sana

28 0 0
                                    

Nakatingin sa langit
Pilit na iniisiip
Ano nga ba ang ginawa ko
Para ako'y kalimutan mo

Nasa mga bituin ba
Mahahanap ang kasagutan
Kung bakit ka lumisan
Bakit ako iniwan nang walang paalam?

Ang mga pangako mo
Ay nakaukit pa rin sa isip ko
Tandang-tanda ko pa
Ang bawat linyang binitawan ng labi mo

Sana'y 'di ka na lang minahal
Sana'y hindi na lang sumugal
Sa pag-ibig na sinabing walang hanggan
Na wala namang palang katotohanan

Dahil ako ay iyong iniwan
Hindi nagawang ipaglaban
Sumuko ka sa isang laban
At ako'y pinabayaan

Sana hindi na lang naniwala
Sana hindi na lang nagtiwala
Sana maibabalik ko pa
Kaso hindi na, ako'y nasaktan na


Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon