyon sa Top 5 Big companies dito sa Korea.
"Well Mr. Jang and I decided to make a Dream Concert for a cause. A concert where BigHit artist will have a collaboration with JYP Ent. Artist. Bangtan with Harmony, Empress with Miss A and a collaboration from our trainees with the trainees of JYP ent na magiging isang magandang exposure for them, then a Special stage from Yoora with GOT7 sinumulang ipaliwanag ni PD-nim yung na miss namin kanina. Concert for a cause? Matagal ko ng gustong gumawa ng ganyan dahil gusto kong makatulong sa mg nangangailangan.
"Supposed to be, wala talaga dapat collaboration si Yoora with GOT7 but Mr. Jang requested it at alam kong hindi mo ako bibiguin, di ba Yoora?"
"Neh, PD-nim. Gagawin ko po ang lahat para mabigyan ang audience ng magandang stage" sagot ko. Umayos ng upo si PD-nim at inilagay nya yung mga kamay nya sa ibabaw ng mesa.
"Since both of the artist from the different companies have diffetent schedules ay we decided to set up dates kung kailan kayo magpaparactice for your collaborations. Minsan pupunta ang mga Artist ng JYP dito sa atin or vice versa, kayo ang pupunta sa kanila para magpractice." mukhang magiging masaya to dahil makakasama namin sa stage ang mga sunbaes namin at the same time magiging mahirap dahil sa schedules namin. Hindi lang naman kami busy sa individual activities namin eh, busy rin kami parasa preparation ng susunod namin album. Halos hindi na din matulog sila Unnie para makagawa ng magandang kanta para sa susunod na album namin.
"Im expecting a lot from your group since kayo ang mas kayang maghandle ng mga ganitong pressure so sana maging maganda ang kalalabasan nito, arraseo?"
"Neh, PD-nim!" sabay na sagot namin ni Unnie.
"Makaka-asa po kayo na ibibigay po ang best namin para sa collaboration na ito" dagdag pa ni Unnie.

BINABASA MO ANG
Noona
FanfictionBangtan Series No.2 "Noona, bakit ang liit ni Jimin Hyung?"-Jeon Jungkook