Hindi makahinga
Sa lungkot na nadarama
Taling unti-unting gumagapos
Sa pusong naghuhumangos
Nalulunod sa alon
ng nahihirapang damdamin
Paano ako makawawala,
hindi ko alam kung saan ito nagmula
Talukap ng mata'y bumibigat
Tibok ng puso'y sumasakit
Lalamunan ay sumisikip
Nabibingi sa ingay ang isip
Namumutla, nawawalan ng kulay
Nanghihina itong yaring buhay
Gusto kong sumigaw, ako'y pakinggan
Gusto kong umiyak, ako'y yakapin
Hinga ng malalim, pumikit nang mariin
Linawin ang isip, paligid ay patahimikin
Luha'y di na mapigil, nanlalabong mga mata
Pag-asa, nasaan ka, hindi ko na talaga kinakaya
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
