Humahampas ang hangin, umuugong ang kulog.
Patak ng ulan ay patuloy na naririnig
Walang paalam, lamig ang namamalagi sa silid
Maaaring bukas wala na ang pag-ulan
Maaring bukas wala na rin ang lamig
Wala na ang kulog....payapa na ang panahon
Ngunit bukas ba ay wala na rin ang bigat ng damdamin?
Isasama ba ng ulan ang mga luhang pumapatak?
Sasabay ba sa kulog ang paninikip ng dibdib?
Tatangayin na rin ba ng hangin ang mga bulong ng isipan?
Matatapos din ba ang bagyong nasa kalooban?
Siguro, sana, hindi ko na rin alam
Ilang bagyo pa siguro ang daraan...
Ilang patak ng ulan pa ang sasabayan ng mga luha
Bago ko tuluyang makita ang liwanag ng inaasam na pahinga
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
