Sa gitna ng pagmumuni-muni
Hindi ko namalayan
Pisngi ko na pala'y namamasa
At ng hawakan, luha ang nadamaHindi sigurado
Kung ano ang nagtulak
Ang alam ko lamang
Ito'y nagmula sa damdaming hindi mawariMaari bang dala ng maraming iniisip
Na tila'y naghalu-halo
At nagtipon- tipon
Kaya luha ang naging produkto?Pag-aalala, lungkot, pagkabahala
Di mawala sa isipan lalo na puso
At kung tatanungin ng "saan?" at "bakit?"
Ang sagot ay di rin mabibigkas ng labiMaari bang ito'y dala rin ng kagalakan
Ng sa puso'y 'di namamalayang nariyan
At dala ng pag-uumapaw nito
Kaya puso'y di napigilan at sa luha na lamang naidaanSa kabila ng pag-aalala
At takot sa dala ng hinaharap
Ako'y nanatiling nagpapasalamat
Sapagkat nakaukit pa rin sa puso ang mga titik ng pangalan ng AMAAMA na Siyang nagpapaalala
Na lahat ng ating pangamba
Ay mauunawaan at maliliwanagan
Sa Kanyang panahon na Siya lamang ang nakakaalam
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoesíaSilent tears, muffled sobs and their hidden words