Isang patak ng luha
Sa bawat marka
Sa puting papel inilalagay
Habang ang puso'y malumbay
Sino ang aasahan
Sino ang mapagkakatiwalaan
Sino ang maniniwala
Sino ang mananatili
Ano ang susundin
Isang "kaya ko pa"
Isang "ayoko na"
O ang isang "bahala na"
Pinipilit kayanin
Pinipilit subukan
Ngunit ang utak ay pagod na
Ayoko na
Pero hindi,kaya ko pa
Kaya ko pa,kakayanin ko pa
Masakit,mahirap,mabigat
Pero kakayanin hindi lang para sa sarili kundi para sa lahat
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
