"Salamat, Papa"

50 2 0
                                        

Aking ama.
Dalawang salita
May malaking kahulugan
Kahulugang hindi mananakaw ninuman

Sa iyong mga bisig
Nuon,ang isang sanggol ay nahimbing
Mga pagtangis ay humupa
Dala ng iyong pag-alo't pagkanta

Ikaw ang haligi
Ng tahanang munti
Ang pundasyon
Na nananatiling matibay kahit bumagyon man

Salamat.
Ang salitang ito ay 'di sapat
Para sa lahat ng hirap
Na iyong tiniis at binalewala

Salamat.
Ang salitang ito ay 'di sapat
Kapalit ng lahat ng sakripisyo
Na iyong inihandog para sa ating pamilya

Salamat.
Ito'y 'di pa rin sapat
Para sa patuloy na pagdaloy
Ng iyong pagmamahal

Ngunit kahit ang salitang "salamat" man ay 'di sapat
Nanaisin ko pa rin itong bigkasin
Dahil mayroon akong isang ama na binigay ng Diyos
Na pasasalamatan at mamahalin magpahanggangwakas

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon