Bago

21 1 0
                                        

Kapag mayroon kang bagong lego
Hahanapin mo ang papel kung saan nakasaad kung paano ito mabubuo
Pag-aaralan mo ito nang mabuti
Upang hindi ka magkamali

Ganoon din ang ginagawa mo kapag may bago kayong aralin
Ang mga sulat sa inyong kwaderno ay babasahin
Babasahin nang paulit-ulit
Hanggang ito ay sa utak ay maukit

Ineensayo mo ang bawat galaw
Sa tugtuging iyong isasayaw
Upang makasabay sa musikang
Sa puso mo'y nagpapaindag

Pinag-aaralan, sinusuri at sinasanay
Ganito ang ginagawa mo kapag may dumarating na bago
Dahil ayaw mong ika'y magkamali
Dahil ayaw mong ika'y masaktan ng pagkabigo sa huli

Pero ngayon, hindi mo alam ang gagawin
Puso mo'y nakararamdam ng bagong damdamin
At ito ay hindi pamilyar sa'yo
Kaya ngayon sarili'y tinatanong

"ano ang tawag dito?"
"ano ang gagawin ko?"
"pag-ibig na nga ba ito?"

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon