siya pa rin

33 2 0
                                    

Bakit?
Bakit umabot sa ganito?
Hindi naman nagkulang sa iyo
Minahal ka naman nang buo

Bakit?
Mahal mo ako, yan ang sabi mo
Pero kapag siya na ang pinag-uusapan
Pagmamahal sa akin tila'y iyong nakalalagdaan

Bakit?
Bakit pinaniwala mo ako
Para saan ang lahat ng salitang binitawan mo?
Para ba pasayahin ako? O para durugin ako?

Iniisip ko tuloy ngayon
Ang mga "mahal kita" ay sa akin ba talaga nakalaan
O siya ang iyong iniisip
Kahit ako ang iyong kaharap?

Sana sinabi mo na lang kaagad
hindi ka na sana minahal nang sagad
Sana hindi mo na lang ginulo ang mundo ko
edi sana, ngayon, buo pa rin ang puso ko

Pagmamahal ko sa'yo ay buong-buo
Hanggang ngayon ay ayaw nitong maglaho
Kahit nalaman ko na mismo sayo
na siya pa rin pala ang laman ng puso mo

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon