Magpapaubaya Ka

18 0 0
                                    

"Ako ang kailangan pero 'di ang mahal."

Iyan ang sabi sa kanta ngunit para sa akin naman, ikaw ang aking mahal ngunit hindi ang kailangan
Oo, tama ang narinig mo. Hindi kita kailangan
Sapagkat hindi ko kailangan ng taong magbibigay ng purong sakit at kalahating pagmamahal
Hindi ko hahanapin ang taong kailangan ko pang tanungin upang makasiguro sa pag-ibig niya
Hindi karapat-dapat para sa'kin ang isang pag-ibig na nag-aalinlangan at nagdududa
Ang pagsintang kinakailangan pang papiliin upang maging masaya...

...dahil ang kailangan ng puso ko...ang kailangan nating lahat...ay ang pag-ibig na puro at dalisay
Ang pag-ibig na hindi ganoon kababaw upang mapalitan lamang ng isang sulyap sa iba
Pagmamahal na araw-araw kang pipiliin at hindi na bibigyan ng dahilan upang gumawa ng tula na puro sakit ang nakapalaman sa bawat salita
Sapagkat kung pipilitin mo lang na maisingit ako diyan sa puso mo...huwag ka nang mag-abala pa
Huwag na lang dahil hindi iyan ang nais ko...hindi naman ganyan ang nararapat para sa isang tulad ko.
Ayokong maglaan ng panahon para sa isang taong nahihirapan akong piliin
Masasaktan lamang kita at higit sa lahat, susugatan ko lamang hanggang sa mabugbog at mapagod ang puso ko

Kaya minsan, ang pagpapaubaya ay hindi masama;
Masakit, sobrang nakakapanlumo ngunit nasa tama sapagkat ang pagpapaubaya ay hindi lamang para sa kanya o para sa kanila
Ngunit higit sa lahat, magpapaubaya ka para sa sarili mo, upang makabitaw ka sa isang lubid na ikaw na lang ang kumakapit;
Na unti-unting pumupulupot sa iyong katawan na nagpapapigil ng iyong paghinga...na nagpapalagaslas ng iyong mga luhang puno ng pait
Dapat nang sukuan ang isang giyerang ikaw na lang naman ang lumalaban,
At sa dagat na umaanod sa'yo dahil sa lakas ng alon ng sama ng loob...ay dapat ka nang umahon

Magpapaubaya ka, hindi sa kadahilanang naduwag ka...hindi sa kadahilanang natalo ka
Magpapaubaya ka dahil alam mong sa puso mo na hindi ka karapat-dapat sa kalahating pagmamahal... dahil higit ka pa sa sapat

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon