Bahaghari

44 1 0
                                        

Sa mundong puno ng sakit
Nais kong masilayan ang bahaghari
Bahaghari na magbibigay pag-asa
Sa gitna ng dilim at pangamba

Ako'y napapagod na
Katawa'y unti-unting nanghihina
Puso'y sugatan at duguan
Mula sa buhay na puno ng digmaan

Pag-asa ang ninanais ng aking puso
Pag-asang makikita ko pa ang saya
Saya na dala ng bahaghari
Bahagharing simbolo ng panibagong umaga

'Di na mabilang ang luha
Na pumatak mula sa aking mga mata
'Di na rin alam kung ilang beses na
Pinigilan ang mga ito mula sa pagbagsak

Hindi madali ang buhay
Ngunit gusto ko pa ipagpatuloy
Ang aking mahabang paglalakbay
Dahil nais ko pang makita ang bahagharing sa dulo ay naghihintay

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon