Tinangay ng Tadhana

24 2 0
                                        

Pinangako sa'yo noon
Na babalik ang alon
Sa kanyang dalampasigan
Lumipas man ang panahon

Pansamantalang humiwalay
Kahit natatakot mawalay
Ang alon ay maglalakbay
Ganundin ang dalampasigang naghihintay

Ilang bagyo ang dinaanan
Malakas na hangin ay nilampasan
Paghagupit nito'y 'di ininda
Kahit paulit-ulit na parang walang kawala

Lumipas na ang bagyo
Malakas na hangin ay wala na
Ito na ang panahon
Magtatagpo muli ang alon at kanyang dalampasigan

Ngunit hindi pala totoo
Na wala na ang bagyo
Dahil tila naliligaw
Ang alon sa kanyang bawat galaw

Nawawala, hindi matagpuan
Ang hinahanap sa kawalan
Dalampasigan, nasaan ka na?
Bakit ikaw ay hindi matanaw?

Tinangay ng malakas na hangin
Ang dalampasigang binalikan
Kanilang ugnayan sa isa't isa
Ibinigay na sa iba ng tadhana

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon