"Mama, Salamat"

37 2 0
                                    

Siyam na buwan
Sa iyong sinapupunan
Ay inilaan upang ako'y alagaan Mahalin kahit 'di pa nasisilayan

Sakit at kahirapan ay iyong tiniis
Tiniis ng ilang oras
Marinig lamang ang aking unang pagtangis
At masilayan ang mundong kay tamis

Ika'y nasa tabi sa unang paglakad
At ang mga kamay mo ay ilalahad
Sa tuwing ako'y madarapa
At maniniwalang ako'y tatayo muli

Ikaw ang aking ilaw
Sa madidilim na panahon
Ang aking mga paa
Kapag tila'y 'di na kayang lumakad pa

Sa paglipas ng panahon
Pagmamahal mo'y 'di lumisan
Kahit mapagod man minsan
Ika'y nananatili't lumalaban

Ang salitang "salamat" ay 'di sapat
Upang maipakita ang aking kagalakan
Na ikaw ang itinakda ng Diyos
Upang aking maging ina na mamahalin magpahanggang wakas.









Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon